Kabanata 5

5.8K 253 54
                                    

"Mrs. Lewis I already did what you told me" magalang na sabi ni Clement. Nandito ako ngayon sa "mini paradise garden" sa mansion ng mga Lewis.

"Thanks Clement." Nakaupo ako at pinagmamasdan ang mga gold fish na alaga ko sa man-made lake dito sa garden.

"May problema ba?" Casual na tanong niya at naupo dito sa katapat kong upuan. Tiningnan ko muna sya saka ako umiling at nagpatuloy sa pag inom ng tsaa.

"Nothings wrong Clement" sagot ko. Kung kaibigan rin lang ang pag uusapan. Si Clement ang maituturing ko. Dahil halos mag kababata na rin kaming dalawa.

Anak siya ng driver ni Papa pero lumaki siya sa probinsya nila. Bumalik lang sya dito noong panahong naghahanap sya ng trabaho. Graduate na ko ng college samantalang sya ay hinto sa pag aaral. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kaniya. Nagoffer sa kaniya si papa para pag aralin siya pero ayaw niya. Nahihiya na daw sya dahil may edad na. Kaya ang ginawa ko, pinahiram ko nalang sya ng mga libro ko..

Kapag may gusto akong i-open sa kaniya, madali ko namang sabihin ito. Pero hindi lahat ng bagay sinasabi ko sa kaniya. Kapag kailangang kailangan ko lang sabihin. Saka ko ikukwento sa kaniya. He know's me. Ang ugali ko. Ang gusto sa ayaw.

"Then why did you fired her? I think she's doing her job well. Coz last night habang hinihintay kita sa labas ng venue ng charity mo. Napahanga niya ako. Nagkameron ng aberya pero siya ang gumawa ng paraan." Komento ni Clement. "May hindi ka ba nagustuhan sa ginawa niya? Hindi ka mag sesisante ng empliyado mo unless may nilabag silang rules or reach their limitation." Nakataas ang parehong kilay na sabi niya. Habang nakatingin sakin. Patuloy lang ako sa pag inom sa tasa ko.

"I knew it." Bulong na sabi niya habang nakatingin pa rin sakin. "Alam mo, unang kita ko palang sa batang yon. May kakaiba na. She has this looks on you na para bang ikaw lang ang nakikita niya sa paligid. " nagkibit balikat lang ako sa tinuran niya.

"incluso para un joven tienes este efecto especial sobre ellos" pabirong sambit niya kaya napalo ko siya sa balikat niya.

"Mang Nestor" tawag ko kay Mang Nestor pagkakita ko sa kaniya habang nagtatawanan sila sa talyer.

"Oh tsong!" Sambit ng dalawa kong kaibigan.

"Oh Glaiza iha, napabisita ka?" Masayang sabi ni Mang Nestor. Nag ngiti lang naman ako ng pilit sa kanila.

"P-pwede ba akong bumalik dito?" Nahihiya kong sabi.

"Oo naman..teka, ano bang nangyari?" Tanong ng matanda.

"Oo nga cha ano nangyari? Kagabi lang ay ayos ah. Galing mo nga eh." Sabi ni Riszie.

"Hindi ko alam. Kaninang umaga lang. Pumunta sa bahay si Clement. Ang butler ni Mrs. Lewis at sinabing sisante na ako" malungkot kong sabi.

Lumapit naman sila sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Di ba sabi ko naman sayong bata ka. Welcome na welcome ka dito" sabi pa ni Mang Nestor. "Dito ka nalang. Ganyan talaga siguro ang mga mayayaman." May halong inis na sabi nito.

Alam kong hindi dahil sa trabaho ang dahilan kung bakit ako nawalan ng trabaho. Yan ay dahil sa kapangahasan mo na halikan ang boss mo.

" cha, ano talaga ang nangyari at nawalan ka ng trabaho?" Seryosong tanong ni Riszie, pinuntahan nila ako dito sa inaayos kong sasakyan.

"Hindi ikaw ang tipo ng tao na gagawa ng kapalpakan sa trabaho, hindi ka naman kagaya ni Riszie" seryosong saad ni Mon.

"Ay ang kapal, ako talaga?" Reklamo ni Riz. Napabuntong hininga lang ako. At inilapag ang mga gamit pang kumpuni.

Remembering Mrs. Lewis Book 1 (Rastro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon