3

148 13 3
                                    

"N-nat..."

Hindi ko gustong manginig ang boses ko pero di ko napigilan.

Kalmado lang syang nagbuga ng hangin sa bibig, "Ako na dyan. Mukhang hilo ka na talaga."

Kinuha nya yung bandehado sa kamay ko.

"N-nat..." tawag ko uli sa kanya nung akma na syang tatalikod.

Hindi ko maihakbang ang paa ko sa dahilang walang akong sagot.

Nabasa yata nya ang problema ko kaya, inabot nya uli sa akin ang bandehado saka ako inakbayan. May katangkaran kasi si Nat.

Dun lang ako nakagalaw.

"N-nat ... b-bakit ... a-anong nangyari kanina?" bulong ko sa kanya.

Tumawa sya nang mahina.

"Lasing ka na nga, girl," sabi nya lang.

Hanggang matapos kaming mag-inuman, yun ang pilit kong sinasabi sa isip ko.

Lasing na ako.

Well, ganun nga ang ginawa ko talaga nung pagbalik namin ni Nat sa umpukan. Ang magpakalasing pa lalo.

Yun lang ang naisip kong paraan kesa takutin ang sarili ko.

In a way, effective yun. Mas ininda ko ang kalasingan ko.

Kasi, nagsuka ako nung nagliligpit na sina Shiel.

Si Nat at Vicky ang nag-asikaso sa akin sa banyo.

"Tsk, ano bang problema mo, baks?" sabi ni Vicky. "Bigla kang tumagay nang tumagay."

"Wala. Trip ko lang," sagot ko sa ma-H na pananalita.

Di na ako diretso magsalita sa sobrang dami nang nainom ko.

"LQ ba kayo ni Benjie? Mabuti kung ganun. Wag ka na makipagbati. Wag mo siputin sa anniversary date nyo bukas."

"Gaga," malamya kong sagot.

Nanlalambot na kasi ako. Isa pa, baka pati si Nat, tamaan sa sinabi ng bruhang 'to.

Nakatulog agad ako pagkahiga sa kama.

Nagising ako nung maliwanag na. Saktong pumasok si Nat sa kuwarto namin na may dalang mga naka-plastic na mga damit.

"Uy, gising na ang lasenggera," pabiro nyang bati.

Natawa ako nang walang tunog.

"Nagpa-laundry ka?" tanong ko.

"Oo. Naglalaba yung mga beauty queens sa baba. Matatagalan ang mga yun tsaka mawawalan ako ng puwesto sa sampayan mamaya. Isa pa kailangan ko itong matuyo agad."

Na-gets ko agad na yung tatlong GRO na kasama namin ang ibig nyang sabihin.

"Geh, baba muna 'ko," paalam ko dito.

Bitbit ko na yung toiletry basket ko.

Pagbukas ko sa pinto ng kuwarto namin, nagkagulatan pa kami ni Vicky na papasok pa lang sa trabaho.

"Ayan, buti gising ka na. Nakaalis na si Joey. Eto yung susi sa kuwarto namin. Di ko pa tapos i-pack yung mga orders," sabi nya na inabot sa akin ang susi.

Sa kuwarto nila ni Joey naka-imbak ang stocks na binebenta namin.

"Sa isang araw, sabay tayo nang off. Divi uli tayo," sabi ko.

Pumayag ito.

Isa sa gusto ko sa kumpanya namin. Dalawang off sa loob nang isang linggo. May mga pagkakataon lang talaga na hindi kami nagkakasabay ni Vicky at mag mga linggo na split off.

Sa May Hagdan (Short Story)Where stories live. Discover now