Kabanata 11

4.2K 210 128
                                    

Nagising ako sa mabangong pagkaing sa tingin ko ay niluluto sa kusina. Hindi ko alam kung sino ang nagluluto dahil sigurado akong hindi si Tonio yun dahil di naman masarap magluto ang kapatid ko. Kumakalam naman ang tiyan ko na para bang gustong kainin ang kung ano mang mabangong nilulutong naaamoy ko . Kaya bumangon na ako at naglakad papunta sa kusina.

Walang tao sa kusina pero mahina naman ang gatong ng gasul, halatang pinapakulo pa ng mabuti. Binuklat ko ito at kumuha ako ng kutsara para tikman ang nilulutong caldireta.

"Oh anak, gising ka na pala" saad ni Nanay na kakalabas lang ng banyo. Napapitlag pa ako sa pagsasalita niya habang nakasubo pa sa bibig ko ang kutsara. Daig mo pa ang nahuli sa pagnanakaw.

"Uhm." Sagot ko at nilunok ang pagkain sa bibig ko.

"Teka at ipag hahain kita" akma na sana siyang kukuha ng mga pinggan ng oigilan ko siya dahil sa kondisyon niya.

"W-wag na. Ako na. Baka dumugo pa ang sugat nyo" saad ko at umiwas ng tingin.

Dali dali akong naghain habang siya ay nakaupo sa mesa. Alam kong sinusundan niya ako ng tingin. Pumunta muna ako sa kwarto para gisingin si Anthony.

"Tonio gising na, mahuhuli kana sa klase mo!" Malakas kong katok dito.

"Anjan na" sigaw rin nito. Lumabas naman si jaja sa kwarto namin na pupungas pungas din.

"Magandang umaga po!" Masiglang bati nito. Binuhat ko naman siya para maiupo sa bangko.

"Ang cute cute talaga ng apo ko" narinig ko pang sabi ni Nanay Carissa kay Jaja na ngayon ay humahagikgik dahil sa kinikiliti siya sa pisngi.

"Nay! Naaaay! Hindi ako nananaginiiiiip!" Eksaheradang takbo ni Tonio papunta kay Nanay at yumakap itong muli.

"Kuto ang OA OA mo talaga, di ba nga dito natulog si Lola kagabi? Daig mo pa ang batang inaitas sa nanay niya" pang didila ni Jaja kay Tonio.

"Tse manahimik ka bansot! Pasalamat ka kasi nakakita ka na. Kundi naku naku" parang bata namang pinapatulan ni Tonio si jaja dahil nag susungayan sila.

"Oh teka baka magkasakitan na kayo." Pag aawat ni Nanay sa kanilang dalawa.

Bago kumain nagsimula munang magdasal si Jaja at sabay sabay na kami kumain. Nagtatawanan sila habang ako ay tahimik lang na nakamasid sa kanila.

"Nay dito kana lang po, kasya pa naman tauo sa kwarto."

"Oo nga lola. Ang sarap nyo po mag luto eh. Katulad ni mama gigi"

Tumingin naman sakin si Nanay ng palihim at mabilis na umiwas ng tingin.

"May trabaho pa kasi ako mga anak eh" halatang nadismaya naman ang dalawa sa sagot ni Nanay. "Pero kung papayagan ako ng ate niyo, lagi ko kayo bibisitahin dito"

"Ate" tawag sakin ni Tonio na para bang ipinapagsabi niya si Nanay sakin.

"wag nyo na siyang pilitin kung titiisin nanaman tayo niya " padabog akong tumayo at nag punta sa banyo. Ayoko lang kasing isipin na hindi niya pipiliing tumira dito kasama kami. Na titiisin nanaman niya kami.

"Nay ayaw mo ba kaming kasama?" Naririnig ko pang tanong ni Tonio kay Nanay. Kalapit lang ng kusina ang banyo kaya kinig na kinig ko sila.

"Gusto pero may kailangan lang akong tapusing trabaho. At kapag nagawa ko yun. Isasama ko na kayo sa tinitirahan ko" paliwanag ni Nanay.

"Malaki po ba yung bahay nyo?" Tanong pa ni Jaja.

"Hmmm kasya naman tayo lahat..sapat lang"

"Wala pong swimming pool?" Napatawa nalang si Nanay sa tanong ni Jaja.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Where stories live. Discover now