Chapter 19

824 90 11
                                    


"Coleen".

"Yes,ma'am Aeriel? May iuutos po ba kayo?"

"Look at that girl",sabi nito na ang tinutukoy ay si Kathryn na noon ay nasa hardin at dinidiligan ang mga halaman.

"Ayan? Bakit mam? Ang tinutukoy ninyo po ba ay yang babaing mukhang baliw na hinahawakan ang mga bulaklak habang dinidiligan?"

"Sino pa ba sa tingin mo?"mataray na sagot ni Aeriel.

Umismid si Coleen habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Kathryn.

"I smell something about her. Fishy?You know kuya Zach,right?"

"Yes? Ma'am? Hmm..grabe naman kayo. Daig ninyo pa ang aso sa lakas ng pang-amoy",tatawa-tawang puna ni Coleen.

"Im not joking. Just look at her".

"Bakit po ba mam? Naamoy ninyo rin po ba na may kalandiang tinatago ang Kathryn na yan?"

"Eww. Sucks! Parang nga eh. I think my brother likes her".

Natawa si Coleen sa sinabi nito at napakamot pa sa batok.

"Imposible ma'am. Kararating ninyo pa nga lang dito at ngayon ninyo pa lang sya nakita. Hindi pumapatol si sir Zach sa maid di ba?"

"Shut up. Tingin ko lang naman. And it will never happen dahil hindi sya type ni kuya. But seems she's papansin?"dugtong pa nito.

"Grabe naman pala kayo mag TagLish ma'am. Hihi. Opo. Papansin nga yan. Tingin ko nga yan ang may gusto kay sir",sagot ni Coleen.

Binitbit na niya ang mop at naglakad palayo habang naiwan si Aeriel na nakapanood pa rin sa ginagawa ni Kathryn.

Zach doesn't like a girl like her.

******

Nilagok ni Zach ang alak at inilibot ang paningin sa kabuuan ng club.

Matagal na rin syang hindi nakakagawi rito. Sa pagkakatanda niya,kasama niya pa si Natalia noong huli syang napunta dito.

Umiiyak noon ang dalaga sa isang sulok habang kinakausap ang sarili. She's depressed those time at tanging si Zach lang ang nagpabalik sa kanya sa dati.

But it's already past. Wala na nga pala sila dahil nasa kandungan na ito ng iba.

Maraming nagseseksihang babae ang sumasayaw sa maliit na entablado at bumababa pa ang iba para umupo sa kandungan ng ilang lalake at ipulupot ang kanilang mga kamay sa leeg ng mga ito.

Kahit anong alindog ng isang seksing babae,wala na sa kanya.

Sumasabay sa lamyos ng musika ang bawat lagok na ginagawa niya.

Naibaba niya ang beer nang may papalapit na isang GRO at umupo sa kanyang hita.
Ipinulupot nito ang dalawang kamay sa kanyang leeg at itinaas nang dahan-dahan ang kanyang palda.

"Miss,nagkakamali ka yata ng pinuntahan. Hindi ako---"

"Shhh..Ayaw mo ba? Pagkain na ang lumalapit,tukain mo na lang",mapang-akit na sabi nito.

Kahit anong gawin ng babae ay wala syang maramdamang kakaiba. Hindi sya nag-iinit.
Ibig sabihin,ayaw niya.

"Miss,pasensya na talaga pero huwag ako.Please?"

Tumigil sa pang-aakit ang babae.

"E di 'wag",sabi nito at nagmartsa palayo.

Muli niyang ininom ang beer na nasa kanyang kamay at tiningnan ang wrist watch.

9:56 pm.

Isang lagok na lang saka niya nilisan ang club.
Nakalimutan niyang kailangan pa niyang magmaneho.

-----

Ramdam niyang bumibigat na ang kanyang katawan. Mukhang naparami ang nainom dahil nagdidilim na rin ang kanyang paningin.

Pasuray-suray na pinilit niyang maglakad pero pagkarating sa hagdan ay natumba na sya.

Eksakto namang bumababa si Kathryn noon sa hagdan at nakita niya ang walang malay na si Zach.

Dali-dali niya itong nilapitan at pinilit na gisingin pero ayaw magising kaya kahit mabigat ay pinagtiyagaan niyang alalayan hanggang makarating sa kanyang kuwarto.

Inihiga niya ito nang maayos sa kama. Ang balak niya ay iiwan na ito pero bigla itong nagsalita kahit nakapikit.

"Mahal na yata kita."

Napalingon sya nang marinig iyon. Mas lumapit pa sya at kinumutan ang binata pero imbes na iwan ito ay pinagmasdan muna niya kung paanong matulog ang lalaki.

Nakangiti ito na syang nagpangiti rin sa kanya. Akmang tatayo na sana sya nang muling magsalita ang lasing na binata.

"Kathryn.."

"Kathryn.."

Dahan-dahan ulit syang lumingon pero hindi sya lumapit.

Pinakinggan muna niya kung tama ba ang narinig niya.

Binabanggit nito ang pangalang ibinigay sa kanya.

Isang hakbang nang magsalita ulit ito at napahinto sya.

"Dito ka lang."

Ibig sabihin,hindi sya lasing?

Isa pang hakbang.

"Please.."

Isang mahinang hakbang para hindi nito marinig pero---

"Kathryn...mahal na kita".

Isang beses lang niyang narinig pero paulit-ulit na nag-echo sa kanyang tainga.

Mahal na kita.

Mahal na kita.

Mahal na kita.

Hindi na sya nag-atubili pa. Binilisan niya ang lakad para lang makalabas ng kuwarto nito.

Mahina niyang ini-lock ang pinto nito at mariing napapikit.

Alam kaya nito ang kanyang mga sinabi?
O sadyang lasing lang sya kaya niya iyon nasabi?

The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon