Chapter 14

1.2K 66 5
                                    

Chapter 14

Kelvin's POV.

“Mr. Beethoven.” napa-lingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko yung prof namin sa Statistics na papalapit sa'kin. Ano nanamang kailangan ng matandang 'to?

“Oh, bakit?”

“Have you seen Mr. Kingscotte? Hindi ko kasi mahanap si Pierrine so I assume na alam ni Mr. Kingscotte kung nasaan siya.”

“Umalis si Kiel, pina-tawag kasi siya ng dad niya sa bahay nila. Bakit? Ano ba kailangan mo sa girlfriend ko?”

Nagulat ata yung prof sa sinabi ko. Well, I'm not her boyfriend but she's my girlfriend. Got a problem with that?

“Oh, ah. Well, kailangan na kasing mapasa ni Ms. Pierrine ang files na 'to sa dad niya for confirmation about her proposal about the upcoming Mr. & Ms. Kingscotte 20**.” sabay pakita niya ng files na dala-dala niya.

Napa-isip naman ako. Kasi as far as I know, hindi nakatira si Pierrine sa bahay nila. I mean nila Kiel. So I think it's my chance now para malaman ko kung saan siya ngayon naka-tira.

“If you want, ako na lang ang magbibigay sa kaniya ng mga files na 'yan.” bigla naman lumiwanag yung mukha nung prof sa sinabi ko. “But in one condition.” napa-ngisi naman ako sa naiisip ko.

“324, 5th floor. Furukawa Condominium.” basa ko ulit sa papel na hawak ko. Kaya naman pala di ko mahanap kung saan siya tumutuloy kasi hindi sa pagmamay-ari nila siya naka-tira kundi dun sa condominium na pagmamay-ari nila Chanelle.

Well, kung tatanungin niyo kung paano ko nalaman. Kasi inutos ko sa prof na hanapin yung files ni Pierrine at ibigay sa'kin yung address na naka-register duon. And, tadaaah!

Pinark ko na yung kotse ko nang makarating ako at agad na pumasok sa loob. Nakilala naman ako ng mga staffs duon dahil once na rin ako naka-punta duon nuong nag-celebrate kami ng birthday ni Eros.

Sumakay na 'ko sa elevator at pinindot ang 5th floor. Dito ako sumakay sa VIP na elevator para wala akong kasama pag-sakay. Paglabas ko pa lang ng elevator, hinanap ko na agad yung room 324 at agad ko naman itong nakita.

Ano kayang magiging reaksyon ni Pierrine kapag nalaman niyang alam ko na kung saan siya nakatira? Siguro inis nanaman sa'kin yun!

Pinindot ko na ang doorbell at isang katulong ang sumalubong sa'kin. “Sino po sila?”

“Andiyan po ba si Pierrine?” tanong ko at sinilip pa ang loob.

“Wala pa po si ma'am Pierrine, kaano-ano po ba kayo ni ma'am?”

“Ka—kaibigan? Hehe, oo. Kaibigan niya 'ko.” pakilala ko. Takte! Nag-alangan pa 'ko sa salitang kaibigan.

“Ay, sige po sir! Pasok po muna kayo habang wala pa si ma'am Pierrine.” pinapasok naman niya 'ko at napa-wow na lang ako sa ambiance ng condo na 'to. Maaliwalas at di masakit sa mata pero ang pinagtataka ko lang,

Bakit parang pambata?

Napapalibutan kasi siya ng toy cars, drawings sa papel na nakadikit sa pader, puro din laruan ng bata. Don't tell me nabagog ulo ni Pierrine kaya naging isip-bata siya?

“Who's that yaya? Is that mommy?” napa-lingon ako sa may hagdan at may nakita akong batang pababa. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa batang 'yun habang pababa siya ng hagdan.

Teka, ano ba tong nararamdaman ko?

“No, it's your mommy's friend.” sagot nung yaya niya. Bigla naman lumapit saakin ang batang 'yun. Teka, mommy?

Ibig sabihin....

“Hi po!” bati sa'kin nung batang lalaki. Di ko ma-explain 'tong nararamdam ko, takte! Ano bang nangyayari sa'kin! “Kuya, why are you crying po?”

Napa-hawak naman ako sa pisngi ko at pusang gala! Umiiyak nga ako! “O—oh! It's nothing, hehe.” sagot ko sa bata at tinignan siya sa mata. Woah! Parehas kami ng hugis at kulay ng mata ng batang 'to!

“Yaya said that you're my mommy's friend. What's your name po?” ang galang naman ng batang 'to. Pero kasi tangina, mommy? Ibig sabihin anak ni Pierrine 'to? Naguguluhan ako takte!

“I—I'm A–axel. Yes, I'm Axel!” pakilala ko sa bata. Sinadya ko talagang ibahin ang pangalan ko dahil may gusto lang akong kumpirmahin. “You? What's your name, kid?”

He smiled at me at bigla nanaman akong nakaramdam ng kung ano. “I'm Enxoh Vax Kingscotte, Pierrine Venice Kingscotte's one and only baby!” at humagikgik siya kaya napa-ngiti ako pero at the same time confused. Paanong si Pierrine....

“Ilang taon ka na?”

Bigla akong kinabahan sa isasagot ng batang 'to takte naman! “2 years old po.” 2 years old?

Bigla akong namutla at kinabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na anytime gusto ko na maiyak ng di ko alam ang dahilan.

Pero kasi it's been 3 years since iniwan ako ni Pierrine. Ibig sabihin she's pregnant that time when she decide to left me? Is this the reason kung bakit niya 'ko iniwan kasi buntis siya? I have so many questions in my mind pero ito lang ang gusto kong malaman...

“Who's your fa—father?” nanginginig ako na ewan. Nababakla na ata ako taena!

Ngumiti siya sa'kin pero mababatid mo sa mukha niya na malungkot siya. “Mommy told me that I shouldn't tell this to anyone but because you're my mom's friend and you look like my dad I will tell you.”

Li—like his dad? Sht! Sht!

“Mommy told me, his name is Kelvin Atticus Beethoven but I never had the chance to meet him because mommy told me that he's always busy. I really want to meet him.”

As if on cue, my tears starts to fall.

Pierrine's POV.

“Mommy's home!” sigaw ko as I enter and saw my baby boy running towards me. “Missed mommy?”

He nodded at niyakap ako. OMGGG! I really missed my baby like kahit iwanan ko lang siya sandali huhu I'm gonna cry na! “Mommy, someone named Axel wants to give this to you.” bigla siyang nag-run sa mesa at binigay sa'kin yung files na binigay ko sa prof nung isang araw. Wait, Axel?

“Thanks, baby. But who's Axel?” I don't remember that I have a friend who's named is Axel or baka pina-deliver lang itong files na 'to dito?

“I should be the one to ask you that mommy.” nag-pout naman siya and OMGGG he's really cute! Like there's a rainbows and unicorns everywhere! “But mommy he looks like daddy!”

The hell?! “O—oh... really baby? I highly doubt that be—because you only have just one picture of your dad.” I only gave him Kelvin's side view picture para if they saw each other he wouldn't recognize Kelvin.

“Hmm, okay mommy. But he seems nice because he promised me that he will take me to park next week!”

“Oh, no. I told you don't go with the people you don't know right?” besides I don't know kung sino yung Axel like, err.

He pout kaya natawak ako. “But mommy...”

“No buts, baby boy.” binuhat ko siya and kissed him on the cheeks. “Let's eat? Mommy is starving na!”

“Baby boy is starving too!” and we both laughed.

But who the heck is that Axel guy? Whatever, I'm too gutom to think! Argh.

humpyducknie.

MISSION: BREAK THE PRINCE RULEWhere stories live. Discover now