Final Chapter

98 15 13
                                    

"Rory, bakit?"

Napahigpit nang husto ang pagkakahawak ko sa magkasalikop naming kamay ni Benjie. Hindi ko maialis ang tingin ko sa silhuwetang yun.

Napatitig ako talaga sa hindi ko maintindihang dahilan.

Hanggang sa unti-unting naaninag ko ang bibig nya. Gumalaw ang labi nito.

"Ate..."

Mahina pero umabot sa pandinig ko.

"Babe..." tawag uli ni Benjie na tinapik ako sa pisngi kaya napatingin ako sa kanya. "Namumutla ka."

"Ate...tulong..."

Napasinghap uli ako dahil mas maliwanag ko yung narinig... sa kanang tenga ko lang.

"Ano ba'ng nangyayari sa iyo, Aurora?" si Vicky.

Wala na ang silhuweta ng bata sa tabi n'ya sa pinto!

Tumingin ako sa kanan nang hindi ipinapaling ang ulo ko.

Napigil ko ang hininga dahil una kong nakita ang maruming khaki shorts na tila uniform sa isang public school.

"Buksan mo...andito lang ako..."

Ilang beses akong napahingal.

Nasa tabi ko ang batang may maputlang binti at braso. Yun lang ang nakikita ko.

Wala akong lakas ng loob na tuluyan s'yang lingunin. Sa halip, bigla akong yumakap sa leeg ni Benjie at umiyak.

"Aurora, bakit?" yakap n'ya na rin ako nang mahigpit at hinahaplos ako sa likod. "Nanginginig ka na."

"Mainit dito, ate...tulungan mo 'ko..."

Lalo akong napapikit nang mariin. Galing lang ang mga salitang yun sa harap ko.

Napahagulgol ako. Hagulgol na narinig ko na...mula sa isang panaginip!

Kagaya nang nararamdaman kong paninikip ng dibdib at pagpa-panic.

Naramdaman ko ang paglapit na rin ni Joey at Vicky sa kama. Nakikihaplos sa likod at balikat ko.

"Huy, Rory! Ano ba?"

"May masakit ba sa 'yo?"

Wala akong maisagot sa kanila. Natatakot akong dumilat. Kasi, ang boses nilang tatlo, nanggagaling sa tabi at likod ko pero,

"...hindi ako makahinga...ate..."

Galing yun sa harapan ko!

"Babe... magsalita ka naman," natataranta na rin ang boses ni Benjie.

Kinalas n'ya ang yakap namin at pilit akong hinaharap sa kanya kaya napadilat ako.

Impit akong napatili sabay tulak kay Benjie.

May batang nakaluhod sa likod n'ya... sa kama ko!

Sapo nang mapayat at maputlang kamay nito ang mukha habang ... humahagulgol?

"Ate..."

Nangatal ang baba ko.

"Rory...babe...?" takang tanong ni Benjie na umayos sa pagkakaupo.

Lahat sila napabaling sa kama ko kung saan ako nakatingin.

"Diyos ko po!" si Vicky.

"Saan galing yan?" si Joey.

Napatayo na rin ang nobyo ko na halatang nagtataka.

"H-huwag...!" mahina kong awat.

Sinumulan n'ya kasing pagpagin ang kama ko.

Sa May Hagdan (Short Story)Where stories live. Discover now