Chapter 33

60.1K 1.9K 274
                                    

Alec is so drunk that night kaya naman kahit umiyak ako buong gabi ay hindi niya ako inalo, hindi nga niya alam ang mga pinagsasabi niya sa akin kinaumagahan.

"Maaga ka bang uuwi mamaya?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang kanyang necktie.

Pinipilit kong tingnan niya sa mata. Gusto ko yung dating Alec, na pagtumitig ay halos tumatagos sa buong pagkatao ko, yung pagtiningnan niya ako ay nagdidilate yung pupil niya dahil gusto niya yung nakikita niya.

I want my real Alec back. I miss him so much.

"Why? Baka maging busy ako sa office" sabi niya sa akin while fixing his watch.

"Gusto ko sanang magdinner kasama ka" paglalambing ko sa kanya.

"I'm not sure" baliwalang sabi niya sa akim kaya naman hindi ko na ulit iyon binanggit pa sa kanya.

Mas lalo akong nalungkot, dati ipapacancel niya ang lahat para makasama lang ako. Ipagpapaliban niya ang lahat pag gusto ko siyang makasama. Ngayon ni ang paguwi lang ng maaga ay mahirap nang hingin sa kanya.

"Bye" sambit ko at tsaka ako tumingkayad para mahalikan siya sa labi pero bahagyang umiwas ito kaya naman sa pisngi lamang iyon tumama.

I was looking forward for a goodbye kiss from him pero dirediretso lamang itong sumakay sa kanyang grand subaru.

Sobrang bigat ng puso ko, mas gugustuhin ko pa sanang sinisisi niya ako verbally kesa yung tinatrato niya ako ng ganito. Bigla tuloy na hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom ng biglang bumukas ang pintuan.

"Ma'm brenda andito na po si Ma'm pia" anusnyo ng kasambahay kaya naman napapikit na lamang ako ng mariin, masyado pang maaga para dito.

"What's for lunch?" Tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako sa aking wrist watch at kumunot ang aking noo ng makita kong halos magaalas otso pa lamang ng umaga.

"Ah eh Tita hindi pa po ako nakakapagluto eh" natatakot na saad ko sa kanya dahil sa takot na makatikim nanaman ako dito ng kahit anong pamimisikal.

"You're so useless" pangiinsulto niya sa akin kaya naman imbes na magreact ay napayuko na lamang ako.

Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago ito muling nagsalita. "Mamalengke ka na, magpasama ka sa isa sa mga katulong" sabi niya sabay tatalikod sana sa akin kaya naman nagulat ako.

"Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Binalingan ako nito at tsaka ako nito tinarayan. "Be a wife Brenda, yan na nga lang ang magagawa mo para sa anak ko, ang pagsilbihan siya hindi mo pa magawa?" Sumbat niya sa akin kaya naman kaagad akong nahiya para sa aking sarili.

"I want kare kare for lunch" pahabol pa niya sa akin kaya naman mas lalong nanlaki ang aking mata.

Ni magprito nga ng itlog hindi ako marunong, kare kare pa kaya?

Sandali akong nagayos, nagsuot lamang ako ng tshirt at shorts para pumunta sa palengke. Sabi sa akin ng kasambahay na makakasama ko ay maputik daw duon at mabaho. Sigurado daw siyang hindi ko matatagalan iyon.

"Uhmm...ano nga pong pangalan niyo?" Tanong ko sa kanya. Mas matanda lamang siya kay daddy ng ilang taon pero malakas pa din ang kanyang pangangatawan.

"Aling Cedes na lang hija" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.

Hindi na kami nagpahatid sa driver, ang sabi ni Aling cedes ay masikip sa palengke ngayon kaya naman hindi makakapasok ang sasakyan. Naglakad kami papunta sa kanto at duon ay pumara siya ng tricycle. Nag hesitate pa akong sumakay nung una pero ayoko naman na maginarte pa.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon