Kabanata 3

5.1K 243 17
                                    

“Cha! Kanina ka pa nakatulala jan!” Pang gugulat sakin ni Riz. Nag lalampaso ako ngayon ng sahig sa talyer, wala pa namang kostomer kaya naisipan kong maglinis muna.

“Si Miss Solenn yata gumugulo sa isipan mo ano?” nakangirit na sabi ni Raymond. pero magkatext nga kami ni Solenn kagabi, inabot pa kami ng madaling araw dahil sa sobrang dami niyang naikwento sakin.

“Hindi” sagot ko sa kanila at nagpatuloy sa paglalampaso ng sahig.

“Eh sino?!” sabay nilang sagot.

“Glaiza, kumusta pakiramdam mo? Hindi ka ba nilagnat?” lapit samin ni mang nestor.

“Hindi po, laking pasasalamat ko nga po dahil mabuti naman ang pakiramdam ko” ngiting sabi ko sa kaniya.

“Bakit Cha anong nangyari sayo?” May bahid pag alalang tanong ni Rizie.

“Inabot ako ng malakas na ulan” sagot ko sa kaniya.

“Dapat pala inintay kana namin” sabat naman ni Mon.

“Kumusta yung tinulungan mo kagabi?” tanong ni Mang Nestor, mukhang malalaman pa ng mga kaibigan ko kung sino yung tinulungan ko kagabi .tsss

“Okay naman po, nakauwi rin naman agad sila”. sagot ko sa kanila, magtatanong pa sana si Riz ng may lalaking nakauniporme ang lumapit sa amin .

”Good Morning, excuse me, dito ba nagtatrabaho si Miss Glaiza Ferros?” tuluyan na akong napalingon sa taong naghahanap sakin.

“Ako po si Glaiza,bakit niyo po ako hinahanap?” Inalis naman ni manong ang suot niyang sombrero na terno sa kaniyang uniporme.

“Ako po si Harvis, yung tinulungan niyo kagabi sa ulanan” nakangiting  sabi ni Manong. Parang alam ko na kung saan patutungo ang usapang ito.

“Ah opo, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” ngiting tanong ko.

“Pinapatawag po kayo ni Mrs. Lewis sa mansyon, ipinagbilin niyang susunduin kita” ngiti rin niyang sabi sakin. Hinigit naman ako ng dalawa kong kaibigan papalayo kay Mang Harvis.

“Tsong ano ng update? Dati si Mr. Lewis ngayon naman yung asawa, May itinatago ka ba sa amin? Tanong ni Raymond.

“Mga tsong awat muna, mamaya ipapaliwanag ko sa inyo” bulong ko sa kanila at muling bumalik sa kausap namin. “Pwede bang sumunod na lang ako Manong?”

“Pinagbilin po sakin na susunduin ko po kayo para tiyak na makakapunta ka sa mansyon.” Parang kailangan ko talagang sundin to ah.

“Wow tsong bantay sarado ka pala eh, wala kang kawala sa mga yan”. pang aasar ni Rizie, tiningnan ko lang sya ng seryoso saka nag salitang muli.

“Susunod nalang ako manong, may mga kailangan pa ako dito, pangako pupunta ako” sabi ko sa kaniya.

“Manong ibigay mo number mo sakin para maitext kita kung sakaling hindi tumupad sa usapan tong si Glaiza” biro ni Raymond kay Mang Harvis.

“Alam ko naman Mang Harvis ang daan papunta sa mansyon ng mga Lewis. Magpapakita nalang siguro ako ng ID pagdating ko doon….kakausapin ko lang po ang mga kaibigan ko”

“Sige Miss Glaiza, aalis na ako, mag iingat ka” tumalikod na samin si Mang Harvis saka umalis sakay ng sasakyan.

“kwento mo nga!” Sabay palo ni Riz sa balikat ko.

“Kagabi kase tinulungan ko sila, nasiraan sila ng sasakyan so no choice ako kundi tulungan ang mga nangangailangang tao”

“Clap clap isa ka talagang bayani,  biruin mo sumugod ka sa ulanan” pumapalakpak habang nagsasalita si Riz.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Where stories live. Discover now