5

113 11 1
                                    

"Gusto ko na tuloy lumipat," si Shiel.

Nasa itaas kami at nagkukumpulan sa maikling hallway ng mga kuwarto namin. Ewan ko kung bakit ang agang gumising nang tatlong GRO.

Pang-apat na araw na yun mula ang insidente na pumunta dito yung mag-ina na dapat ay uupa sa malaking kuwarto.

"Grabe naman kasi. Kahit ako kinilabutan," gatong ni Vicky. "Hanggang ngayon, nananayo ang balahibo ko pag naaalala ko."

Di ako nagkomento. Dahil kahit ako, nagkaroon nang hindi maipaliwanag na takot na naramdaman nang umagang yun.

"Feeling ko nga, di na tutuloy tumira dito yung mag-ina," dugtong ni Shiel. "Sabi ni Madam, papagawan nya ng divider itong malaking kuwarto kinabukasan nun pero hanggang ngayon, wala pa rin yung karpintero."

"Oo nga. Di na nga nagpunta uli si Madam," pagkumpirma ni Rose. Tapos bumaling sa akin. "Si Nat, kelan ang balik?"

"Bukas. Di ko lang sure kung anong oras."

"E di huling gabi na ni Papa Benjie mamaya?"

Mula nang magbakasyon ang roommate ko, dito na natutulog ang lalaki kapag gabi. Kahit ganun, medyo nahihiya pa rin ako. Kaya ramdam ko ang bahagyang pag-init ng tenga ko.

"Ano, hindi sya dito matutulog mamaya."

After office hours kasi, didiretso si Benjie sa Cavite. Sasabihan na nya ang umuupa sa bahay nya na kami na ang ookupa doon sa katapusan nang susunod na buwan. Nang nakaraang dalawang araw, nag-asikaso na kami ng mga requirements para sa civil wedding namin. Releasing na lang ang hinihintay para sa CENOMAR, which is next week, para makapag-apply kami ng marriage license.

"Hala ka! E sino'ng kasama mo ngayong gabi?" sabi ni Rose.

"Ako lang," pabalewala kong sagot.

"Girl, di ka ba natatakot?" usisa ni Glenda. "Kami nga, halos sa kuwarto na lang."

Totoo naman yun. Wala nang bumababa mag-isa lang sa kanila. Nagmamadali rin silang magsipagluto at kumain.

Ako naman, palaging sinasamahan ni Benjie kapag bababa nitong mga nakaraang araw since sabay kaming pumasok, at sinusundo nya ako sa trabaho papauwi.

"Hindi. Ayokong i-entertain ang ganyang ideya. Malilimitahan ang galaw ko. Isa pa, alam, nyo na ang mga bata, minsan kung anu-ano ang sinasabi."

"Naman, Rory!" singit ni Vicky. "Alam ko, di ka mahilig sa mga multu-multo. Pero nakita mo naman yung reaksyon nung batang babae, di ba?"

"Naku, bagay nga kayong magka-roommate ni Nat," natatawang sabi na lang ni Glenda. "Pareho kayong 'others'."

Ewan ko kung dapat ko bang ipagpasalamat ang bagay na yun. Na tipong hindi matatakutin si Nat. Kasi, parang may kakaiba rin sa kanya. Lalo na noong tila mag-lecture sya tungkol sa mga spiritual entities at planes nang gabing makipag-inuman sya sa amin. Tapos ayun pa nga, yung sa kusina nang kumuha ako ng pulutan.

Ay ewan!

Natigil kami sa usapan dahil umakyat na si Benjie galing sa pagligo.

"Babe, ikaw na," ang sabi sa akin.

"Oy, Benjie," tawag ni Vicky. "Baka pwedeng dito ka na lang tumira. Dyan kayo ni Rory sa malaking kuwarto."

Tumaas ang kilay ko.

Himala!

Allergic nga ito sa boyfriend ko.

"Oo nga," segunda ni Shiel. "Iba kasi kapag may lalaki sa bahay."

Sa May Hagdan (Short Story)Where stories live. Discover now