Chapter 25

770 71 3
                                    

"Thank you for everyone who came in my daughter's 18th birthday tonight. Siguro napapaisip kayo kung nasaan na ang birthday girl kong bunsong anak. Sa mga hindi po nakakaalam,sya'y hindi pa namin nakakasama sa ngayon ngunit hindi ako titigil para mahanap ang anak ko",nakangiting bati ng presidenteng may hawak na mikropono.

Nakapanood sa kanila ang napakaraming bisita kabilang na sina Lendro,Mykie at Jana.

"Bilang isang magulang,alam naman nating susuungin niya anuman para sa kanyang anak. Wala ng mas sasaya pa para sa isang ama na muling makasama ang kanyang anak na matagal nawalay sa kanya. As a president,Im doing my best to handle all of my responsibilities and learning to balance all my duties. Im still a father craving to see my long-lost daughter. To my beloved daughter, Clarisse Leigh Eroa.Cheers!" itinaas nito ang hawak na ba so. Sabay-sabay na nag-cheers ang mga bisita. Syempre kasama sina Jana at Mykie.

Pinipilit na humarap ni Jana sa mga bisita nang nakangiti. Isa rin sya sa mga pilit na ini-entertain ang bawat isa.

"Happy birthday to your daughter,mr.President",saad ng isang lalaking naka-pormal. Si
bise presidente Patrick.

"Thank you,vice".

"Alam ko kung nasaan sya,sigurado hinahanap ka rin niya. You can see your daughter too",ani nito.

Ngumiti ang presidente kahit na medyo nalulungkot.

"Surely. At kung nasaan man sya,sana maayos lang ang lagay niya",sagot niya.

     
  
                              *******

"Isang tanong,isang sagot.SINO ANG BABAING ITO?" tanong ni Gab sa lalaking nakagapos ang dalawang kamay at paa sa isang silya.

Pumutok na ang labi nito buhat sa ginawa niyang pagtama ng kanyang kamao sa pisngi nito.
Tumawa lamang ang lalaki. Hindi nito sineryoso ang kanyang tanong.

"At sino ka ba?Ha?l?!Walang kuwentang pulis na hindi sinusunod ang kanyang tungkulin? Sabi mo ililipat mo kami ng presinto,at anong klaseng paglipat ito? Ano bang kailangan mo ah?! Siraulo ka ba?"

Isang sapak ang tumama sa mukha nito. Sa gilid ay may isa pang nakagapos at nakatakip ang bibig. Si Ian.

Bumunot ng baril si Gab sa kanyang beywang pero bigla namang ipinadyak ni Ian ang kanyang dalawang paa kahit na nakatali pa ang mga ito.

Tinaggal ng isa pang pulis ang bimpong nakatakip sa bibig ni Ian.

"Ako!!Ako ang aamin sa inyo dahil ako ang nakakaalam ng lahat",protesta nito.

Sinamaan sya ng tingin ni Ramon pero wala na syang nagawa nang nilapitan si Ian ni Gab.

Tiningnan nito nang mabuti ang lalaki. Sya nga ang tinutukoy ni Zach.

Sinulyapan niya si Ramon na nakangisi at pilit na pumapalag sa pagkakagapos.

Inilapit ni Gab ang mukha sa lalaki at ibinulong "Kung gusto mo pang mabuhay,sabihin mo ang lahat ng nalalaman mo. Walang kasinungalingan at imbensiyon ng kuwento",bumuntong hininga sya.

"Mga siraulo kayo!" sigaw ni Ramon. Isa pang pulis ang sumuntok sa kanyang tiyan at napaubo na lang sya sa sakit.

"Mananahimik ka o papuputukin ko yang ulo mo?"

"Pwe..kung kaya mo",pang-iinis nito kahit na dumudugo na ang kanyang labi.

"At talagang sinusubukan mo ako--"akmang susuntukin na naman nito si Ramon pero pinigilan sya ni Gab.

Binalingan niya si Ian. Ipinakita niya ang kanyang hawak na larawan.

"Isang tanong,isang sagot. Sino ang babaing ito? Anong pangalan niya? Saan sya nanggaling? Totoo bang kunwari lang ang nangyaring hostage noon sa San Jose supermarket? Planado ninyo ba ang lahat?"

Napatingin si Ian kay Ramon na tikom ang bibig pero sa ngayon ay kababakasan ng  galit.

Tumingin muna sya sa pulis na nasa kanyang harapan at pilit syang pinapaamin.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Sino ang nag-utos sayo nito? Ano ang koneksyon niya sa babaing nasa larawan?" tanong ni Ian.

Gusto muna niyang malaman kung ano ang koneksyon ng taong nag-utos nito. Sigurado syang kaibigan o baka binayaran lang ang pulis na ito para paaminin sila.

"Bakit mo ibinabalik sa akin ang tanong ko?"

"Hindi mo gagawin ito kung walang nagbayad sa'yo,sa inyo?"

"Well,someone special. Dont need to know pero mukhang kilala mo sya. Now,answer me. Who is this girl?"turo niya sa larawang hawak niya.

Natigil ang kanilang usapan nang tumunog ang cellphone ng isa sa kasamahan ni Gab. Ito ay pag-aari ni Gab at pinahawakan lang niya.

"Inspector Gab,may tumatawag sa inyo",iniabot nito iyon sa kanya.

"OH? Zach?Yes? Oo.Malapit na. Konting bugbog na lang siguro at magagawa ko ng paaminin ang mga 'to".

"Okay. Fine. Bye".

"Ngayon,tell me who is this girl?"

Saglit na natahimik si Ian. Hindi niya alam kung sino ang Zach na iyon o hindi rin niya kilala pero isa ang sigurado niya. Ito ang nag-utos sa pulis na nasa harapan niya ngayon.

"Aamin ka ba o hindi?" muling tanong nito.

Nagdadalawang-isip na tiningnan niya si Ramon. Kitang-kita ang panlulumo ng mukha nito pero nakangisi pa rin nang nakakaloko.

"Pangalawang tanong. Sino ang babaing ito?"

Wala pa rin sana syang balak magsalita pero kagaya kanina,binunot nito ang baril sa kanyang beywang.

"S--sya s--si S..s..---Sheena",simula niya.
Blangko ang ekspresyon ng mukha ni Gab. Halatang hinihintay niyang dugtungan ang sinabi nito.

"Hawak namin sya sa loob ng 15 taon. Oo,ang pang-ho-hostage na naganap ay planado namin. Ng boss namin",tiningnan niya ulit si Ramon.

"Kasama iyon sa plano. Si Sheena ay---..."

"Ay?"

"Hindi Sheena ang totoo niyang pangalan. Iyon ay pangalan ng nanay niya. Boss Ramon,patawad ngunit matagal ko ng alam ang lihim ninyo. Patawad pagkat noon ko pa alam na.."

"Alam na?"tanong ni Gab.

"Nakaranas sya ng pang-aabuso sa kamay namin. Ng boss namin.S..--sya ay..---"

Tumahimik ang lahat.

Naghihintay ng sagot si Gab sa sunod nitong sasabihin.

"Sya ang matagal ng nawawalang anak ng president. S----S..Sya ang bunsong a----anak n---ni President Leonardo Eroa."

The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon