Chapter 72

323 15 6
                                    


"Clarisse..", simula ni Zach.
Di niya alam kung paano ipaliliwanag sa kanya ang mga nangyayari.

Tahimik lang na nakasandal ang ulo niya sa bintana ng kotse. Pinakikinggan ang susunod na sasabihin ni Zach sa kanya.

"Nagseselos ka ba?"

"Hindi".

"Yung tungkol sa kung paano niya nalaman ang pangalan mo,maaaring nalaman niya dahil sa dyaryo o napanood niya sa balita".

Tahimik at wala pa rin syang sagot na nakukuha sa kanya.

"I'm sorry'', paghingi na lang niya ng pasensya dahil mukhang galit nga ito.

Tumingin sa kanya si Clarisse habang sya ay seryosong nagmamaneho.

"May iba ka pa bang hindi nasasabi?"

"Wala na. Sorry kung na-misinterpret mo yun", sagot niya. Saglit niyang tinitingnan si Clarisse at nakapokus pa rin ang atensyon sa daan.

May kinuha sya sa loob ng bag, isang pares earphone at mayamaya pa ay inilagay niya sa kanang tenga ni Zach ang isa at nasa kanya naman ang isa.
Ini-play niya ang isa sa mga paborito niyang kanta at nagsimula na nga itong tumugtog.

"First time I lead my eyes on someone like you.."

"I can't forget the hour the moment with you"..

"Sabi sa'kin ng psychologist ko, makakabuti raw ang pakikinig ng mga kanta para mas mapadali ang paggaling ko".

"Are you still having panic attacks and flashbacks?"

"Sometimes, I still dream of them", malungkot nitong sagot.

"The song perfectly fits on us", pag-iba niya ng usapan dahil baka bigla na lang magpanic si Clarisse.

"We belong together.. Always and forever.."

Tiningnan sya ng nobya kahit na sa daan sya nakatingin.

"Call my name and I'll be there", bigkas ni Clarisse saka isinandal ang ulo sa balikat ni Zach.

Hinawakan ni Zach ang ulo ni Clarisse at marahang hinaplos ang buhok nito kagaya ng lagi niyang ginagawa.
He smiled at her genuinely. His two dimples appeared that adds up his cuteness.
Little did she know she's the only person that can make him smile so easily.
Ipinapangako niya sa sariling kahit ano pa man ang mangyari, mamahalin niya ang babaing 'to, hindi susukuan at araw-araw niyang pipiliin. Anumang pagsubok ang dumating , hindi niya mag-isang haharapin dahil kasama niya ang babaing pinangarap niya lang noon ngunit ngayon ay pagmamay-ari na niya.

----
"Tinitingnan mo pa rin ang mga yan".

Napalingon si Natalia sa boses na iyon.

"Carl? Ah kase..  Ang sasaya nila tingnan", inilapag niya ang cellphone pero kinuha iyon ni Carl, saglit na tiningnan at sya naman ang binalingan ng tingin.
Larawan nina Clarisse at Zach kasama si Simon.
Ibinaba niya ang cellphone at tumalikod sa asawa.
Hinawi niya ang kurtina ng kanilang bintana at muling nilingon si Natalia.

"You can tell it to him, Natalia."

Nagtatakang nakikinig lang sya at hinihintay ang susunod pa nitong sasabihin.

"I wasn't the father of Simon and I know it".

Gulat ang rumehistro sa mukha niya nang paulit-ulit itong nag-echo sa kanyang pandinig.
Ibig sabihin alam niya sa loob ng tatlong taon?

"Nagpapasalamat pa rin ako at pangalan ko ang ikinabit mo sa pangalan niya at hindi pangalan ng tatay niya".

"Carl..."

"But if I were him, I still have the right to know the truth. As a man, it's a responsibility to take care of the consequence after a night of pleasure".

Hindi niya malaman kung anong klaseng reaksyon ang ibibigay sa asawa lalo na't kasalulukuyan niyang sinasabi ang noon pa dapat niya sinabi.

"Natalia", nilapitan sya nito at hinawakan sa pisngi.

"I'm not mad or jealous. Mahal ko ang anak mo,ikaw rin. Mahal natin sya pareho but you should give him the freedom to have a chance together with his real father".

"What do you mean?"

"You know what I mean. Ayoko lang na dumating sa point na kuhanin sya sa'tin at hindi na ibalik.Hindi ko yun hahayaang mangyari. Never", pagkasabi nito ay niyakap na niya ang kanyang asawa.

Alam na niya noon pa lang na si Zach ang totoong minahal ni Natalia at natutunan lang sya nitong mahalin dahil sya na ang lagi niyang nakakasama.

Kumalas sa pagkakayakap si Carl at muling hinarap si Natalia.

"Tell him if that's the thing that keeps bothering you".

"Carl?Bakit mo ginagawa 'to?"

"Because I love you,I love our son".

Sapat na ang sagot nito para matauhan sya sa kung ano ang dapat niyang gawin.
Sapat na ito para maayos kung anuman ang dapat ayusin.

Ngunit ang pag-aayos bang gagawin niya ay magiging maayos talaga ang kalalabasan?

Wala bang pusong masasaktan?


The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon