1

158 16 6
                                    


Totoo nga ang sinabi ni Vicky.

Magdadalawang linggo na ako sa boarding house.

Si Nat na roommate ko, di pa kami nakakapag-chikahan talaga. Pinakilala lang kami ni Vicky sa isa't-isa nung lumipat ako. Naghahanda si Nat noon para pumasok. Mukha naman syang harmless. Di lang talaga palakwento. Literal na ginawa nyang tulugan lang ang boarding house.

Dalawang beses ko na ring inabutan ang mga GRO na boardmates namin na nag-iinuman sa baba.

Gaya ngayon.

Di na ako nagtanong kung jowa ba nila yung mga lalaking bisita nila. Nasa kilos naman.

"Uy, Vicky," bati ni Shiel pagpasok namin. "Tagay kayo ni Rory."

Nakangiting humakbang si Vicky at inabot yung jigger na may Empi pati yung baso na may chaser na Coke. Magkasunod na ininom yun.

Kaya wala akong nagawa nung ako naman ang tagayan nila.

"Walang babaan ng bag yan," natatawang sabi pa ni Glenda, yung isa pang GRO na kasama namin sa bahay. "Tara, upo kayo."

Nag-urungan sila at binigyan kami ng puwesto.

Natatawang naupo na nga kami ni Vicky. Tutal kumain na kami ng hapunan sa labas.

"Konti lang ha? May lakad kami bukas. Stop na kami pagdating ni Joey ng alas-diyes," sabi ni Vicky."Tsaka si Rory, di yan malakas uminom. Hinay lang kayo dyan magtagay."

Natawa ako nang walang tunog. Wala kaming pasok ni Vicky bukas. Nag-request kami nang sabay na off. Plano kasi naming magpunta sa Divisoria. Magbi-business kami ng online selling ni Baks.

"Walang problema," sagot nila.

Friendly naman kasi ang mga ito, pati si Rose, ang pangatlo sa GRO na kasama namin. At di naman bastos magsikilos kahit ang mga jowa nila. Holding hands lang sila, akbay o kaya yung kamay sa tuhod.

So keri lang, kahit napakaikli ng mga shorts ng mga babaeng ito.

Tumunog yung cowboy style swing door sa pinto na naghihiwalay sa sala at kusina. Tanda na may lumabas dun. Malamang galing sa second floor. Nasa kusina kasi ang steel spiral staircase paakyat dun.

Si Nat. Papasok na ito sa trabaho.

"Uy," bati namin.

"Hey," bati nya tapos tinuro yung pinto. "Pasok na 'ko sa work."

Medyo sosyalera ang mga bati nito. Dala na rin malamang sa trabaho nito na puro Amerikano ang kausap sa telepono.

"Ge, ingat," halos sabay-sabay namin paalam.

Tuloy kami sa inuman at kwentuhan. Dun ko nalaman na nagkasunog daw dati dito sa loob ng bahay. Naapula naman daw bago lumaki. Kaya raw pinaayos ang loob ng bahay. Wala pa raw dalawang taon mula nung mangyari yun.

"Ah kaya pala luma ang itsura sa labas pero bago dito sa loob," sabi ko. "Bakit di pa pinaayos ang buong bahay?"

"Naubusan daw ng budget. Kaya nga daw tinipid na yung hagdan. Mas mura ang steel staircase. Tsaka pinagamot din daw nung kapatid ni Madam yung katulong dito that time. Parang ano ... nung sunog daw, parang nabaliw," si Glenda.

"Bakit?"

Nagkibit sila ng balikat.

"Tsismis lang nung mga tagarito," sabi ni Rose. "Di naman kami masyadong nakiki-chika sa labas. Tsaka, kelan lang naman pinaupahan dito. Ano raw, mag-iisang taon pa lang."

Oo nga, naalala kong sinabi yun ni Madam Myrna. Yung tatlong GRO ang mga unang boarders nila. Tapos si Vicky at Joey. Then si Nat ang pinakabago na three months pa lang daw dito. Yung kuwarto lang daw namin ang apat na beses nang may umalis.

Sa May Hagdan (Short Story)Where stories live. Discover now