Kabanata 2

5.3K 253 43
                                    

Gaya ng napagkasunduan naming magkakaibigan. Nagkita kita kami sa restaurant na aming pinagtatrabahuhan, una kong naabutan ay ang pakikipagtalo ni Mon sa manager namin. Kahit anong pakiusap nila ay wala na ring magagawa dahil naipag benta na nga ito.

“Paano na tayo niyan? Panibagong pakikipag sapalaran nanaman para lang makahanap ng trabaho” yamot na sabi ni Rizie, naglalakad-lakad kami papunta sa aming tambayan.

“Ganun na nga ang mangyayari”buntong hiningang sabi ni Mon. Naupo kami sa bakanteng pwesto malapit sa karinderia ni Aling Tsoleng. Umorder ako ng tatlong batchoy at tatlong monay saka ko inilagay sa lamesa namin.

“wow libre ba ito? Yaman ah! Wala na nga tayong trabaho nagawa mo pa kaming ilibre napakabait mo talaga Glaizaaaaa” sabay yakap ni Rizie sa braso ko.

“Tumigil ka nga, utang nyo to sakin” Naupo ako sa katabi ni Mon at sinimulan ko ng hipan  ang mainit na sabaw ng batchoy na mag aalis ng pagkalam ng sikmura ko.

“Anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Rizie.

“Maghahanap tayo ng trabaho”. sagot ko sa kanila.

“Maiba ako Glai, ano nga palang dahilan at bakit ka ipinatawag nung driver ni Mr. Lewis?” intrigang tanong ni Mon. pati si Rizie ay naghihintay ng sagot ko.

“Gusto lang magpasalamat nung asawa” tipid kong sagot habang kumakain.

“Yun lang? Wala man lang pabuya? Bakit kapag nanunuod ako ng mga telenovela o pelikula may mga reward kapag tinutulungan yung mga mayayaman? kuripot pala yun eh” pagtatakang sabi ni Rizie habang napapakamot pa sakaniyang noo.

“Nag offer siya ng trabaho” dagdag ko pa.

“Ayun naman pala eh may offer---ano!!!??” Gulat na sabi ni Rizie habang nanlalaki ang mga mata. Pinalo naman siya ni Mon-Mon sa braso.

“Totoo ba Glai? Oh ano nangyari?” Concern naman na tanong ni Mon-Mon.

Sa aming tatlo si Raymond ang matinong kausap, si Rizie puro kalokohan lang yan…kaya minsan kami ni Mon ang talagang nagkakaintindihan sa maraming bagay.

“Bilang kapalit daw ng pagtulong ko sa asawa niya, nag offer siya na maging personal assistant niya ako.” sabi ko sa kanila.

“Tinanggap mo ba?” tanong ni Mon.

“Wow bigtime kana! Biruin mo personal assistant agad? Ang talino mo talaga kaya siguro yun agad offer sayo”masayang sabi ni Rizie.

“Nagtataka nga ako kung bakit yun ang offer niya sakin? Ni hindi manlang nga niya ako tinanong kung tapos ako ng pag aaral ko eh” totoo naman di ba? Karaniwan sa nagiging personal assistant ng isang high profile na tao eh yung mga may pinag aralan.

“Pero ang tanong tinanggap mo ba?” Si Mon-Mon na atat malaman ang sagot ko.

“Ang totoo niyan pinapabalik niya ako saktong alas otso”sagot ko.

“Anak ng teteng!Alas nuebe na!” Sigaw nilang dalawa. Tumango lang ako sa kanila.

“Ano pang hinihintay mo dito?pumunta kana dun!” Hinila ako ni Rizie patayo at itinutulak.

“Saglit!” awat ko  sa kaniya at naupo kaming muli. “Hindi ko matatanggap ang iniaalok niyang trabaho sakin” kalmado kong sabi sa kanila.

“Bakit?!” sabay nilang sigaw.

“Dahil una sa lahat hindi ako tapos ng pag aaral, ikalawa paano kung may OT walang mag aasikaso sa pamilya ko, at pangatlo ayoko sa mayayaman” pakiramdam ko kasi kapag sa mga taong mayayaman ako mag tatrabaho, may discrimination na mangyayari. Kung siguro nasa middle class ang buhay namin pwede pa. Pero nandun lang kami sa ibaba eh.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Where stories live. Discover now