CHAPTER 8

115 7 0
                                    

A week has passed and I got more busier dahil marami nang bagong empleyado at marami ring pagbabago sa opisina.

Nagsimula na ang pagdedesign sa unang game na dinidevelop ng company ni Tristan.

Sa totoo lang dapat si Vince ang nakatutok dito pero busy sya sa ibang bagay.

He's always out helping Maureen with her newly opened restaurant.

Kailan pa nahilig sa culinary itong si Vince? Hindi man lang ipriority ang sarili nyang kumpanya.

Sabihin pa'y inis na inis ako.

Ngayon ay may meeting kami with Mr. Guevara. He is scheduled to come here at the office and inspect our team.

I called Vince.

"Hello?" boses ng babae ang sumagot.

I know this voice. This is Maureen's.

"Hello, may I speak with Vince, please?" I tried to be nice.

"Nasa CR pa kasi sya. Do you want to say anything? I'll tell him nalang." maarteng sabi nito.

"Oh, it's none of your business. Pakisabi tawagan nya nalang ako dahil importante yung sasabihin ko." I said. "Bye"

Ibinaba ko na ang tawag. Umaalon ang dibdib ko sa inis. Ganun na ba sila ka-close para sya na ang humawak ng phone ni Vince?

After 30 minutes, dumating si Vince sa opisina. Nakasimangot sya pagpasok sa room. Nakasunod sa kanya si Jerome.

"Andito na ba si Tristan?" tanong nya.

"Wala pa. 1PM pa ang schedule." sagot ko.

He brushed his hair. "Then why did you have to call me this early? Kung ano ano pang sinabi mo kay Maureen. Nabadtrip tuloy yung tao."

Napamaang ako sa sinabi nya. "Anong sinasabi mo?"

"Tinatanong ka daw nya kung para saan yung tawag mo, sinabihan mo sya ng none of your business tapos pinatayan mo pa ng phone." inis na sabi nya.

"I said bye. I have nothing else to tell her. What should I do?" tanong ko sa kanya.

"Be professional naman Juliet. Wag kang parang bata. Alam kong naiinis ka sa kanya dati pa sa university pero past is past. Ang tagal na nun, please move on." sabi nya.

"Ah" I smirked.  "Talking about being professional. Sino kaya dito ang hindi professional at gala lang ng gala? Inaasa lang lahat ng trabaho sa sekretarya nya?"

Salubong ang kilay nya habang nakatingin sa akin.

"Kung naiinis ka dahil nabadtrip sya dahil sa akin, wag mong ibunton sa akin ang galit mo. Sana mag isip ka rin kung ano ang dapat mong iprioritize." I continued.

Hindi na sya umimik. Padabog syang lumabas ng office at binalibag pasara ang pinto.

Nagkatinginan kami ni Jerome. Ngumiti sya sa akin at lumabas na rin.

Ah, Vince, nakakainis ka talaga pero mahal pa rin kita kahit ganyan ang ugali mo. Ikaw na ang may mali ikaw pa ang galit?.

Isa pa yung Maureen na yun, ang bitchy!

Although aminado naman ako na may mali rin ako. Nadala lang ako ng emosyon ko kanina. I won't apologize anyway.

Lumipas ang oras at dumating nga si Tristan. He just met all the designers. I don't really pay much attention dahil hindi kami nagpapansinan ni Vince.

Hanggang mag uwian, hindi na kami nag usap.

ONE GREAT LOVEWhere stories live. Discover now