Chapter 23

1.1K 61 4
                                    

Chapter 23

Kelvin's POV.

“Kuya! Ilabas niyo na 'ko dito!” halos marindi ang tenga ko sa sigaw ni Zico. I know it's inappropriate na ikulong ko ang kapatid ko pero he deserves it.

Ewan ko ba kung bakit nagsisisigaw siya eh sa kwarto ko lang naman siya kinulong, pasalamat nga siya at di ko siya pinakulong sa kulungan.

It's been a week since the accident happened. Napakiusapan ko na rin yung family nila Eros na huwag ng ipakulong 'tong kapatid kong baliw. But in exchanged, kailangan mabigyan ng parusa 'tong kapatid ko, kaya ayan buong linggo siyang kulong sa kwarto.

Son calling....

“Kuya Axel!” bungad sa'kin ng anak ko. God, I missed him so much.

“Sup, baby boy? How are you?” Nagkasakit kasi siya last last week? Kaya pala di pumapasok si Pierrine para bantayan ang anak namin.

“Okay na 'ko, kuya Axel. Mom is not here, can you come with me? I'll go to park today!” masigla niyang sabi kaya napangiti ako. The thing that I liked about my son is he's so alive and energetic. Nakakahawa yung pagiging masayahin niya that's why I loved to be with him. “Alright, wait for me. I'll be there in a minute.”

Nagbihis na 'ko at kinuha ang susi ng kotse ko bago lumabas pero nagulat ako sa kung sino ang nasa labas ng pinto ko. “Pierrine....”

“Can we talk?”

Chanelle's POV.

“Kuya naman! Diyan lang ako sa may Ice Cream Parlor pupunta, OA mo nanaman.” reklamo ko.

“Stop it! 'Yang diyan lang mo, marami nang pwedeng mangyari! Pwede kang masagasaan, ma-holdap, ma-kidnap! Kaya hindi puwede, bawal!” sigaw ni kuya sabay patabog na umakyat sa itaas.

Since the accident, naging over protective na sa'kin si kuya. Kailangan updated siya sa mga pupuntahan ko, kung sino mga kikitain ko. Hindi naman sa naiinis ako, alam ko namang para sa'kin yung ginagawa ni kuya pero kasi ang OA na masyado. Hindi ko na magawa yung mga gusto kasi puro na lang bawal, kahit pagpasok sa school hindi pa puwede.

Inakyat ko si kuya sa kwarto niya, kumatok muna ako bago pumasok kasi mamaya bulyawan ako niyan kapag bigla na lang akong pumasok sa kwarto niya. “Kuya?”

“It's still a no for me, bee.” wala pa nga akong sinasabi, e. Nilapitan ko siya at tinabihan sa kama. “Kuya naman, okay na ako diba? I can handle myself. Hindi na nga ako gumagamit ng kotse as you wish, kaya wag ka ng paranoid diyan.”

Hinarap niya 'ko at tinignan ng seryoso. “You can handle yourself and yet you almost died in that accident? No, bee. Hindi ka aalis hangga't di ko sinasabi.”

“But—

“No buts, bee. That's final. Nagpa-order ako ng ice cream if that's what you want. Just stay here and don't go anywhere until I said so.”

The end, bumaba ako nang talunan. I understand my kuya but he is being unreasonable na. Miss ko na ang university, miss ko na rin si Pierrine.

Miss ko na rin siya.

“Chan chan, anak!” nagulat ako nang tawagin ako ni manang galing sa garden. “Bakit po?! Andiyan na!”

Pumunta ako sa garden at naabutan duon si manang na inaayos yung baso katabi ang limang galong iba't-ibang flavor ng ice cream. “Grabe naman, manang! Ang dami naman po neto!”

MISSION: BREAK THE PRINCE RULETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon