Chapter 59

592 37 4
                                    

dedicated to Kuro_Shinju at GemelynCandelaria

A/N:I'm back,guys.
So ayun maraming salamat sa lahat ng nagbasa,nagbabasa at magbabasa. Maraming salamat sa reads. It really makes me so happy
Thank you sa 8k reads. Salamat sa #319 rank in #fiction. It melts my heart.


                    CHAPTER 59

Bumukas ang geyt at pumasok sa garahe ang itim na kotse ni Zach.
Madilim ang paningin niya nang mga oras na yun. Sa halip na dumiretso sa kanyang kuwarto ay nagtungo sya sa hardin.

Nadatnan niyang naroroon si Coleen at nagdidilig ng mga halaman at bulaklak.
Naalala na naman niya ang babaing minsan niyang natutunang mahalin at patuloy na minamahal.

"Stop doing that", ani niya na ipinagtaka nito.

" Sir? Bakit--"

"Sundin mo na lang".

Nagtatakang umalis ang kasambahay bitbit ang pandilig.

" Okay sir".

Sinipa niya ang mga halaman at bulaklak dahil tuwing makikita niya ito ay nasasaktan sya sa isiping parte ito ng storya nila ni Kathryn,ni Kathryn na pinatay na ni Clarisse.

"Arghh!I hate you! Bakit?! Bakit mahal pa rin kita?! You hurt me! You don't know what I'm feeling right now! Why Kathryn? Why?"

Patuloy lang sya sa pagsusuntok ng mga halaman at pagsisipa hanggang sa maabutan sya ni Manang Belen.

"Sir? Sir Zach? Anong ginagawa ninyo?" inawat sya nito't inilayo sya sa mga halaman.

Umiiyak si Zach na sinabunutan ang kanyang buhok.

"Si Kathryn,si Kathryn manang Belen."

"Kaya mo yan Zach. Lahat ng nangyayari,may dahilan. Darating din ang panahon na mapapagtanto ninyo yan pareho", ani ng matanda at umalis na rin.
Siguro nga tama si manang Belen.
May dahilan kung bakit ito nangyayari sa kanya/kanila.

******

" Which looks better? This? Or this?" tanong ni Jana sa kapatid na umiinom ng apple juice sa restaurant kung nasaan ang kaibigan niyang tumutulong sa pag-aayos ng venue para sa kasal.

Walang imik si Clarisse na nakatingin sa sahig.

"Clarisse?"

"Huh? Ano yun? Ate?"

Nagkatinginan ang dalaga at ang kaibigan niya. Napailing na lang sya.
"Ilang araw na yan ganyan", bulong nito sa kaibigan.

Clarisse kept silent. Lumulutang naman talaga ang isip niya.

" Are you just okay?" tanong niya sa kapatid.

"Y--yes. Okay lang ako."

Sinenyasan ni Jana si Wilson na nasa labas. Ihahatid na sya nito pauwi.

"Ate naman,I'm just fine".

"Hindi. You need to go home na. Okay?"
Napilitan syang tumayo at lumabas na para sumakay sa kotse.
Pagkapasok ay bumuntong-hininga sya. Para syang pagod na pagod sa Hindi maipaliwanag na dahilan.

"Huwag mo muna akong iuuwi sa bahay."

"Huh? Eh saan ka naman pupunta?"

"Kahit saan."

"Alam mo ang gulo mo rin eh. Ganyan talaga kayong mga babae".

" And only few guys understand us".

"Tatawagan ko si sir Keith".

"Tapos isusumbong mo na naman ako?"

"Ano pa nga ba?"

"Then,I will call dad. Sasabihin ko lang namang ayoko na ng bodyguard na driver na makulit na pakialamero".

"Nagbibiro lang naman ako. Saan ninyo po ba gustong pumunta ma'am?"

"Kay Zach", bulong niya sa sarili pero narinig iyon ni Wilson.

"At sino naman ang Zach na yun?"

"Ha? may sinabi ako?"

"Kasasabi mo lang."

"As far as I remember,16blk.Jayz Subdivision. Yun. Pakihatid ako dun. May kilala ako dun. Isang kaibigan lang".

"Lalaki?"

"Hmm..nope. Doon nagtatrabaho si manang Belen.B-bisitahin ko lang".

" Sigurado ka?"

"Oo. Tara na".

Kumakabog ang kanyang dibdib sa kaba. Tama kaya ang desisyon niyang makipagkita Kay Zach.
Kakausapin lang naman niya. Wala naman sigurong masama dun. Hihingi sya ng tawad at pasasalamat sa ginawa nito sa kanya.
Ang totoo ay wala naman talaga syang rason para magalit.
Sya lang naman ang nagpupumilit na galit sya dito.

Imposibleng magalit nang matagal na panahon sa isang taong mahal mo, yun ang totoo.

Nasa kalagitnaan sila ng biyahe nang biglang huminto ang kotseng sinasakyan nila.

"What happened? Bakit?"tanong ni Clarisse.

Napakamot sa batok si Wilson.

"Titingnan ko lang", ani niya at bumaba. Naiinis na bumaba na rin sya para tingnan kung anong nangyari sa kotse nila.

"What's wrong?"

"Nag-flat ang gulong eh".

"At ngayon pa talaga?Fix it. Marunong ka naman di ba?"

"Bodyguard at driver mo lang ako. Hindi mekaniko".

"Kapal".

"Haha.Tulungan mo kaya ako".

"Pinagsisilbihan at amo lang ako. Hindi utusan".

"Ay? Napapaisip din ako minsan ma'am eh. Ano kaya sa ugali mo ang nagustuhan ni sir Keith?"

Nainsulto sya sa sinabi nito kaya humalukipkip na lang sya at sumandal sa kotse.

Huminto sa likuran nila ang isang kotse.
Bumaba dito ang isang babaing maganda at nakangiti ito sa kanilang dalawa.

"May I help you?"

"Ano sa tingin mo ang magagawa mo?" mahinang tanong ni Clarisse.

"Ah..miss? Ibig sabihin ni ma'am Clarisse ay baka nakakahiya sa inyo".

"May kilala akong mekaniko. Tatawagan ko", sabi ng babae at may tinawagan sa cellphone.

"Mamaya darating na yun",the woman is still smiling at them.

"Nakakahiya naman po sa abala mam".

"Nope its okay. Btw,I'm Natalia.Natalia Ching".

"Ako si Wilson. Bodyguard at driver ni mam Clarisse (na mataray)".

"Nice meeting you Natalia. Thanks for being a good samaritan".


TO BE CONTINUED....

The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon