8

98 12 8
                                    


"B-bakit di n'yo s'ya dalhin sa ospital?" ang tangi kong nasabi.

"Hindi doctor ang makakapagpagaling sa kanya, Rory," si Nat ang sumagot.

Napatingin ako sa kanya, "Eh... ano?"

"Hindi ano, kundi sino."

Saka ko napansin na nakatingin sila lahat sa akin.

"Ah...eh... teka lang. B-bakit ako? Hindi naman—"

"Rory..." singit ni Vicky sa pagitan nang paghikbi. "S-sorry na. Sorry na talaga..."

Napahagulgol na s'ya sa palad.

"Vicky..." nilapitan ko sya at hinimas sa likod gamit ang kaliwang kamay. "Okay lang. Tahan na."

"S-sabihin mo naman sa bantay mo, tama na. Sobrang masakit na kasi."

"H-ha?"

"Di ba sinabi ko sa 'yo nung nakaraan na may bantay ka," yung matandang magtatawas.

Lahat kami, napalingon sa swing door dahil nag-krik yun.

Bigla akong napasinghap. Tapos tumayo ang balahibo ko sa kanang braso. May malamig akong naramdaman sa parteng yun kahit di sa akin nakatapat ang electric fan.

Ayokong lumingon.

Inaamin ko. Kahit ayoko, natatakot na ako. Lalo na nung sulyapan ko si Nat, saglit s'yang tumingin sa kaliwang tagiliran ko.

"Yan ang sinasabi ko," dugtong nung matanda. "Andito s'ya. Di ko lang alam kung saan."

Biglang nagsiksikan yung tatlong GRO sa isa't-isa.

"Naku, Manang ha!" nasambit ni Shiel. "Ayaw namin nang ganyang biro."

"Bakit di n'yo s'ya tanungin?" turo kay Nat. "Mas nakakakita s'ya kesa sa akin."

Kaya lahat kami napatingin kay Nat, na kaswal na nakataas ang dalawang kilay.

"Wala akong masasabi," ang tangi n'yang sagot sabay kibit ng balikat.

Nakita ko na napahinga nang maluwag ang tatlo. Gaya nila, gusto kong maniwala pero sa likod ng isip ko, kabaligtaran naman.

"Bakit ayaw mong sabihin, ineng?" malumanay naman ang pagkakatanong nung matanda sa roommate ko.

"Nagkakatakutan ng nga ho dito. Dagdagdagan pa nang ganito? Hindi naman po yata tama," ang sagot nya lang.

"A-anong ibig mong sabihin, Nat? So, meron nga?" singit ko.

"Wala akong kinukumpirma."

Nagsalita na rin si Vicky, "Eh bakit mo rin sinabi sa akin na sundin si Manang?"

"Para walang away dito. Isa pa, malay mo nga, ganun."

May sense naman ang sinasabi ni Nat. Ewan ko lang kung bakit hindi ako one hundred percent na kumbinsido.

"Ah, ineng," sabi naman sa akin nung matanda. "Ikaw na ang maghuhugas ng paa ni Vicky. Kahit isang beses isang araw lang."

"B-bakit ho?"

"Para makumbinsi ang bantay mo na hindi na kayo magkaaway."

Ewan ko, pero tumingin ako kay Nat. Parang mas kumbinsido ako kung may Nakita akong reaksyon sa kanya.

"Sige lang, ganda. Go," panghihimok nya.

Ganun din sina Shiel.

Kaya tumango ako.

Naiyak na yumakap sa bewang ko si Vicky habang patuloy na humihingi ng patawad at pasasalamat.

Umalis na yung magtatawas at ang kasama nito pagdating ni Benjie. Although nasa baba pa kaming magkaka-boardmates.

Sa May Hagdan (Short Story)Where stories live. Discover now