Chapter 2

1.8K 81 19
                                    

Chapter 2

Chanelle's POV.

“Hoy babae! Gumising ka na diyan at maga-almusal na daw!” rinig kong katok ni kuya sa pinto. “Hoy!”

“Oo na! Ang ingay mo.” sagot ko at tumayo na. Ang aga-aga, ang ingay ng lalaking 'yun.

Ginawa 'ko na ang morning rituals ko at nagbihis na rin ako ng uniform ko. Ngayon ko lang napansin, hindi pala ako pala-ayos sa sarili. Hindi ako naglalagay ng kung anu-ano sa mukha, miski pulbos hindi rin. Ang gulo-gulo pa ng buhok ko, eh sa nakakatamad mag-suklay.

“Hoy! Ano? Anong oras na, ah! Gusto mo bang ma-late?!” sigaw nanaman ni kuya sa pintuan. Ano bang problema nito at mukhang concern sakin na baka ma-late ako?

Binuksan ko na ang pinto at nakita ang kuya kong ang sama ng tingin sakin. “Ang aga-aga pa, kuya. Ang OA mo mang-gising!” reklamo ko at nilagpasan siya.

“Sandali!” hinabol ako ni kuya sa hagdanan kaya napa-hinto ako. “Siguro naman alam mo na, na kasali ako sa Spogify.” tinaasan ko lang siya ng kilay “And I'm warning you, wag na wag kang lalapit samin. Especially from Kiel, understand?”

Is it just me or may tonong takot sa pananalita ni kuya? Sus, asa naman nag-aalala siya sakin. Eh, wala ngang pake sakin 'yan.

“Alam ko, sinabi na rin ng bestfriend ko 'yan. And wala akong balak lapitan kayo or makasama kayo, okay na?” sagot ko at nauna ng bumaba ng hagdan.

Pumunta akong kusina at nakita ko si mommy na nagluluto ng almusal. “Oh anak, kain na.” pag-aaya niya sakin pero iniwasan ko siya ng tingin at bineso na lang siya. “Sa school na lang po, alis na ko.”

Papalabas na 'ko ng kusina ng magsalita si mom. “Kung sinisisi mo pa rin ang sarili mo anak sa nangyari sa daddy mo, don't. Wala kang kasalanan. Aksidente ang nangyari an—”

Bago pa niya matapos ang mga sinasabi niya, umalis na 'ko don. Ayokong maniwala sa kaniya, ako ang may kasalanan. Ako ang dahilan kung bakit namatay si dad, ako...

Ginamit ko ang sasakyan ko papasok ng University. Underage pa 'ko pero may student license naman ako kaya ayos lang.

Habang nagd-drive, tinawagan ko si Pierrine. After 3 rings, sinagot na rin niya. “Hello, bakla?”

Napa-taray na lang ako. “Can you stop calling me bakla? Hindi ako bakla.” pagrereklamo ko.

Narinig ko siyang natawa “Fine, bakit napatawag ang dugyot kong bestfriend?” aba! Tawagin ba naman akong dugyot eh, mas dugyot pa nga siya sakin!

“Whatever, nasa University ka na ba?” tanong ko. “Malapit na ko, I'm driving.”

“Sorry, girl! Hindi ako papasok ngayon kasi nag-aya si tita na mag-salon. You know, girls bonding.”

So ako lang pala mag-isa mamaya. “Oh, okay. Ingat kayo, text me later na lang. Ciao!” and I ended the call.

Pinarada ko na ang kotse ko at bumaba na. Napakunot ang noo ko. “Bakit ang daming tao sa gate?” bulong ko.

“Nandiyan na kasi ang spogifys.” napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko “Ay, hahaha. Sorry, nagulat ata kita.”

Nginitian ko lang siya at tinignan ko muli ang mga studyante na nagkakagulo sa gate. “Ganiyan ba talaga sila kasikat para pagka-guluhan?” tanong ko. “Given na gwapo nga sila but marami naman akong nakikitang mas gwapo sa kanila dito sa K.U.”

Napatawa naman siya at sumandal sa kotse na katabi ng kotse ko. Bali magkaharap kami. “What do you expect? Leader nila ang anak ng may-ari ng University and pinagkaka-guluhan talaga sila hindi lang dito. They also known outside the K.U.”

Sabagay, tumutugtog nga pala sila. Malamang sisikat talaga sila outside the University. “Sabagay- OH!” napatingin ako nang may umiiyak na babae na tumatakbo at nilagpasan kami. “Ano kayang nangyari don?”

“Malamang, dahil nanaman siguro sa spogifys yan. Baka na-expelled or pinahiya.” sagot naman nitong kausap ko “By the way, I'm Zico Fournier.” sasabihin ko rin sana ang pangalan ko ng unahan na niya ko “And you're Chanelle Furukawa.”

“Pa'no mo nalaman pangalan ko?” tanong ko. “Stalker ka ba?”

Natawa siya at napa-iling. “No, hindi mo pa rin ba alam? Ikaw ang kauna-unahang student na nag-transfer dito after 2 years.” umiling ako “Kaya wag ka ng magtaka kung bakit kilala ka dito.” nilagpasan na niya ko ng huminto siya ulit “And,” lumingon siya sakin “Mag-iingat ka sa kanila.” at tuluyan na siyang umalis.

Napa-iling ako at sinimulan ng maglakad ng may nabangga ako. “Hala, sorry!” hinawakan ko siya at tinignan kung may masakit sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Sorry, di ko sinasadya. Pasensya na! May masakit ba sa'yo?” tanong ko habang chine-check ang katawan niya.

“A—ano ba!” nagulat ako nang bigla niya akong itulak “Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!” sigaw niya kaya napa-atras ako.

“S—sorry... ayos ka lang ba? Di ko talaga sinasadya.” napakunot naman ang noo niya, ang gwapo...

Ano?! Nasa kalagitnaan ako ng problema tas kung anu-ano pa tumatakbo sa utak ko.

“Di mo ba ko kilala ha?!” sigaw niya sakin. “Ang lakas ng loob mong banggain ako!” bakit ba sigaw siya ng sigaw eh kaharap lang naman niya ako!

“Teka lang, ha. Nags-sorry na 'ko pero sigaw ka pa rin ng sigaw diyan! Anong gusto mo, lumuhod pa 'ko sa harap mo?! Asa ka!” sigaw ko rin at nilagpasan siya. Ayokong pag-aksayahan ng oras ang taong hindi marunong tumanggap ng sorry! Gwapo nga, hambog naman.

Kiel's POV.

Mga gunggong talaga 'tong mga kasama ko. Iwan ba naman ako sa mga babaeng nagkakagulo dito! Humanda sila sakin mamaya.

Tumakbo na ko dahil nac-CR na 'ko nang may nabangga akong babae. Tangina, ang sakit ng puwetan ko dun ah! “Hala, sorry!” nagulat ako nang hawakan niya 'ko at tinignan kung okay lang ba 'ko. “Ayos ka lang ba? Sorry, di ko sinasadya. Pasensya na! May masakit ba sa'yo?” tanong niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. No, it can't be! It just...

This the first time na may nag-alala sakin... That's it!

Siguro nag-aalala lang siya sakin kasi binagga niya ko! Oo, yun lang. Kaya agad ko siyang tinulak “A—ano ba!” mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko “Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!” pero ang totoo niyan, ako talaga ang nakabangga sa kaniya.

Pero imbis na mainis siya sa ginawa ko, “S—sorry... ayos ka lang ba? Di ko talaga sinasadya.” bakit ba ganito ang babaeng 'to? Tss.

“Di mo ba ko kilala ha?!” sigaw ko sa kaniya. “Ang lakas ng loob mong banggain ako!” hindi nga siguro niya ako kilala kasi kung kilala niya ko, kanina pa nagtata-takbo 'to sa takot.

“Teka lang, ha. Nags-sorry na 'ko pero sigaw ka pa rin ng sigaw diyan! Anong gusto mo, lumuhod pa 'ko sa harap mo?! Asa ka!” sigaw niya sakin at nilagpasan ako. Aba! Ang lakas ng loob niyang sigawan ako?! Eh kung ipa-expell ko kaya siya!

Oo nga, bakit di ko siya pina-expell kanina pa lang? Tss.

Naglakad na 'ko para hanapin ang mga gago kong kaibigan nang may maisip ako “Humanda ka saking babae ka, sisiguraduhin kong hindi pa 'to ang huling araw na magk-krus ang landas natin.” napa-ngisi na lang ako sa naiisip ko.

humpyducknie.

MISSION: BREAK THE PRINCE RULEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin