Chapter 38

735 39 3
                                    

          

  "Saan ninyo ako dadalhin?! Ibaba ninyo ako! Ayoko dito!"

"Psst.. Diego,paano ba namin mapapatahimik ang babaing 'to?",tanong ng bodyguard sa kanya.

Nagpupumiglas at pinipilit niyang makalabas sa loob ng van kahit pa bantay-sarado sya ng tatlong bodyguard at isang private investigator.

"Bahala kayo basta huwag ninyo lang sasaktan ang anak ng amo ninyo kundi patay kayo",banta ni Diego.

"Palabasin ninyo ako dito! Ayoko dito!",sigaw ulit niya at pinipilit na buksan ang pinto.

"Bawal nga kase",ani ng isa pero dahil pursigido si Kathryn na makalabas,kinagat niya ang kamay ng lalaking nasa pintuan ng van.

"Ahhh!!",napahiyaw sa sakit ang bodyguard kaya wala na itong naisip na tama. Sinuntok nito sa sikmura ang dalaga at mayamaya pa,wala na itong malay.

"Anong ginawa mo?", naiinis na tanong ni Diego.

"Ano pa? Eh di sinuntok niya para tumahimik",sabi naman ng drayber na isa ring bodyguard.

"Sira ka ba?! Alam mo ba kung sino yan?Sya ang isa sa magiging amo ninyo. Tch. Sabi kong huwag sasaktan,ginawa pa rin?!",sermon ni Diego.

"Pasensya na. Ang sakit kase ng pagkagat niya eh",reklamo nito.
Napailing na lang si Diego at ang dalawa pang bodyguard.

Napakamot sa batok ang lalaking sumuntok kay Kathryn.

"Pasensya na".

"Pasensya ka dyan".



  
-----------

"Nagsisisi na ako sa desisyon ko. Dapat hindi ko muna ipinaalam sa madla ang tungkol sa kanya. Dapat noong pumunta ako sa ampunan,hindi ko muna sya iniwan. It's----It's all my fault. Sana noong una pa lang,ipinaglaban ko sya. Sana hindi ako naging duwag. Sana kasama ko pa sya ngayon.Sana-----"

"Zach,stop blaming yourself",pag-aalo ni Gab sa kaibigan.

"Kasalanan ko lahat ng 'to".

"Ginawa mo lang kung ano ang tama".

Tumingin si Zach sa labas ng kotse. Pakiramdam niya'y di na niya muling makikita pa ang babaing minahal niya at mamahalin pa dahil kinuha na ito sa kanya.

Tumingin din si Gab sa labas ng kotse. Nangunot pa ang noo niya nang mapansin ang isang babaing nakikipagtalo sa isang lalaki.

"Natalia?",tanong niya sa sarili.




"Pagtatalunan pa ba natin 'to? Lagi na lang ikaw ang tama at ako ang laging mali".

"Carl,it's your fault. Kung hindi mo lang sana ginawa yun hindi tayo nagkakaganito ngayon".

"Natalia,stop blaming me. Ipinapasa mo sa'kin ang kasalanang ikaw ang gumagawa. Maybe,we should give space of each other first",pagkasabi ng binata ay sumakay na ito sa kanyang kotse at iniwan ang asawa.

"Bro,si Natalia yun",ani ni Gab sa kaibigang seryoso ang tingin sa labas ng kotse.

"What do you want me to do?",malamig ang boses na tanong nito.

"She's...she's crying".

Nabalik sa huwesyo si Zach at napatingin sa tinuturo ni Gab.

Nakita niyang sumandal si Natalia sa isang kotse bago pumasok sa loob ng restawrant.

Napaisip si Zach kung babalewalain ba niya ito o lalapitan niya para kausapin. Kahit naman papaano ay may nakaraan sila at naging mahalaga ito sa kanya. Pero sumagi rin sa isip niyang may asawa na ito at baka sabihin pang kabit sya ni Natalia.

The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon