6

87 13 4
                                    


Tumigil din yata ang paghinga ko. Pero yung puso ko, parang nasa ulo ko na tumitibok.

Pinanatili ko ang mata ko sa monitor ng laptop.

Nung makita kong parang gagalaw ang kamay nya bumuka ang bibig ko para sumigaw. Pero walang lumabas na tunog. Ni hindi ako sigurado kung naibuka ko nga yun.

Umangat nga ang maputla nyang kamay at kita ko na tila puno ng dumi o uling pati kuko nya. At ang mga dulo ng daliri nya, parang may mga sugat.

Napapikit na lang ako nang madiin, kuyom ang palad ko na nasa keyboard pa ng laptop.

Hindi ako makahinga sa ilong kaya sa bibig ko yun ginawa. Dun ko napagtanto, naibuka ko naman pala ang bibig ko pero sapat lang na may lumabas na hangin doon.

Ang naririnig ko lang, ang hininga at pagtibok ng puso ko.

Lalo akong pumikit ng todo dahil tumunog ang swing door!

Ilan ba sila? Ilan ba sila?

Sigaw ng utak ko paulit-uilit.

Sa wakas, lumapat ang kamay nya sa braso ko.

Gusto kong mapatili na talaga. Mabuti napigilan ko dahil...

Napadilat ako.

Mainit ang palad taliwas sa inaasahan kong malamig.

"Rory?"

Bigla akong napadilat sabay lingon, patingala sa kanya.

"Nat!"

"Ayos ka lang? Namumutla ka."

Hindi ako makapagsalita. Bigla akong nalito.

Ano'ng nangyari kanina?

Tumunog uli ang swing door. Bago pa mapadako ang tingin ko dun, inagaw agad ni Nat ang atensyon ko.

"Rory!"

Sa peripheral ko, parang may paa akong nakita papasok sa kusina.

Napasinghap ako pero hinawakan ako ni Nat sa baba para mapatingin sa kanya.

Parang may babala akong nakita doon.

"Rory, kanina pa may tumatawag sa labas," medyo malumanay na ang salita nya.

"Tao po!"

Saka ako parang tuluyang nagising.

"Ay, yung delivery ko!"

Pabigla akong napatayo, pero umikot ang paningin ko. Inabot ko ang balikat ni Nat para pansuporta kaso nagdilim na ang lahat sa akin.

Sunod nun ay nakaramdam ako nang sobrang init. Dumilat ako.

Kadiliman ang sumalubong sa akin. Painit nang painit ang kinalalagyan ko. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa.

Saka ko naramdaman, para akong nakakulong sa isang kahon na sakto lang sa laki at taas ko. Matigas na kahon.

Nataranta ako. Nasa kabaong ba ako?

Tapos naamoy ko yun. Usok?

Napaubo ako.

Usok nga.

Nagpilit akong kumawala sa kinaroroonan ko pero walang silbi. Tila sinukat talaga ako.

Nagkaroon ng liwanag. Liwanag na gumagalaw. Apoy!

At uminit pang lalo habang lumiliwanag.

Tumingala ako sa ulunan ko dahil dun galing ang apoy na kita ko sa mga siwang na parang trap door.

Sa May Hagdan (Short Story)Where stories live. Discover now