Chapter 10

64.4K 2K 165
                                    

"Brenda, mag review" suway sa akin ni Chatterley.

Tamad akong tumango sa kanya pero patuloy pa din ang aking pagsubsob sa aking armrest. I'm too tired.

"Brenda" seryosong tawag ni Natasha sa akin. Siya lamang kasi ang may ganuong boses kaya naman mabilis kong natunugan,

Kahit labag man sa aking kalooban ay wala na akong nagawa kundi ang umayos ng pagkakaupo, this girl is really a wrong timming, all the time.

"What do you want this time?" Tamad na tanong ko sa kanya.

"Kanino ka magpapakasal?" Tanong nito sa akin kaya naman kaagad na nabuhay ang aking buong systema.

Napatitig ako kay Natasha. Duon ko lang napansin ang eye bags nito na halos visible na talaga at mukhang hindi pa niya nagawang magmake up ngayong araw.

"Natasha, that's not your bussiness" mataray na sabi ko sa kanya, pero ganuon na lamang ang gulat ko ng hindi nito nilabanan ang katarayan ko.

"Tell me, Brenda. I need to know" pakiusap nito sa akin na mas lalo ko lamang ikinagulat.

Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa kanya. The way she act, the way na kausapin niya ako na para bang kawawang kawawa siya ay labis kong kinaiinisan.

"What's the point Natasha? You tell me..." utos ko sa kanya kaya naman kaagad na napayuko ito. Dahil sa amin paguusap at sa pagtayo nito sa aking harapan na akala mo ay siya ang kinakawawa ay nasa amin nanaman ang atensyon ng lahat.

"Is it...do I know him?" Halos basag na ang boses nito ng itanong niya iyon sa akin.

Duon ko lang narealize na gusto nga pala niya si Alec. Hindi ko alam kung paano niya iyo nakilala pero mukhang gusto nga niya talaga ito.

Nagkibit balikat ako. "Ewan, mukhang namang hindi" tamad na sabi ko at tsaka preskong umupo sa aking upuan.

Kitang kita ko ang pag glow ng mukhang ni Natasha dahil sa aking sinabi na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil sa nalaman.

"Nagpunta na ba siya dito?" Tanong pa niya ulit.

By that, she hits it. Si Alec nga ang tinutukoy niya, halos mapairap ako sa kawalan dahil sa kanyang pagiging desperadang malamam kung sino ang tinutukoy ko, first of all, what's special with that Alec Herrer?

Seriously speaking, i'm not even attracted to him. Like what the heck is wrong with this girl? Kasi if I have a chance I would go for the best. But wala, i'm stock with Alec.

"No Natasha, hindi ko pa din siya na memeet" pagsisinungaling ko dito kaya naman halos magtatalon siya sa tuwa duon mismo sa kanyang kinatatayuan.

Nagbalik ang lahat sa dati lalo na ng dumating na ang aming professor. Last week na namin next week dahil final examination week na iyon then bakasyon na. Gusto ko sanang matuwa pero hindi ko magawa.

"Bakit hindi mo sinabi kay Natasha yung totoo?" Tanong ni chatterley sa akin.

"Cause baka umiyak siya, nakakaawa naman" sarcastic na sabi ko kaya naman kaagad na lumawak ang ngisi ni Ivoree.

"Bilib talaga ako sa mga strategies mo eh, kung ibang babae kasi yan naku ipapamukha pa niya duon mismo sa kaaway niya" sabi ni Ivoree.

"Mas mabuti na yung ginawa ni Brenda para wala ng masyadong gulo" pag sangayon naman ni Chatterley.

Dumiretso kami sa kanilang hiace na van. Birthday kasi ngayon ni Tita Cherry ang mommy ni Chatterley. Gustong gusto kami nung dalawa ni Ivoree para maging kaibigan ng kanyang anak kaya naman pamilya na din ang turing niya sa amin.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon