CHAPTER 6

131 5 0
                                    

"I'm sorry, munchkin. Di ko naman iniexpect na darating si Ella sa resto." apologetic na sabi ni Vince.

I sighed. "It's OK. Palengkera naman yung babaeng yun eh"

"Right? Buti hiniwalayan ko na."

I'm a little disappointed kasi medyo bitin yung date namin pero ok lang. Now he's single again and I was able to help him.

Hinatid nya ako sa bahay.

"Pumasok ka na. Be sure to lock all the doors." bilin nya.

Ngumiti ako. I think it sounds sweet. I looked at his handsome face. I'm so happy today. Masaya akong makasama syang kumain sa labas, masaya akong inihahatid nya ako sa bahay.

Lord, ibigay nyo na po sya sa akin, please?

"Ya." pukaw nya.

"Ha? Bakit?" napakurap ako.

"Sabi ko pumasok ka na. Thanks for tonight" he said.

"Ok" pumasok na ako sa gate. Kumaway ako sa kanya pero nakasakay na sya sa kotse at umandar na yon.

❤❤❤

Ilang araw ang lumipas at normal naman ang lahat.

Isinubsob ni Vince ang sarili nya sa trabaho dahil nga nangangailangan kami ng tao.

"I need a break" he said one day habang nagliligpit na ako ng gamit ko para umuwi.

"Then take a day off. Hindi ka kasi sanay pumasok araw araw." sabi ko "All you do is play around."

"Sakit mo naman magsalita" nakangusong sabi nya.

What I said was partly true. He got his own company out of his parent's money. Bunso sya sa limang magkakapatid so hindi sya napipressure na mag manage ng business nila. He's living his life to the fullest.

Perks of being a rich kid.

He pat my head. "Buti nalang nandito ka. Kung hindi baka nabaliw na ako sa pagpapatakbo nitong kumpanya."

I smiled at him.

"Bakit ba nagstay ka dito? Di mo ipursue yung pangarap mong mag model.. " he said.

Ikaw ang pangarap ko. Sa isip isip ko.

"Wala, ayaw ko na rin. Mas maganda kung bata bata pa ako nag start."

I'm 26 years old now. I've dedicated my life being Vince's confidant. I wouldn't want to do another thing. I'll stick with him till the end.

His hand is still at my head. We're staring at each other. We were both lost for words.

Tahimik ang kwarto, all I hear is my heartbeat. I don't know kung naririnig din nya.

After what seemed like eternity, bigla nyang binawi ang kamay nya mula sa ulo ko at ibinulsa yun.

There was an awkward atmosphere. It's the first time I felt like this towards him.

"Bro, tara na" biglang pumasok si Jerome sa office.

Parehas kaming nagbawi ng tingin at nagbisi-bisihan ako.

"O-okay." sagot ni Vince.

"Huh?" nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Jerome.

Parehas kaming lumingon sa kanya.

"Bakit?" we asked in unison.

Tumaas ang kilay ni Jerome. "Wala. Sige Bro, hintayin kita sa parking lot."

"No, sabay na tayo." mabilis na lumabas ng room si Vince.

"Alis na kami, Juli.. " paalam ni Jerome and I was left alone.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Sinapo ko ang dibdib ko. Unti unti nang bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.

Mahal ko talaga sya.

ONE GREAT LOVEWhere stories live. Discover now