CHAPTER 20

114 4 0
                                    

Fourth hospital na ang pinuntahan namin saka lang namin natagpuan si Juliet.

Pumunta kami sa room nya pero hinarang kami ni Kelley.

"Wag kang makalapit lapit kay Juliet." sabi nito sa labas ng room.

"Kukumustahin ko lang naman sya." I said.

"Mai-stress lang sya pag nagkita kayo. Isa pa, hindi ka nya kailangan. She has Yue beside her"

I tried to peek inside the room. I only see a man's back beside the bed.

"Umalis na kayo. At wag na kayong bumalik, specially you Vince." taboy ni Kelley sa amin.

"Kelley, just give them chance to talk.." sabi ni Jerome.

"About what?" taas kilay na tanong nito.

Tiningnan nila ako pareho. Hindi ko alam anong sasabihin. Gusto ko lang makita ngayon si Juliet.

"Gusto kong mag sorry" napayuko ako. I give up. This stupid pride won't get me anywhere. I want to apologize sincerely to Juliet.

"No need." sadly, Kelley won't listen. She refused to let us in.

I don't know why she hates us so much even if mag sosorry na ako kay Juliet.

In the end, we chose to leave.

❤❤❤

Kinabukasan, bumalik ako sa hospital. Unfortunately, Juliet was discharged.

Pumunta ako sa bahay nya pero wala rin ito doon. Sabi ng mga kapitbahay ay umalis din ito kaninang umaga na may mga dalang maleta.

Where are you going, Juliet?

Bumalik nalang ako sa opisina.

Pagdating ko ay naabutan ko si Maureen sa office. I never expected she'll show herself again.

"Babe.. " usal ko.

Ngumiti sya. "Hi"

Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit. "I'm so sorry for what I did"

"It's okay. I understand now. Break na kayo nung dumating ako sa buhay mo. I gave it some thought, narealize kong hindi mo naman sinadyang gawin yun. Sa ilang araw na hindi tayo nagkita, naisip kong hindi ko pala kaya na wala ka.. " she said, holding on to me.

Natigilan ako. Hindi ko na sya naiisip mula nung nalaman kong nasa ospital si Juliet. All I cared about is how to talk to her and tell her to go back to being my secretary.

"I can accept your baby." sabi pa ni Mau. "I'm willing to start again."

Bahagya akong lumayo. "Yes, let's do that"

Ngumiti ako. Masaya ako dahil bumalik na si Mau, pero bakit naiisip ko pa rin si Juliet?

We tried to get back to our normal lives after that. Paminsan minsan pumupunta ako sa bahay ni Juliet pero wala na ito doon. She even put the house on sale.

She really ranaway from me. Grabe ba ang sama ng loob na naidulot ko sa kanya?

"Babe?" I heard Maureen's voice.

"Yes?" napatingin ako sa kanya.

"I said, san ka galing kanina. Nagpunta ako sa office pero wala ka ron." sabi nya.

By the tone of her voice, parang naghihinala sya sa akin. Na para bang may ginawa akong kalokohan although I never cheated on her. Not even once. Having a pregnant ex wasn't considered cheating, is it?

"Nagpunta ako sa bahay ni Juliet.. " pag amin ko. I know she doesn't like Juliet too but I guess I have to be honest with her.

"Ah" tumango tango sya.

She never said anything after that.

ONE GREAT LOVEWhere stories live. Discover now