Chapter 47

80.2K 1.9K 193
                                    

Hawak hawak ni Alec ang aking kamay habang naglalakad kami sa hallway ng kanilang companya. Si Papa austin ang nagsimula nito na ngayon ay ipinapamahala niya na kina Alec at Axus. Pinagtitinginan kami marahil ay dahil hindi normal na makita nila ako dito kasama si Alec o baka tama nga si Lola at mukha na akong butete sa laki ng aking tiyan.

"Dapat hindi mo na ako sinama dito, ayoko na talagang lumabas ng bahay" nakayukong sabi ko kay Alec habang kaming dalawa na lamang ang nakasakay sa elevator.

Mabilis niya akong iniharap sa kanya at tsaka niya itinaas ang aking baba gamit ang kanyang malambot na kamay. "Bakit? May problema ba?" Malambing na tanong niya sa akin.

Napanguso ako at tsala muling tiningnan ang aking repleksyon sa may salaming pader ng elevator.

"Ang panget ko na" mangiyak ngiyak na sambit ko habang pinagmamasdan ko ang aking sarili na halos konting konti na lang ay hindi ko na makikilala. Im no longer on the usual make ups and lip stick, i can't even afford to blow dry my hair after bath because i feel so lazy to doing it so. My body curves is almost losing because of me getting thinner and thinner.

"Shhh...who told you that? That's not true Maria..." paglalambing na pagaalo niya sa akin pero hindi pa din ako nagpadala duon. Ofcourse he will say that for being my husband.

"Si Lola" sagot ko dahil iyon naman talaga ang sinabi niya na kaagad naman nuong pinagtawanan ni Clark.

Hindi umimik si Alec kaya naman mabilis ko siyang tiningala pero halos magtubig ang magkabilang mata ko ng makita ko kung paanong hirap na hirap itong pigilan ang pag ngiti.

"See...even you" akusa ko kasabay ng pagmamaktol sa kanya.

"Ganun lang talaga si Lola ngayon, but i know she didn't mean it. You're beautiful baby" paninigurado niya sa akin kasabay nang paghalik sa aking bandang sintido na may kasama pang yakap kaya naman nang bumukas ang elevator ay iyon ang nakita ng ilang nga empleyado na naghihintay na makasakay sa elevator.

Mukhang sila pa ang nahiya dahil sa nakita dahil halos sabay sabay silang napayuko na wala ni isa ang gustong bumati sa amin. Hindi iyon pinansin ni alec dahil ang kanyang buong atensyon ay nasa akin.

Kaagad siyang binati ng secretary pagkakita sa amin at pinagbuksan pa ng pinto. Nginitian niya din ako at tsaka binati kay naman iyon din ang ginawa ko sa kanya. Dinalhan ako ni alec ng ilang mga libro tungkol sa pregnancy. Mamaya ay isasama din niya ako sa lunch meeting niya. Feeling ko tuloy magiging mga bussiness man din itong mga anak namin.

"Are you comfortable sitting there or do you wan..." hindi ko na hinayaang masabi niya ang sasabihin niya ng kaagad ko siyang pinigilan.

He became so focus on me this past few weeks kaya naman pati ang trabaho ay nakakalimutan niya ng gawin. "Alec, ayos lang ako, just focus on the things you need to do. You know me, magrereklamo ako pag ayoko na" nakangiting sabi ko sa kanya at pagtataboy na din dahil kahit hanggang dito sa kanyang trabaho ay ako pa din ang inuuna niya.

I saw  his cheeks turns red. He really looks cute when he blush. "Ok, tawagin mo ako kaagad" sabi niya pa sa akin.

Napairap na lamang ako sa kawalan dahil halos ilang hakbang lamang ang layo ng sofa sa kanyang office table. Nagumpisa ng magtrabaho si Alec kaya naman naging busy na siya, inumpisahan ko na din ang pagbabasa ng mga librong binili niya para sa akin.

Maya maya lamang ay halos dalawin na ako ng antok kaya naman walang pagdadalawang isip akong umayos ng higa sa kanyang sofa habang nagbabasa pa din ng libro na akala mo ay nasa bahay lang.

Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Alec pero hindi ko na lamang siya pinansin, nagpatuloy lang ako nang nagpatuloy sa pagbabasa hanggang sa dalawin na ako ng antok.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon