Chapter 26

60.5K 1.9K 139
                                    

Tuluyan na sana siyang tatalikod sa akin ng kaagad kong kinain ang distansya naming dalawa.

"Fuck you ka! Gago ka! Ang gago mo!" Sigaw ko habang sinusuntok ko ang likod niya.

Sa hindi ko malamang dahilan ay kaagad na lumabas ang hikbi sa aking bibig.

"Bwiset ka!" Sigaw ko pa kasabay ng unti unting paghina ng hampas ko sa kanya dahil na din sa panghihina.

Mabilis akong hinarap ni Alec at kaagad niyang hinuli ang aking mga kamay.

"Stop it, Brenda" seryosong suway niya sa akin.

Nanatili akong nakayuko dahil tuluyan ng lumabas ang mga luha sa aking mga mata. "I hate you" mahinang sambit ko.

"I hate you!" Sigaw ko sabay hampas ulit sa kanya at tsaka ako mabilis na tumakbo palayo.

Simula nang mangyari ang pangaaway ko kay Alec ay hindi na kami nagpapansinan. Kahit sa bahay ay parang hangin ko na lamang siya kung ituring. Mas lalo akong nainis ng hindi man lang siya gumawa ng paraan para suyuin ako. Hinayaan niya na ganuon ang maging trato ko sa kanya kaya naman mas lalo kong napatunayan na baka nga mas mahal niya yung si Eve.

"Ma'm Brenda nakahain na po ang lunch sa may dinning, hinihintay na po kayo ni Sir Alec" sabi sa akin ng isa sa mga kasambahay pagkababa ko sa hagdan.

Araw nang linggo ngayon kaya naman nandito lamang si Alec sa bahay buong araw at mas lalo akong nainis dahil duon kaya naman napagpasyahan kong maglunch na lang sa labas. Wala din naman kasi sina Chatteryley at Ivoree. Sunday is supposed to be family day. Kaya naman mas lalo akong nalungkot.

Kung kaya lang talaga ng powers ko na bumyahe papuntang America pabalik ng Pilipinas ay gagawin ko makasama ko lang sila daddy at ang kambal.

"Paki sabi na lang na aalis ako" sabi ko sabay talikod sa kanya.

Malapit na akong makalabas ng front door ng marinig ko ang seryosong boses ni Alec. "You will not leave this house" nakakatakot na pagbabanta niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa matakot at mabigla ako sa biglaang pagsigaw nito sa aking pangalan.

"Maria brenda!" Sigaw na tawag niya sa akin.

Hindi ako tuluyang nakagalawnkaya naman mabilis niya akong nahila. "You'll eat your lunch with me" sabi niya sabay hila sa akin.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang magpahila sa kanya. Ang ilang nga kasambahay na nagaayos ng mesa ay mabilis na nawala nang dumating kami.

"Bitawan mo ako" sabi ko sabah bawi ng kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Hindi na ako nagpumilit pa dahil kaagad na akong umupo sa dinning at mabilis na sumandok ng kanin. Kung hindi niya ako papayagang hindi kumain, pwes bibilisan ko na lamang ang pagkain.

Nanatili si Alec na nakatayo sa gilid ng mesa, damang dama ko ang tingin niya sa akin pero hindi ko na lamang pinansin. Nagsimula na akong kumain ng hindi man lang siya pinakikialaman. Nang maglaon ay narinig ko na lamang ang pagbuntong hininga nito at tsaka umupo na din.

"No one's gonna leave the house, hangga't hindi tayo naayos" seryosong sabi niya sa akin.

Hindi ko pa din siya pinansin. "Brenda" seryosong pagtawag niya sa akin.

Nang mapansin niya sigurong hindi ko siya papansinin kahit anong gawin niya ay kaagad na siyang nagsalita.

"Hindi mo kailangang magselos kay Eve, she's just my past" pagaalo niya sa akin kaya naman mabilis kong binitawan ang hawak kong kubyertos.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon