Chapter 42

738 44 12
                                    


One week later...

Dala ang isang maleta at isang knapsack sa likod ay desididong inihakbang ni Zach ang mga paa sa escalator.

Panahon na para iwan niya ang Pilipinas at makalimot man lang kahit saglit.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang mawalan sya ng balita tungkol kay Kathryn. Hindi niya alam kung nasa pamilya na niya ito o kung oo man ay bakit ginawang private ang pagbabalik niya.
Humingi na rin sya ng tulong kay Gab para malaman ang address ni Kathryn. Umaasa syang bago sya umalis papuntang States ay makita niya ito at makausap pero mukhang hindi na yun mangyayari pa.
Inayos niya ang suot na itim na salamin at luminga sa paligid.

Tumunog ang kanyang cellphone kaya kinuha niya mula sa kanyang bulsa at sinagot iyon.

"Aeriel?"

"Bro,may pumunta ditong lalaki at hinahanap ka. Napag-utusan lang daw sya na alamin kung nasaan ka. May gusto raw kumausap sa'yo".

"Nonsense."

"Teka nga. Wait,okay? Ito pa. Yung nag-utos daw sa kanya ay pupunta sa airport para kausapin ka",dugtong nito.

"May sinabi ba syang pangalan kung sino ang tinutukoy niya? Kung wala naman,I'm just wasting my time. Mahuhuli na ako sa flight".

Tumahimik ang kausap niya sa kabilang linya na ipinagtaka niya.

"Kung wala naman--"

"He said,Kathryn is the name of the one who ordered him to go here".

Biglang naibaba ni Zach ang telepono. Binilisan niya ang pag-akyat sa escalator para hanapin ang babaing tinutukoy nito. Tinanggal na niya ang salamin at inilagay sa bag para mas makita ang mga taong dumadaan. Nagpalinga-linga pa sya para hanapin ang dalaga gamit ang kanyang mga mata pero di niya ito nakita.

Nagpatuloy sya sa paglalakad palabas na ng airport at sa paglabas ay naghihintay na roon ang eroplanong sasakyan niya.


Hinihingal na hinahabol ni Wilson ang anak ng kanyang amo na tumatakbo papasok sa airport. Nakasunod sa kanya ang apat pang bodyguard. Lahat sila hinihingal na sa katatakbo.

"Ang tatanga ninyo. Habulin ninyo nga sa loob si ma'am. Bantayan ninyo dahil lagot tayo kay sir Eroa pag may masamang nangyari kay ma'am Clarisse",paninisi niya sa apat. Dali-dali namang binilisan ng mga ito ang lakad-takbong ginawa para maabutan si Clarisse.

Isang pares ng tsinelas lang ang suot niya. Binura na rin niya ang makeup na pinaglalagay sa mukha niya para lang makilala sakaling makita sya ni Zach.
Nagkandahirap na rin syang makatakas sa mga bodyguard para lang makarating sa airport.

"Zach...Magpakita ka. Nasaan ka na?",mahina niyang sambit sa sarili.

Nang makita niya ang escalator ay ginawa niya itong hagdan at nagmamadaling umakyat.

Nakita niyang hinahabol sya ng kanyang mga bodyguard pero nagpatuloy lang sya sa pagpapalinga-linga habang tumatakbo.
Nahagip ng kanyang paningin ang eroplanong nasa labas at ang mga pasaherong nagsisimulang umakyat.

Napayuko si Zach at sa huling pagkakataon ay lumingon sya bago tuluyang nakapasok sa loob ng eroplano. Hindi niya nakita si Kathryn at sigurado syang hindi na ito aabot.

"Zach! Zach! Zach!"sigaw niya kahit di pa niya nakikita ang binata sakaling marinig sya nito.

"Ma'am Clarisse,hintayin ninyo kami",hinihingal na nakalapit si Wilson sa kanya at ang apat pang bodyguard.


Napasandal naman si Zach habang tinatanaw ang labas ng eroplano.
He misses her so much.
Siguro naman sa desisyon niya ay makakalimot sya kahit saglit lang.

Napaiyak na lang si Clarisse nang makitang wala na si Zach at marahil ay nakasakay na ito sa eroplano.
Niyakap sya ni Wilson at napahagulgol sya sa dibdib nito.

"Ma'am,uwi na po tayo at siguradong mapapagalitan kami ni sir pag nalaman ito".

"Wala na sya.Nakasakay na sya".

Sa pagsandal ng binata sa bintana ay may nakita syang dalaga na nasa labas at may kayakap na isang lalaki.
And,he can't be wrong. Si Kathryn iyon at mahigpit na nakayakap sa isang lalake.

"Kathryn",napatayo sya sa pagkakaupo at balak na sana niyang tumayo nang may mabangga syang stewardess.

"Sir,bawal na pong lumabas. Stay na lang po kayo sa puwesto ninyo dahil lilipad na ang eroplano mayamaya lang".

'To all passengers inside,we are reminding you to stay on your position.The plane will start to fly just later inside 10 minutes.Thank you'.

"May kailangan lang akong kausapin. Please".

"Pasensya na sir. Bawal talaga",sagot ng stewardess kaya wala syang nagawa kundi bumalik sa kanyang puwesto.
Pagtingin niya sa labas,may mga kasama pala si Kathryn na limang lalaking may pare-parehong uniporme ng pang-bodyguard.

"Kathryn!",sinubukan niyang sumigaw kahit pa alam niyang di sya maririnig.

I found a love.....for me......

Ilang saglit pa,umalis na si Kathryn at ang mga alalay nito.
Napakagat-labi na lang sya.
Nakita nga niya ito pero di man lang niya nakausap o nayakap.

Darling,just dive right in.....

Hindi man lang sya nakapag-sorry at nakapagpaalam.

and follow my lead....

Napapikit sya nang mariiin at hinayaang maglandas ang mga luha sa mga mata.

I found a girl...beautiful and sweet....

May pangalawang pagkakataon pa naman siguro para makita at makasama niya ito dahil maliit lang naman ang mundong ginagalawan natin.

I never knew you were the someone.......

Sinisiguro niyang sa pangalawang pagkakataon,di na niya ito pakakawalan pa.

waiting for me......







The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon