Kabanata 4

6K 256 38
                                    

"Roses for me? Hindi ko naman birthday"

"Pag birthday lang ba kailangang magbigay ng roses?"

"Well, most of the time...Yes"

"Para sayo to  kase sa tuwing pinagmamasdan kita, lagi kang malungkot.. kaya naisip kong bigyan ka nito nang sa ganon ay mawala 'yang kalungkutan sa yong mga mata"

"Thank you for bringing me this roses...i love roses"

I've been in the business world for almost 25 years. All my life naging workaholic ako, i used to be competitive sa lahat ng aspekto sa buhay, sometimes they called me "perfecta" because i'm a perfectionist. Especially kung nakita kong hindi ka productive sa trabahong ibinigay ko sa iyo. Ganito na ko since i was a college student. At dahil na rin sa kinagisnan kong kaugalian ng pamilya. That's why nakilala ang Fortalejo MediCare, ang sikat na phramaceutical company sa loob at labas ng bansa. Because of my perfectionism in terms of business kaya  We're always on top dito sa industriyang ginagalawan ko.

Hindi rin ako yung tipo ng tao na mahilig makipag socialize, paminsan minsan lang lalo na kung kinakailangan, pero active ako sa mga charity. Gusto kong tumulong sa iba lalo na sa mga bata. Kinahiligan ko na ito simula pa ng highschool ako. Even my kids, sumasama sila sakin kapag pumupunta ako sa mga orphanage at magiliw naman kaming tinatanggap ng mga tao doon. Unlike sa community na ginagalawan mo, puro kaplastikan.

People nowadays lalapit lang sayo kapag may kailangan, kapag nakatalikod ka naman dun ka titirahin ng mga patutsada na walang katotohanan. That's why i'm always serious kapag humaharap sa mga tao lalo na sa company, that's the only expression i can give to them. I always have barriers to other people dahil ayokong maimpluwensyahan ng kanilang emosyon ang sistema ko.

But when i met this girl, a woman perhaps. Somehow i become curious. Curious in a way na paano sya nakakasurvive without the presence of her parents? I've heard that my husband was in trouble last night and to my surprise isang babae pa ang tumulong sa kanya, sa dami ng body guards nya. And then right after that incident pina back ground check ko na siya at kinaumagahan agad na lumapit si Mark saying his sorry dahil sa nangyari sa kaniya. Alam ko naging kahiya hiya sya pero nakaka awa rin at the same time dahil napaaway siya. Hindi naman siya yung tipo na mahilig sa away kahit na noong bata bata pa kami. So he ask me a favor na tulungan ko nga ang babaeng ito, the one who help him. Dahil kailangan ko naman daw ng assistant bakit hindi nalang yun ang kunin ko. So para hindi na ako kulitin pa ng asawa ko, i make an arrangement first at yun nga ay ang alamin kung sino sya. She live with her siblings. At nalaman ko na iniwan sila sa murang edad kaya sya na ang naghanapbuhay...poor girl..

The first time na makita ko sya, akala ko igagrab na nya agad ang opportunity sa inaalok kong trabaho. Sino bang aayaw? Hindi kana dadaan sa mahirap na interview, at sa kung ano-ano pang test, pero hindi pa rin niya tinanggap. Then i learned na ayaw pala nyang magtrabaho sa mga mayayaman. So she has a reason, may prinsipyo rin pala ang tulad niya.

At hindi nga ako nagkamali sa sinabi kong magsasara ang bar na pinapasukan niya, well..noon palang alam ko na, na magsasara ang bar na yon. Mark told me dahil kaibigan niya ang manager don. But then she didn't listen to me.

I was being interrupted from my random thoughts by a sudden knock on the door.

"Hey dear cousin!" Masiglang boses ni Solenn ang agad na bumungad sa umaga ko.

"Do you need anything?" Straightforward kong tanong then sit at the marble chair here in the balcony.

"Ouch!" Acting nya na kunwari nasaktan ko siya, naupo naman siya sa katapat kong chair." Ang sakit naman non Cousin." Tiningnan ko sya ng seryoso.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang