CHAPTER 14

107 7 0
                                    

Mula nung araw na yun, araw araw na kaming nagkakatawagan ni Yue. He made me install Line and WeChat app, so we can communicate easier.

Naging close kami through phone and video chats. Unti unti ko na rin nababaling sa iba ang atensyon ko, hindi puro Vince nalang.

It's pretty convenient din na pareho ng timezone ang Pinas at Taiwan. Wala kaming problema.

Lumipas ang isang buwan na nagkasya lang kami sa chat araw araw.

One morning, habang abala ako sa pagtatype sa computer, tumunog ang phone ko. Tiningnan ko yun at dinampot.

See you next week sweetie. -Chat ni Yue.

Napangiti ako. Napag usapan na namin kagabi na pupunta sya dito sa Pilipinas sa susunod na linggo para bisitahin ako on my birthday. I felt excited to see him again.

He's so nice to me. He greets me good morning and goodnight, he checks how's my day everyday, it really feels great. Knowing you are loved.

I typed some words to reply him. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Vince at Jerome.

Huling huli nila akong nakangiti habang nagtatype sa cellphone ko.

"Ya, oras ng trabaho ah. Sino ba yang textmate mo?" nakapamaywang na sabi ni Vince.

Hindi ko na naituloy ang reply ko kay Yue. Umirap ako kay Vince.

"FYI kakadampot ko lang ng CP ko" inilapag ko na ang phone ko. Ayaw kong may masabi pa sya kaya bumalik ako sa ginagawa ko kanina.

"Kilalanin mo muna yang lalaki na yan, Juliet. Baka may asawa na yan sa bansa nila tapos nililigawan ka pa." He continued.

Hindi ko sya pinansin. Para naman akong bata kung pagsabihan nito.

Lumapit sya sa mesa ko. "By the way, kung sakaling may magpo-propose sayo, saang lugar at paano mo gustong magpropose ang isang tao?"

Nag angat ako ng tingin at kumunot ang noo. "Ha? Pinagsasabi mo?"

Nilagay nya ang kamay nya sa batok nya. "Eh kasi... "

"Magpo-propose na sya kay Maureen" singit ni Jerome.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Teka lang? Tama ba yun?

I looked at Vince.

He awkwardly nodded. "Kaso di ko alam kung paano eh"

Hindi ako makasagot. Umurong na yata ang dila ko. My heart feels like it's a glass that fell down on the hard floor, torn.

Yung kahuli-hulihang pag asa ko na someday, gugustuhin nya rin ako, nawala nang lahat.

Hindi ko alam kung anong una kong gagawin, kung iiyak ba dahil sa sakit o tatawa nalang dahil after all these years, umasa ako sa kanya.

I let out a sarcastic laugh kahit may maliliit na butil ng luha na namumuo sa gilid ng mga mata ko. Itatawa ko nalang. Kahit masakit.

Para namang himala na tumunog ang phone ko. It's a call from Yue. I took it as an excuse. Dinampot ko ang phone at tumakbo papunta sa CR sa labas ng office.

Kay Yue ko ibinuhos ang sama ng loob ko. Umiyak ako habang kausap sya sa phone. Kailangan ko ng mapagsasabihan.

I know it's impolite to tell him that I'm heartbroken when he's obviously courting me, still, I can't help it. Afterall, it's what I really feel right now.

He listened to me attentively. Comforting me through the phone.

ONE GREAT LOVEWhere stories live. Discover now