Kabanata 15

5.7K 216 53
                                    

W/N :
I use some medical term or legal term here but please bear with me dahil hindi ako expert when it comes to those topic. :)

" Nurse Alex! Prepare the Operating Room now!" Lahat ng tao sa ospital ay di magkamayaw, maging ang mga taga media ay nagkakagulo na rin para sa pagkalap ng impormasyon. Isang kilalang Senador ang nabaril habang siya ay naatasang magsalita sa harap ng maraming manggagawa.

Hinihinalang, pinagplanuhan ang pangyayaring ito, at sa kabutihang palad ay naisugod agad siya sa ospital.

"Doc Matt, handa na po ang lahat!" Sigaw ni Nurse Alex sa surgeon.

"The patient's heartbeat is getting weaker, Prepare the breathing aparatus!" Saad ni Dr. Meg. Habang nag sasagawa ng procedure bago ang nakatakdang pag oopera.

"Everything's okay now doctor.! We can now proceed  the operation." Saad ni Nurse Glaiza.

"Good!, okay hand me the scalpel Nurse Glai"

"Nurse Alex, check his vitals from time to time" saad ni Dr. Meg sa isa pang Nurse.

"Yes Doc!"

Mahigit dalawa at kalahating oras ang ginugol nila para sa operasyon. Dahil delikado sa senador ang kanyang kundisyon dahil na rin sa katandaan niya. Magiging maliit ang tyansa na maka survive sya ngunit heto at hindi pa rin siya pinababayaan ng Poong Lumikha.

" Successful ang operation, wala ng dapat ipangamba. Ililipat na siya sa private room niya" wika ni Doc. Meg sa pamilya ng senador.

"Thank God! Maraming salamat po Doc. Thank God!" Naluluhang  saad ng asawa ng senador.

Maging ang ilang taga media ay inintwrview din ang isa sa pinakamagaling na surgeon na si Dr. Meg.

"Oh Glai, okay ka lang?" Tanong ni Nurse Jenny sa taong nakaupo sa bench dito sa locker room.

"Ha? O-oo okay lang ako, masakit lang ulo ko." Hinihilot hilot pa nito ang sentido nya.

" baka sa pagod na rin. Overtime tayo sa duty ngayon eh plus isinugod pa ang isang senador na almost 2 hours sa operation. Umuwi ka na kaya ngayon? " may bahid pag aalalang saad ng kaibigang nurse sa kaniya.

"Mamaya nalang siguro. Susunduin ko pa si Jaja" tipid na ngumiti si Glaiza sa kasamahan sa trabaho.

" bakit hindi ka nalang mag bakasyon? Inyo naman ang ospital na ito eh, hindi mo na kailangan magbatak ng katawan para lang kumita." Saad ni Alex. Humarap naman sa kaniya si Glaiza.

" ayoko lang kasing maging pabigat. Mas gusto kong magtrabaho para na rin sa anak ko, lalo na ang dami niyang hilig gawin. Ngayon nga susunduin ko sya sa dance lesson nya." Natatawang saad ni Glai.

" mahilig pala mag ballet anak mo eh" natatawang saad ni Alex sa kanya.

" buti nga hindi nagmana sakin sabi ni Mama" nakangiwing saad ni Glaiza.

" pero natutuwa ako dahil okay kana. Na nagawa mo paring makamit ang pangarap mo sa kabila ng nangyari" may halong lungkot na saad ni Alex.

Isa siya sa naging kaklase niya noong nag aaral pa siya ng nursing. At isa rin siya sa nag alala noong nalaman niya ang aksidenteng natamo ni Glaiza noon.

" oo nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng isa pang buhay.".

" naalala ko pa dati, noong hihinto na sana ako sa pag aaral. Pinayuhan mo ako na dapat, tuloy parin ang takbo ng ating buhay. Na, patuloy tayong mangarap. Dahil iilan lang ang mga taong nabibigyan ng pagkakataon na makapag aral. " napapatawa pa si Alex ng maalala ang pinag gagawa niya noong kolehiyala palang sila. " dahil nga lagi akong nag cucutting classes at di nag susubmit ng modules"

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Where stories live. Discover now