9

124 15 5
                                    


Parang pamilyar sa akin ang ang suot nya. Pati ang built ng katawan nya.

Hindi ko lang maalala kung saan ko sya nakita.

Gusto kong iangat ang kamay ko para itulak na rin ang maliit na pinto sa ulunan namin. Hindi ko man ramdam sa balat ang init sa pagkakataong ito, pero parang ko na ring nararamdaman ang sakit ng pagkasunog dahil sa kilabot na dala nang pagsigaw ng bata.

May sinasabi sya. Hindi ko lang mawawaan dahil natatabunan nang walang patumanggang pag-iyak, malamang dahil sa takot at pagkapasong nararamdaman.

Kaso, hindi ako makagalaw.

Bangungot ba ito? Parusa?

Oo. Yun ang pakiramdam ko ngayon kasi wala akong magawa.

Napatingala ako sa ulunan ko dahil may narinig akong babaeng sumisigaw at umiiyak.

Yun din ang babaeng narinig ko nung una akong mapunta sa kulungang ito. Pero ngayon, naiintindihan ko na ang sinasabi nya.

"Noel! Nasa'n ka?! D'yos ko! Tulungan nyo kami! Mga kapitbahay!"

May ibang ingay pa akong naririnig. May iba na ring nagsasalita.

"Wag ka na pumasok! Malaki na ang apoy!"

"Nasa loob ang kapatid ko!"

"Paparating na ang mga bumbero, Auring!"

Nabigla ako sa narinig.

"Ate, tulungan mo 'ko..."

Halos walang lakas na sabi ng batang kasama ko dito sa loob kaya napatingin ako sa kanya.

Nanlaki ang mata ko sabay nang pagsinghap.

Wala syang mukha!

Napadilat ako.

Ang nag-aalala at naluluhang si Benjie ang una kong nakita.

"Babe...!" ang sabi, tapos pinaulanan ako ng halik sa mukha.

Napasapo ako sa gilid ng ulo dahil nakaramdam ako ng sakit doon. "A-anong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay," ang sagot nya habang hinahaplos ako sa noo matapos akong halikan dun.

"Ito, oh."

Si Nat, pagtingala ko, may hawak na isang basong tubig.

Inalalayan ako ni Benjie maupo. Nasa sala set na naman ako.

"Nauntog ka sa washing machine, Babe. Sorry, di agad kita nasalo."

Napahawak ako sa tyan ko.

"Di ka naman bumagsak sa sahig," ang nasabi nya agad. "Nahihilo ka pa ba?"

Umiling ako. Hindi ko matandaang nahilo ako kanina. Basta nagdilim lang bigla paningin ko.

Saka ko naalala, "Teka, ano'ng oras na ba? Baka ma-late ako."

"Wag ka na muna pumasok," si Benjie.

Pero kinontra sya ni Nat, "Ayos lang yan si Rory. Mas mabuting pumasok na lang sya."

Parang asar na tumingin sa kanya si Benjie. "Nakita mo ngang nahimatay na."

"Mas presko ang hangin sa labas," di apektadong sagot ng roommate ko.

Hinawakan ko na sa braso ang nobyo ko. "Pa-check up na lang tayo, babe."

Yun na lang ang sinabi ko. Feeling ko, itinataboy ako ni Nat.

Ewan ko, pero hindi ko magawang magdamdam sa ginagawa nya. At gusto ko ring magkausap kami ni Benjie.

Hindi na yata normal ang nangyayari sa akin. Gusto kong isipin na dala lahat ito dahil nagseselan ako. Yung tinatawag na hormonal change.

Sa May Hagdan (Short Story)Where stories live. Discover now