Chapter 41

69.5K 1.9K 290
                                    

Patuloy pa din si Alec sa pagliligpit ng aking mga gamit. Mukhang desidido talaga siyang iuwi ako sa Manila sa oras na din ito mismo. Patuloy lang ako sa pagiyak habang nakaupo sa may paanan ng kama. Hinding hindi ako kikilos para tulungan siya. Kung gusto niyang umuwi, umuwi siyang magisa kasama ang mga gamit ko.

"Damn it, stop crying Maria makakasama yan sayo" suway niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.

"Ayokong sumama sayo" pagmamatigas ko sa kanya pero umakto din ito na parang wala siyang naririnig.

I see how tensed his muscles become. Mas lalong nadepina ang pagkakatiim bagang nito dahil sa tinatagong galit. Yun naman talaga ang plano ko. Ang mainis at magalit siya.

"You are supposed to live with me. Ako ang asawa mo Maria Brenda, buntis ka kaya ako dapat ang nagaalaga sayo" pangangatwiran niya sa akin kaya naman mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.

"Kaya nga gusto ko ng makipaghiwalay sayo!" laban ko sa kanya pero nakipaglabanan lamang ito ng tingin sa akin.

"No" matigas na sagot niya na mas lalong nagpakulo sa aking dugo.

Dahil sa inis ay binalak kong lumabas ng kwarto para makalayo sa kanya pero hindi ko pa man nahahawakan ang door knob ng kaagad ako nitong pinigilan.

"Let go of me, Alec!" sigaw ko sa kanya habang pilit akong nagpupumiglas sa kanyang pagkakahawak sa akin.

"Why? Pupuntahan mo si Clark? Pupuntahan mo siya?" tanong niya sa akin at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata na pilit lamang niyang itinatago.

"Wala kang pake!" sigaw ko sa kanya at pilit ko sana siyang tatalikuran ng kaagad niya akong hinila.

"Don't let me hate my cousin more Maria, don't let me hate him" pagbabanta na pakiusap niya sa akin kaya naman kaagad akong nanlambot.

I witness their closeness. Alam ko kung gaano ka close sina Alec at Clark kaya naman ganuon na lang nanlambot ang puso ko dahil sa pakiusap niya sa akin. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagsusumamo.

"Kaya kong ipagpalit lahat ng bagay para sayo...kaya kong mawalan ng isang pinsan para sayo" sabi pa niya sa akin kaya naman halos manlambot na ang aking mga tuhod.

Dahil sa mga pinagsasabi ni Alec ay nagpaubaya na ako sa kanya. Nanghihina din itong napaupo patabi sa akin. "Let's go please...umuwi na tayo" pakiusap pa din niya sa akin tsaka niya hinawakan ang aking kamay at pinisil iyon.

Tiningnan ko lamang si Alec. Hindi ko siya sinagot pero nahalata niyang nagpaubaya na ako sa kung ano ang gusto niya nang pagod ako nitong nginitian tsaka niya pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Magpapaalam muna ako sa kanya" sabi ko ng hindi ko siya tinitingnan.

Kita ko sa aking peripheral vision ang pagbaling nito sa akin. Nakapamaywang siyang lumapit sa akin at tsaka tumayo sa aking harapan.

"Ok sige..." napipilitang sabi niya sa akin kaya naman mabilis akong gumalaw para sana makalabas ng mabilis nanaman nitong hinala ang kamay ko pabalik.

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya pero nanlaki ang aking mata ng mabilis at buong buo nitong inangkin ang aking labi.

Naestatwa ako sa kanyang biglaang ginawa kaya naman siya na din ang unang bumitiw. "I just want to remind you kung kanino ka"  sabi niya sa akin kay naman halos gustong gusto ko siyang sampalin.

"Hindi ako pag mamay-ari ng kung sino, kahit ikaw" laban ko sa kanya pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Then atleast remember that i'm all yours honey" laban niya sa akin na mas lalo ko lamang ikinairap.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon