CHAPTER 7

122 6 0
                                    

"Juliet, please bring me coffee." sabi ni Vince.

Ipinagtimpla ko sya ng kape.
Tiningnan ko sya nang dalhin ko ang kape sa mesa.

Nakasandal sya sa swivel chair, sapo ang sentido at nakapikit.

"Hang over?" I asked.

"Yes" sagot nya.

He opened his eyes saka uminom ng kape.

His phone suddenly rang.  I saw the screen displaying a name,
" Maureen ❤"

Heart?

He immediately picked the phone and excitedly answered it. Hang over to sober real quick.

"Hello, Mau?"

I marched away from his table at bumalik sa desk ko. Itinuloy ko na ang mga ginagawa kong paperworks.

I tried to distract myself pero bahagya ko pa ring naririnig si Vince habang may kausap sa phone. May bagong babae na naman sya.

What annoys me more is that name. I hate that name talaga.

After five minutes, sumigaw ng malakas si Vince. Tumayo pa sya mula sa upuan at nagtatatalon sa opisina.

"Woo hoo" he shouted.

I gave him a puzzled look.

Lumapit sya sa akin. "Hey, munchkin, remember Maureen Dela Paz from our university?"

Biglang nagsalubong ang kilay ko. "O, anong meron?"

"I saw her at the bar last night. She's so hot" niyugyog nya ako sa balikat. "We exchanged numbers and look, she's the first to call me"

I rolled my eyes.

"What's with that expression? Hindi ka ba natutuwa?" tanong nya.

"Paano ako matutuwa eh may bago ka na namang idadagdag sa koleksyon mo?" I said. Tinanggal ko ang mga kamay nya sa balikat ko.

"No" ngumisi sya. "I think it's about time to be serious"

I was speechless.
Maureen is his ultimate crush. Since college days, lagi syang nagpapapansin sa babae.

Those days, may crush akong varsity player. Classmate ko naman si Mau, we used to be friends. Hindi pa kami friends ni Vince that time.

Sikat si Mau sa university dahil lagi syang Muse at isa pa, she's a cheerleader.

Long story short, dahil nga friends kami, alam nyang may crush akong varsity player. Ang kaso, sya ang niligawan. To my dismay, sinagot nya naman.

Noon kami nagkakilala ni Vince, nagsabi sya na gusto nyang maging close kay Maureen pero nagkaroon na ng gap sa pagitan namin kaya di ko na rin sya natulungan.

I never talked to Mau eversince.

Not long after, they broke up. Wala na yun sa akin dahil na develop na ako kay Vince.

That's how it all began.

At ngayon, babalik na naman ang babaeng yun?

Si Vince naman ang kukunin nya sa akin? I definitely won't let that happen.

"Juliet, hey" narinig kong sabi ni Vince.

"Yes?" tanong ko.

"Sabi ko maaga akong mag a-out ngayon. I'm planning to have a dinner with Maureen later. Okay lang ba?"

I felt like something crumpled my heart inside. Hindi ako umimik.

"Marami akong gift checks, ibibigay ko sayo lahat mamaya. Kukunin ko lang sa kotse." pakunswelo nya sa akin.

"Sige na. Ok lang" mahinang sabi ko.

"Sorry ha? Alam kong madami ka ring ginagawa. Bawi ako next time. Excited lang ako na ma meet si Mau ngayon. Alam mo naman na gustong gusto ko sya eh." he smiled at me.

I nodded.

ONE GREAT LOVEWhere stories live. Discover now