Chapter 43

68.4K 1.8K 240
                                    

Nabato ako sa aking kinauupuan dahil sa sinabing iyon ni Alec. Bigla tuloy akong nakaramdaman ng pagkahiya sa hindi ko malamang dahilan. Galit na galit siya, kitang kita ko iyon sa kanyang mga mata lalo na sa kung paanong naging bayolente ang paghakbang niya palabas ng aming kwarto at sa kung paano siya nagdabog sa pamamagitan ng pagsara niya ng pintuan.

Nawalan na ako ng gana. Hindi ko na nagawa pang galawin ang pagkain sa aking harapan. I somewhat think, am I too much, iniisip ko kung sumusobra na ba ako sa ginagawa ko kay Alec? Pero all of it was answered by my heart No. Hindi dahil kulang pa ang lahat ng iyon sa ginawa niyang pananakit sa akin.

Sinaktan niya ako kaya gusto ko ding masaktan siya. Tinaboy niya ako kaya itataboy ko din siya. Lahat naman ng nasaktan nagbago.

"Nasaan si Alec?" Patay malisya kong tanong sa mga kasambahay na makailang beses ko nang nahuhuling pinagtsitsismisan ako.

"Umalis po Ma'm" sagot nito sa akin na tila wala pa siyang ganang sagutin ako kaya naman naginit ang aking ulo.

"I want a fresh strawberry shake" mataray na sabi ko sa kanya.

Kita ko ang gulat sa kanyang mata. "Ma'm wala po tayong strawberry sa ref" sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang tinarayan. Siguradong ang kaliwang kilay ko ay halos abutin na ang hair line ko sa pagkakataas.

"Problema ko?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi po Ma'm pero po..." mangangatwiran pa sana siya kaya naman kaagad ko siyang tinalikuran.

"I want it now!" Sabi ko sabay walk out.

Nagdala ako ng ilang mga magazines sa may garden dahil duon ko muna gustong mas stay. I'm bringing my self back at sa gustuhin ko man o hindi kailangan ko ding ibalik ang dating ako, yung matapang at matigas, so no one can take advantage on me.

May ilang minuto din akong naghintay duon hanggang sa makarinig ako ng ilang paghakbang.

"Are you sure it's fresh?" Maarteng tanong ko dito.

Hindi sumagot ang kasambahay kaya naman lilingunin ko na sana siya ng kaagad akong mapasigaw.

"Shit!" Hiyaw ko ng ibuhos nito sa akin ang malamig na juice.

Kumulo ang dugo ko handa na sana akong sigawan siya ng kaagad akong magulat sa kung sino ang aking nakita.

"Tita Pia..." gulat na gulat na pagtawag ko sa kanya.

"You bitch!" Gigil na sambit niya tsaka niya ako sinampal.

Napahawak ako sa kanang pisngi ko na kaagad na namanhid dahil sa lakas ng kanyang pagkakasampal sa akin.

"Anong ginagawa mo sa anak ko? Bakit ba ginaganito mo yung anak ko!?" Galit na galit na sigaw niya sa akin hanggang sa makita ko ang pagtulo ng kanyang luha.

"Ang kapal ng mukha mo" akusa niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

"Niloko po ako ng anak niyo...sinisi niya ako nung nakunan ako" sumbong ko sa kanya para sana ipagtanggol din ang aking sarili.

"Yun lang, pinagsisihan niya na iyon...ano pa ba ang gusto mong makuha na kabayaran?" Sita niya sa akin kaya naman kaagad na namuo ang galit sa aking puso.

"Nasasabi niyo lang po iyan dahil anak niyo si Alec, kaya pinagtatanggol niyo siya" sabi ko sa kanya dahil iyon naman ang totoo.

Lahat naman ng ina ganuon ang gagawin, kahit anong gawing mali ng anak nila, anak pa rin nila ang tama, anak pa din nila ang lumalabas na inaapi. Babae siya, dapat sana ay mas naiintindihan niya ako.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon