Kabanata 8

6.6K 237 93
                                    

"Pupunta nga pala akong Sta. Elena ngayon" sabi ko sa mga kasama ko sa bahay. Si Riz, Mon-Mon, Tonio at Jaja.

"Mag aano ka doon ate?" Sabay sabay kaming kumakain ng almusal.

"Oo nga linggo ngayon" sabat ni Riz.

"Ako ang pinapapunta ni Mrs. Lewis para makipag usap dun sa may ari ng lupa kasama na rin yung engineer at foreman ng ipapatayo niyang medical clinic" sagot ko.

"Pwede ba kami sumama" sabi ni Mon.

"Oo nga ate, nandun sa Sta. Elena ang magagandag view na pwede pasyalan eh. Baka naman pwede pumayag Amo mo" sabi ng kapatid ko.

"Oo nga naman Tsong .. bonding na rin" sabi ni Riz.

"Gigi gusto ko yun" masayang sabi ni Jaja.

"Trabaho kasi ang ipupunta ko doon" sagot ko sa kanila.

"Pero baka naman pwede after non ay magmini outing tayo. May mura naman sigurong pwedeng rentahan na bahay don" sabi ni Riz.

"Pleaseeee...sige naaaa" sabay sabay nilang sabi.

"Haysst. May magagawa pa ba ako? Sige" pag sang ayon ko. Dahil kahit anong ayaw ko na sumama sila ay magpipilit naman sila.

"Yehey! Oh tara! Tara! Mag gagayak na tayo!" Masayang saad ni Riz sa kapatid ko at kay Mon-Mon.

Ako na ang nag ayos ng gamit ni Jaja at pagkatapos mag gayak ay kinuha na ni Mon ang pick up truck na pinahiram samin ni Mang Nestor. Mahigit dalawang oras lang mula sa pinanggalingan namin ang byahe papunta sa Sta. Elena. Tulog na ang mga kasama ko bukod sakin at kay Mon-Mon.

"Bat parang hindi ka natutulog Cha" tanong niya habang sumusulyap sa salamin at tinitingnan ako dito sa back seat.

"Di ako makatulog" pinagmamasdan ko ang mga tanawin na nadaraanan namin.

"Baka naman may iniisip ka" ngiting saad niya. Hindi na ko mag lilihim dahil alam na rin naman nila, pwera lang sa kapatid ko. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya.

"Hmmm parang ganon na nga"

"Wag ka mag alala, iniisip ka rin non. At maya maya masusurpresa ka nalang na nandon siya" predict ni Mon-Mon .

"Ano ka manghuhula at alam mo ang mangyayari?" Natatawang saad ko.

"May sixth sense ako kaya alam ko mangyayari. Kaya pag nagkataon sasambahin mo ko" tumatawa rin niyang sabi..

Nagtawanan nalang kaming dalawa habang ang mga kasama namin ay tulog na tulog. Minsan pa nga tumutulo laway ni Riz kaya pinicturan ko gamkt ang mumurahin at hindi magandang cellphone ko.

Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating na kami mismo sa bayan ng Sta. Elena. Huminto kami saglit para magtanong tanong.

"Ah Nanang magandang umaga po, san po kaya yung Sitio Malvar?" Pagtatanong ko.

"Itong kantong ito dirediretsuhin nyo lang. Pagkatapos doon sa may balon kakaliwa kayo tas diretsohin nyo na yun. Pagdating nyo sa dulo meron doong mataas na gate . May gwardiya naman doon ..saka na kayo magtanong pagnakarating na kayo roon" paliwanag ng Ale.

"Maraming salamat po" sabi ko at muling pumasok sa loob ng kotse.

"Naaamoy ko na ang simoy ng dagat. Ke sarap magbabad" punapalakpak na sabi ni Riz.

"Laway ang naaamoy namin Rizie!" Parehong sigaw namin ni Mon kaya nagtawanan nanaman kami sa sasakyan.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa sinasabi ni Manang. Halos mga nakatingjn ang tao na nadadaanan namin.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon