Chapter 5: White Flower

4.8K 120 1
                                    

AYAKO'S POV

Nakaupo lang kami dito at hinihintay ang doktor. Hindi ko nalang aalamin ang tungkol sa University na yun. Hindi na importante yun, ang importante ay ligtas si Yasmin. Saka pangpadagdag problema pa eh!

Nagaalala ako para kay Yasmin, Sana ayos na sya pero nakakapagtaka lang dahil wala ang parents niya.

"Pamilya ng pasyente?" Biglang sulpot ng doktor sa harapan namin.

"Wala po, nasa states po, kami po ang kaibigan niya" nagaalalang sagot ni Kirth sa doktor. Kaya pala, nasa states ang mga ito.

Base sa muka ni kirth kanina halatang mahal na mahal niya si Yasmin, hindi lang dahil kaibigan niya ito, higit pa don at alalang alala sya rito. Hayyy, dont tell me natotorpe sya -_-

"Well she's fine now, pero kailangan niyang magstay dito in 1 week para mamonitor namin ang mga sugat niya. Maari kasi itong bumuka anumang oras" napatango kami, pumasok na sila sa loob at huminga ako ng malalim bago pumasok.

Ang mga aparatong nakakabit sa kanya. Shit! Naawa ako sa kanya at the same time nagaalala rin, natiis niya yun? Yung mga suntok, sampal at hampas sa kanya? The fuck! Sana gumaling na sya.

"Are you ok?" Biglang tanong ni Recca at umiwas ng tingin..

"Ayos lang ako" ngumuti ako sa kanya at binalik ang tingin kay Yasmin.

"Lalabas muna ako" pagpapaalam ko at tumango naman ito.

Lumabas na ako at lumanghap ng sariwang hangin.

Masarap manatili sa ganitong lugar, tahimik at walang maingay. Payapa at walang gulo..

Kung pwede lang na wala nalang gulo kaso hindi eh, hindi pwede.. Hindi lahat ng bagay ay masaya, meron din malungkot. Kung may kabutihan may kasamaan.

Hay makabalik na nga..

---

RECCA'S POV

Napatingin ako sa mga kasama ko.. Tahimik lang sila.

Biglang namang pumasok si Monize at kasunod lang si Ayako.

"Guys, tingin niyo sinong nagligtas kay Yasmin" tanong ni Kirth habang nakatingin lang kay Yasmin.

"I dont know but thanks to her/him" monize with her serious face.

"Me too" dagdag naman ni Reiner.

"Its her." napatingin sila sakin while Ayako still staring at Yasmin.. Bat ba ako umaasang titingin sya! Eh hindi naman niya alam tong usapan namin.

"S-sya pero bakit?" Kirth na ngayon ay nagtataka.

"Armor lang ang pakay niya pero niligtas niya si Yasmin that's it" tinatamad na sabi ko.

"Nakita mo ba ang muka niya?" Monize

"No" simpleng sagot ko.

Kring!!!...

Napatingin kami sa phone na nagring.. Kay Ayako ito ngunit tinitigan niya lang..

"Hindi mo ba sasagutin?" Tanong ni Reiner.

Ngumiti lang ito at uliming. Nakatingin lang ako sa kanya, kahit sino ay magagandahan sa kanya lalo na sa kulay abong mata niya.. Ang matangos niyang ilong, mapulang labi at idagdag mo pa ang pagiging mabuti niya, sa mundong to walang perpekto pero kung titignan mo sya ay parang syang isang perpektong babae.

Hindi ko naman maitatangging maganda sya, na mabait sya dahil totoo yun, sa totoo lang ay naguguluhan ako sa nararamdaman ko, Tuwing tititig ako sa kanya ay bumibilis ang kabog ng puso ko, hindi maalis ang tingin ko sa kanya na para bang isa syang magandang bulaklak na hindi nakakasawang titigan, ewan ko.. Abnormal na ata ako.

Her Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now