Chapter 30

1K 50 5
                                    

Chapter 30

Kelsey's POV.

“Nag-text back na ba, Alex?” I asked Zyrium while polishing my nails. It's been a week since Eros texted us that he's leaving panget–fys and joined to that Fire39 group. After that, he's not replying to our messages.

“Hindi pa rin. I also hired a private investigator but it's useless, they are more powerful than us kaya hindi sila mahanap ng mga investigators na kinuha ko.”

Bumaba naman si Zyro galing sa kwarto niya at tumabi sa'kin. “Kakabalik ko lang galing Thai, saka naman umalis yung dalawa.”

“You're so drama, Axle!” sabay bato ko sa kaniya ng isang plastic na bulak.

“Stop being so conyo, Nikolai. Nahahawa ka na dun sa babaeng pinaglihi sa sama ng loob katulad ng kuya niya.” suway ni Zyrium pero tinarayan ko lang siya.

“Tol, yung Fire39 na yan mukhang familiar sa'kin. Parang narinig ko na noon.” napalingon ako kay Zyro dahil sa sinabi niya. When every time I mentioned that group to Pierrine, she always changed the topic.

Napatigil si Zyrium sa pagc-cellphone at napatingin saamin. “Fire39 consists of 9 members. Like Spogifys, they are also powerful but they do illegal things that's why marami ding ayaw sa kanila.”

Napabalikwas ako ng upo nang sumigaw si Zyro. “What the heck, Axle! Why are you shouting?!”

“Sila yung group na nasa sikat na Magazine na nabasa ko! Top 9 young bachelors in the town, tol?”

Tumango naman si Zyrium at nag-cellphone ulit. “Yes. They are also famous to underground activities and illegal business. They are using fist when dealing to business that's why marami ding takot sa kanila.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Zyrium. “If their business is illegal, why Eros joined them? And why Pierrine always changes the topic whenever I mentioned that group to her? It's confusing.”

“Furukawas, Permitivos, Beethovens, Alontes and Kingscottes are the most influential and powerful family especially when it comes to business. Mahirap sila kalaban sa negosyo kaya maraming gustong malamangan sila at kasama na duon ang Fire39. Well, I just found out na once nang nakalaban ni Thief ang grupo na Fire39 sa underground fight noon.”

My forehead creased as well as Zyro. “You mean....”

“Malaki ang galit ng Spogify sa Fire39 dahil they are the reason kung bakit nakulong si Thief noon.”

Thief's POV.

“Tol, ang aga-aga beer nanaman yang hawak mo.” suway sa'kin ni Kelvin pero wala akong pakialam. Simula nang malaman namin na sumali si Eros sa tanginang Fire39 na yan, di ko na magawang pumasok sa klase.

Nakuyom ko na lang ang mga kamao ko sa galit. Bakit, Eros? Tangina, siguraduhin lang niya na may maganda siyang rason kung bakit siya sumali sa mga gagong yun kung hindi, hindi ako magaatubili na barilin siya sa ulo.

“Nakalimutan na ba ni Eros na sila ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko noon? Putangina!” naihagis ko ang basong hawak ko at dinig ko ang pagbasag nun sa dingding.

“Can you at least try to calm down, Thief! We know Eros, he didn't do it without reason.” sabay tulak sa'kin ni Joshua kaya kwinelyuhan ko siya.

“Ano?! Pati kayo mag-aaway!” suway ni Kelvin at pinaghiwalay kami ni Joshua. “Tama si Joshua! Hindi gagawin saatin 'to ni Eros ng walang magandang rason.”

Sakto namang bumukas ang pinto ng HQ at pumasok si Kiel na wala man lang karea-reaksyon ang mukha. “So, what's his reason then? Leaving us because he wants to be one of them?”

“Can you shut the hell up, Kiel? You're not helping.” napaupo na rin si Joshua kaya bumalik ako sa pag-inom ng alak.

Lahat kami natahimik. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Galit na galit ako kay Eros dahil sa pang-iiwan saamin ng walang dahilan at sa pagsali sa grupo na sumira ng buhay ko noon.

Pero meron sa loob ko na gustong maniwala na may magandang rason si Eros sa mga nangyayari ngayon.

Tandang-tanda ko pa yung araw na natalo ko at ng grupo ko ang Fire39 sa underground fight noon pero may nangyari na hindi ko inaasahan.

Hindi nila natanggap ang pagkatalo noon kaya binaril... binaril nila isa-isa ang mga kagrupo ko sa harapan ko. Mahigpit na pinagbabawal noon ang mga baril o matutulis na bagay sa underground fights and activities noon kaya hindi ko alam kung paano nila naipuslit ang mga baril na yun noon.

Tinira nila akong buhay pero impyerno ang kapalit non. Ginawa nila ang lahat para ako ang masisi sa pagkamatay ng mga kagrupo ko noon, kahit ang sarili kong ama ay idiniin ako kaya tuluyan akong nakulong.

Ipinangako ko sa sarili ko noon na ipaghihiganti ko ang mga kagrupo ko at ang pagsira sa kinabukasan na meron ako noon. Pero paano ko gagawin yun kung isa sa kanila ang taong isa sa pinakaiingatan ko.

“Eros... ano ba talagang plano mo?” bulong ko sa sarili ko nang makarinig kami ng kalabog at kasunod non ay ang pagpasok ni Pierrine kasama ang isang babae na hindi ko kilala at si Arisa.

“What the fuck, Pierrine? Get out!” pagtataboy sa kanila ni Kiel. Napatingin ako kay Arisa at nalaman kong nakatingin rin pala siya sa'kin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Ganun na lamang ang gulat ko sa sarili ko nang suklian ko siya ng ngiti kaya nag-iwas ako ng tingin. Tangina!

“Wait lang naman, kuya Kiel! I have something to say kasi, DUH!” pagtataray ni Pierrine kaya nakinig na lang ako.

“Ano ba yun, babe? Kung gusto mo akong makita, pwede naman hindi yung gagawa ka pa ng dahilan.” singit ni Kelvin kaya napailing na lang ako.

“Yuck! In your dreams, asshole!”

“Fuck! You guys are so fucking noisy! Ano ba talaga yun Pierrine at nang makalayas na kayo dito!” sigaw ni Kiel kaya natahimik ang lahat.

“Okay, okay eto na.” panimula niya. “We found out na kuya Eros and Chanelle is here na sa Philippines, matagal na. 1 week lang sila sa Japan for tita Blur's recovery then umuwi na sila dito sa Philippines right after.”

“What? How did you know?” tanong ni Joshua. Ibig sabihin, nandito lang sila nitong isang buong buwan?

“Pumunta kami sa bahay nila Eros, their maids told us that. Minsan lang daw duon umuwi si Eros to checked the house at umaalis na pagkatapos non.” singit nung babaeng kasama ni Pierrine.

“Who are you?” tanong ni Joshua.

“I'm Kelsey, transferee.”

“What about Chanelle? Where is she?” tanong ni Kiel nang biglang bumukas ang pinto ng HQ at niluwa non ang isang taong matagal na naming gustong makita.

“She's missing. Chanelle is missing and I need your help to find her.” bungad saamin ni Eros na nakapaglaglag ng panga naming lahat.

humpyducknie.

MISSION: BREAK THE PRINCE RULETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon