Kabanata 6

5.9K 254 77
                                    

"Cha! Kakaiba ang ngiti natin ngayong araw ah!" Masayang sabi ni Rizie pagbungad palang sakin dito sa talyer.

"Mukha kang zombie" komento ko naman.

"Sino kayang nang iwan habang nagpaparty party"irap pa nito sakin, napalitan ang masayang mukha niya kanina. Di ko mapigilang mapatawa.

"May mga babae kasing ang lalandi eh" komento ko nalang. "Kaya umuwi na ako. At isa pa nawala rin naman kayo ni Mon. Nakipag sayaw kayo.." saad ko at naupo sa mono block chair sa harapan niya.

"Seryoso nga kasi, bat iba yang ngiti mo" may pagdududang tanong nya.

"Wala, masama bang gumising sa umaga na masaya?"tanong ko.

"Bahala ka nga! Tatanungin ko nalang si Anthony mamaya" saad niya.

"Ay nako, hindi makatiis na bata, sasabihin ko na. Dumaan si Mrs. Lewis sa bahay kanina" saad ko. Para namang kinikilig na napatingin sakin si Rizie.

"Ayiiieeee!! Nag ano sa inyo? Inano mo?" Makahulugang ngumisi sakin si Rizie. Naalala ko nanaman ang panaginip ko. Di ko maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa hiya. "Oh bat ka namumula?" Puna niya kaya umiwas ako ng tingin.

"W-wala" nahihiya kong saad. Sinundan naman ako ni Rizie para magkaharap kaming dalawa.

"Ayiieeeee!! May itinatago siya oh. Ano yun? Ano yun? Ferros si Mrs. Lewis?!" Biglang turo nya sa may kalsada.

"Asan?" Sinundan ko naman sya ng tingin pero wala naman dun ang taong gusto ko ulit makita.. pagharap ko isang nakangising mukha ang tumambad sakin.

"Bwahahahaha...hahaha epic ka Tsong" hagalpak nyang tawa habang pinapalo ako sa balikat.

"Rizie" naiinis kong tawag sa kanya.

"Hahah halatang tinamaan ka na nga dun.. ano ba kasing ikinahihiya mo? May ginawa ka ba?" Pangungulit nya. Buti nalang kami lang dalawa ang tao dito.

"Wala" kinakamot ko ang kilay ko dahil ganito ako kapag tensyunado.

"Sigurado ka?"

"Oo"

"Talagang talaga? Bakit parang---OH!MY GOD! May chikinini ka!!" Turo nya sa may bandang leeg ko..nanlaki naman ang mata ko ng marinig iyon.

"SHIT! Mukhang hindi rin niya napigilang lagyan ako eh" pabulong kong sabi habang naaalerto sa nasa leeg ko.. pero pag kakuha ko ng salamin at tingin sa leeg ko ..wala naman. Isang nagpipigil ng tawa ang nasa harapan ko at ang sarap suntukin.

"Hihi...uyyy ano yung hindi mapigilan?" Panunukso nya. "May nangyari ano? Ano? Ano nangyari?" Pangungulit nya at naaasar na ako. "Ayiie may nangyari nga."

"OO NA! MAY NANGYARI SAMIN SA SAN SIMON SA LOOB LANG NAMAN NG KWEBA HANGGANG SA MAPANAG INIPAN KO SYA NA MAY NANGYAYARI RIN ..MASAYA KANA? MASAYA KANA?" Hinihingal na sabi ko at alam kong namumulala ang mukha ko habang sya naman ay naka nganga at di makapag salita.

"Taenah!" Sambit naman ng boses sa likuran namin kaya pareho kaming napalingon. Sa pagkagulat ni Mon-Mon sa narinig ata sa sigaw ko kay Riz. Natapunan sya ng kape sa damit nya.

"Ferros wag ka naman mag biro" may himig seryosong sabi ni Riz.

"Pwede ba wag kayong mag usap ng ganyan nakakagulat kayo eh" saad ni Mon. Naupo kami sa mahabang bangkong kahoy.

"Hay..totoo mga sinabi ko" seryosong saad ko. "Hindi ko rin alam kung bakit humantong sa ganung bagay. Gusto ko lang naman nung panahong yun ay tulungan sya sa sitwasyon nya which is giniginaw..then after nun parang boom! Nangyari nalang" kwento ko. "At kanina nga while i'm sleeping napanag inipan ko nanaman siya making love with me" napa tago nalang ang mukha ko sa aking mga palad sa hiya. " then pumunta siya ng bahay at nagpapasalamat sa pag kakaligtas ko sa kaniya. At tinatanong nya ako ulit kung gusto ko pa mag work sa kaniya."

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Where stories live. Discover now