Chapter 4

1.5K 67 1
                                    

Chapter 4

Chanelle's POV.

“Ayoko!” sigaw ko. “Ano bang klaseng pakulo meron kayo, huh?”

“Chanelle, we just want to break the rule. Pina-expelled niya ang kaibigan namin dahil lang sa nabangga lang siya!” sigaw ni uhm, what's her name again? Moriah?

Napa-irap na lang ako habang naka-upo ako dito sa loob ng di ko alam na room. “Then why me? Bakit di kayo? Look, di ko pa nga nakikita yang sinasabi niyong Prince Kiel niyo!”

Hindi ko alam sa mga babaeng 'to at bigla-bigla na lang akong hinila papunta sa kabilang building at tada! Nandito na kami sa abandonadong room at ayaw nila akong palabasin.

They want me to break the rule, and I'm so damn confused because of all people, ako pa naisipan nilang hilahin dito.

“Because you're the new transferre!” tili nung isa.

Kumunot ang noo ko, “That's it?” natawa ako. “Just because I'm the new student ako na napili niyo to break that stupid rule?”

“Aish! Ang tagal naman kasi ni Aikeya! Ang hirap i-explain.” binatukan niya yung isa. “Hoy, Eritrea! Tawagan mo nga si Aikeya, ang tagal.”

“Bat kailangang mambatok?! Tss, eto na eto na.” at may dinial siya sa phone niya. “Hello, Keya?... Kanina pa kami nandito... Kasama mo si Soignè?... Oo, bilisan niyo na.”

“Ano? Pwede na ba 'ko umalis? May class pa 'ko.” iritang sabi ko. Kanina pa 'ko naiinip dito, baka hinahanap na 'ko ni Pierrine.

Biglang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang babae. “Hi, Chanelle!” sabay na bati nila sakin. Nginitian ko lang sila ng tipid pero I swear, sinusumpa ko na silang lahat sa utak ko.

“I'm Aikeya, vice-president ng group na 'to.” ngumiti siya at tinabihan ako sa sofa. “Oh my ghad! You're so beautiful, hindi ka lang pala ayos.”

“Yeah, that's why she's suit for the role. She's the one who can break the rule.” sabi pa nung isa. I guess she's Soignè.

“Wait lang, ah. Hindi ko kayo ma-gets, e. Bakit ako? I mean, dahil lang ba sa transferre ako or there's another reason?” I asked.

Soignè smiled, “There's a lot of reasons, Chanelle.” may binigay siya saking disc and a piece of paper. “Watch this, after you watch it there's my number. Call me for your decision. I hope it works,” tumingin siya sa mga kasama niya. “Let's go.”

Bumalik na 'ko sa room at as expected, “AT SAAN KA NAMAN GALING BABAE KA?! ALAM MO BANG HINALUGUDGOD KO ANG BUONG CAFETERIA KAKAHANAP SAYO HA?! ANO SA—ARAY!” binatukan ko nga, ang OA talaga neto kahit kailan.

“Ang OA Pierrine, ha.” irap ko sa kaniya at umupo na sa tabi niya. “May mga loka-loka kasing mga babae na humila sakin sa kabilang building.”

Napatayo siya, “Oh my gosh!” napa-hawak pa siya sa bibig niya. “So, ikaw ang napili nila Keya?!”

“Not totally, hindi pa 'ko pumapayag. Wait, how did you know?”

“Hello? Ako ang kapatid ni kuya kaya sakin sila unang lalapit to break the rule but unfortunately, hindi ako exempted sa rule na 'yun. They've been searching for a right girl to break the rule since 1st year, year kung kailan na-expelled ni kuya ang best friend nila.” I nodded as a sign for her to continue. “Alam mo ba since 1st year, ikaw lang ang kauna-unahang naglakas ng loob na mag-transfer sa K.U. Marami na kasing napa-expelled sila kuya kaya wala ng nag-attemp na mag-enroll dito sa University kaya siguro ikaw ang napili nila kasi they thought na hindi ka takot sa Spogifys.”

Napa-sigh na lang ako, “Ano bang klaseng tao yang kuya mo? May conscience pa ba siya? Jusko. Ako nas-stress dito, e.” napatingin ako sa disc na hawak ko. “Maybe, this disc will answer my questions.”

Natapos ang buong class ng wala akong maintindihan sa mga lessons. Lutang ako kaka-isip kung paano mab-break ang rule if pumayag ako. Ni hindi ko pa nga kilala si Kiel and other spogifys, si kuya pa lang.

“Sakay.” muntik na 'kong mapatalon sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. “Teka, ikaw nanaman?”

“Yep, the one and only Zico.” natawa pa siya at tinapik ang bintana ng kotse niya. “Sakay na, hatid na kita.”

“No thanks, may kotse ako.” tinalikuran ko na siya at dumiretso na sa kotse ko. Feeling close talaga ang isang 'yun, ewan ko ba.

Nang maka-uwi ako sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at hinanap ang laptop ko. Kinuha ko ang disc sa bag ko at pinlay siya sa laptop ko. “This is it, I hope this will answer my questions.”

May biglang lumabas sa screen na mga names, ang dami. Lahat ng names nila may mga kasunod na nakalagay na 'expelled'.

So lahat ng 'to pina-expelled nila?! Kumunot ang noo nang malipat sa isang video... video ng isang babae.

“Hi, ako si Nikka Moretz. 1st year student sa Kingscotte University at girlfriend ni Kiel Vernon Kingscotte.”

“Naging kami for almost 1 month, I thought magtu-tuloy tuloy na...” bigla siyang umiyak. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa susunod na mapapanood at maririnig ko. “Not until malaman niyang buntis ako, na pinagbubuntis ko ang magiging anak niya sana.” Sana? Ibig sabihin...

“Nakipag-break siya sakin at pina-expelled ako sa University. He even filed a case against me for blackmailing him. He even told me na ipalaglag ko ang bata... a–and so I did...”

“I was so depressed, hindi ko alam ang gagawin ko. I love him so much and I'll do everything just to get him back kaya lahat ng iuutos niya gagawin ko kahit ipalaglag ko ang bata!” I don't know pero bigla na lang tumulo ang mga luha sa mata ko.

I was so miserable when Cygnus broke up with me... and that's the reason why I lost my dad. And so Nikka lost her child. I see myself at her...

“Pero kahit anong gawin ko, tinutulak niya 'ko palayo that's why I'm doing this...” bigla siyang may nilabas na kutsilyo. Oh God... please no...

Bigla kong sinara ang laptop ko while my hands are trembling. So, Nikka... Nikka is already dead?

Kahit nanginginig ang kamay ko at naluluha ako, nakuha ko pa rin kuhain ang phone ko and I dialed a number. “H–hello...”

“So, is it a yes or a no?”

humpyducknie.

MISSION: BREAK THE PRINCE RULEKde žijí příběhy. Začni objevovat