Chapter 16

1.4K 69 6
                                    

Chapter 16

Chanelle's POV.

“What? Friends?” bigla siyang humagalpak ng tawa kaya marahan kong inalis yung kamay ko sa braso niya.

Nakakahiya! ><

“E—eh kung ayaw mo edi wag! Di—diyan ka na nga!” nakakainis 'tong lalaking 'to! Sino ba namang gustong makipag-kaibigan sa kaniya, noh! Kung di lang sa mission, e.

“Hoy, panget!”

Napaka-sama talaga ng ugali! Akala mo naman ang gwapo gwapo niya! Tsk!

“Hoy, panget! Hoy!”

Tapos ngayon tatawagin akong panget?! Ang kapal ng mukha! Bahala siya diyan magsisi-sigaw, bwiset!

“Baby girl!”

“Ano?”

Nakita ko siyang napa-ngisi. “Baby girl lang pala katapat mo, e.” kumindat pa ang loko! Excuse me, na—napatingin lang ako kanina kasi nakakahiya dahil sigaw siya ng sigaw!

“Kapal naman ng apog mong kutong-lupa ka, lumayas ka nga sa harapan ko at baka di kita matansya!”

“Really? I thought you want me to be your friend?”

Inismidan ko siya, “Friend mo mukha mo!” at winalkoutan ko na siya. Pesteng lalaking 'yun! Nakaka-bwiset, panira ng araw!

Lumabas na lang ako ng room tutal halos isang oras na ang nakakalipas at wala pang prof. Nagtungo na lang ako sa soccer field at umupo duon sa malaking puno sa gitna, “Sariwa ng hangin...” bulong ko at napa-pikit nang dumapo sa pisngi ko ang hampas ng hangin.

Biglang nag-beep ang phone ko, may notification ako sa facebook.

Joshua Alonte send you a friend request.

Oh, si Joshua pala. To be honest, sa lima si Joshua para sa'kin yung goody good guy. He seem nice and quiet all the time. Nung nagka-banggaan nga kami, akala ko he's just an ordinary student here ni K.U. Yung tipong di sikat because halata namang snob siya, yung pang-star section then yung mga tropa niya mga nerds na walang ginawa kundi magpaka-lunod sa pag-aaral.

One time, napag-kuwentuhan namin ni Pierrine si Joshua dahil crush ata ng gagang 'yun si Alonte boy. Joshua may seem be a bad guy to some people but he has a kind heart like what Pierrine told me. Lahat daw kasi ng mga pinae-expelled ng kutong lupang si Kiel sa K.U, Joshua secretly donating money for those students na napa-expelled. Alam daw 'yun ni Pierrine kasi one time nagka-sagutan daw on phone si Joshua and Kiel because Kiel find out kung anong ginagawa ni Joshua.

But Joshua just shrugged it off.

Siguro kung magkaka-gusto ako sa kanila except kuya Eros because his my brother, I think kay Joshua ako magkaka-gusto.

Kiel Kingscotte send you a friend request.

Kelvin Beethoven send you a friend request.

Thief Permitivo send you a friend request.

What the hell? Anong trip ng mga 'to?

Pinagc-confirm ko yung tatlo except dun sa kutong-lupa na si Kiel. Eh, sa naiinis ako sa lalaking 'yun. Akala mo napaka-gwapo, as if namang gusto ko siya maging kaibigan!

MISSION: BREAK THE PRINCE RULEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora