10

91 12 3
                                    

Hindi ako makagalaw kung hindi ko pa narinig ang saglit na pagsinghap at pag-ubo ni Nat.

"R-rory..."

Dun ako tila natauhan nang tawagin n'ya ako sa salit na pag-ubo.

Kasunod nun ang tila mahihinang yabag pababa sa hagdan.

Wala na yung maruming kamay sa palda ko.

Namalikmata lang ba ako tulad nang dati?

"Ayos ka lang?" tanong naman sa kanya ni Benjie. Inalalayan s'ya nito paupo. "Binabangungot ka."

Tumikhim si Nat, "Ayos lang ako."

Tumingin s'ya sa akin tapos sa gilid ko, partikular sa palda.

"Sorry. Naabala ko yata kayo," dugtong n'ya.

"Ano'ng oras ba ang pasok mo?" tanong ko.

"Aw, shit!" biglang tumayo si Nat. "Male-late na 'ko."

Si Benjie na ang dumampot at nagbitbit nang mga kinuha ko sa kuwarto ni Vicky. Bumalik kami sa ibaba para bigyan ng privacy si Nat na maghanda.

"Ano'ng nangyari sa itaas?" tanong ng kaibigan ko habang binabanlawan ko ang hita at binti n'ya.

"Uhm..." saglit akong natigilan.

May mahinang pagtuktok na naman akong narinig sa dingding.

"Rory?" untag n'ya.

"Wala. Medyo binangungot lang ako," si Nat.

Nakababa na pala, dala ang gamit panligo.

"Halika na," yaya ko kay Vicky. "Male-late na si Nat."

Kaming dalawa na ang nag-aalalay kay Vicky paupo sa isang silya sa dining.

"Oy, Baks," kalabit niya sa akin. "Ang dumi, oh."

Nakaturo s'ya sa gilid ng palda ko.

Natigilan ako.

Katulad yun ng dumi sa kumot at kama ni Nat!

Tapos sabay kaming napatingin ni Nat sa ilalim ng hagdan.

Narinig naming pareho. Hindi na iyun ang madalas na pagtuktok sa dingding.

Mahinang daing yun.

Daing na may kasamang paghingi ng tulong.

Paghingi ng tulong na narinig ko na!

May kung anong puwersa ang humahatak sa akin sa ilalim ng hagdan. Umakma akong pupunta doon.

"Wag!"

Si Nat, hawak ako sa braso.

Para akong nagising sa saglit na pagkawala sa sarili.

"Oh, bakit?" Si Vicky, na nagulat sa pabiglang salita ni Nat.

"Ano'ng nangyari?"

Sina Joey at Benjie na galing sa sala nagkukwentuhan.

"W-wala," kambyo ni Nat. "Ano, wag mo iwan si Vicky. Baka mahulog sa upuan n'ya."

Ang lamya ng katwiran n'ya kaya nag-react ang kaibigan ko.

"Grabe ka! Di naman ako na-stroke."

Natawa sina Joey. Nakisali na rin ako para patayin ang namumuong tensyon. Sigurado ako, nawawala ang dating kalmadong composure ni Nat sa mga nangyayari.

Mga nangyayaring pilit kong binabalewala dahil hindi ko maipaliwanag ... o ayoko lang talagang bigyang-pansin dahil lihis sa paniniwala ko.

Di na uli nagkomento si Nat. Naligo na s'ya.

Sa May Hagdan (Short Story)Where stories live. Discover now