SPECIAL CHAPTER

675 15 8
                                    


dedicated for baekhyun_rai

Clarisse POV

Kasalukuyan akong nasa airport ngayon at hinihintay na dumating ang ama ng batang aking kasama ngayon. Tiningnan ko ang aking relo. Aba ang tagal na niya bakit di pa rin sya dumarating? Baka nambabae na yon.

Hinila ng paslit ang aking suot na palda habang palinga-linga ako at hinahanap sya ng aking mga mata.

"Mommy, why dad's not yet coming?"

Yumuko ako para magkasingtaas na lamang kami at ginulo ko ang buhok niya.

"He probably did something important. He's coming too, baby. Let's just wait", at muli akong tumayo para hagilapin ng mga mata ko ang baliw na yon.

Napatigil na lang ako sa paghahanap sa kanya nang makita ko syang naglalakad. Nakasukbit ang suit nito sa kanyang kanang kamay, nakasuot ng sunglasses, maayos ang kanyang ayos ng buhok at sigurado ako nilagyan na naman niya ng gel iyan.

Ang kaliwang kamay naman ang ginagamit niya para hilahin ang bitbit na maleta. Napakaangas ng kanyang dating na sinabayan pa ng paglitaw ng kanyang mga bodyguards sa kanyang likuran.
Nakabuntot lamang sila sa kanya at mayamaya pa ay inialis niya ang suot na sunglasses at iniabot sa isa sa kanyang guards.

Nakalimutan kong sabihin. Nakabili ng bagong kompanya si Zach sa Europe na naging dahilan ng paglilipat-lipat niya mula sa Pilipinas papunta roon. Isa na rin syang CEO sa ipinapatakbong negosyo ng kanyang dad dito sa Pilipinas.

At-mas lalong lumalago ang isa pa niyang pinagkakaabalahan at ito ay ang tungkol sa museum na pagmamay-ari pa rin ng pamilya ni Zach. Napakalayo na ng narating niya kung kaya't sikat na sya hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa iba pang bansa. I am so blessed to have an industrious and goal yet family-oriented husband like him.

11 years had passed and now we are standing strong together in the name of love.

"Mom, that's dad coming", eksayted na sasalubungin sana ni Seann ang kanyang daddy pero agad ko syang pinigilan nang makitang dudumugin si Zach ng mga reporters na kanina pa rin naghihintay sa kanya.

"But mom", pagmamaktol niya pero di ko sya pinansin at nanatiling nakahawak sa kanyang kamay.

Ngiti ang nakita kong iginawad ni Zach sa mga nag-uunahang reporters sa kanya ngunit hindi sya nagpaunlak ng interbyu nang makita kami.

"I'm sorry. Not this time please".

Pinoprotektahan naman sya ng kanyang mga guards mula sa mga ito at kahit mahirap ay nagawa niyang makalusot sa kanila. Syempre, mahigpit pa rin ang ginawa kong pagkapit sa kamay ng batang itong kasingkulit ng tatay niya.
Mahirap na at baka bigla na lang maghanap ng ibang mommy.

Seryoso ang mukha ko habang hinihintay na lumapit sya sa amin. Di Zach naman ay masayang nakangiti at ibinuka pa ang dalawang kamay nang makitang nagtatakbo palapit sa kanya ang anak namin. Hindi ko na napigilan e. Dumulas na lang ang kamay niya at yan na nga, nagyayakapan na sila.

Napangiti na rin ako nang makita kung gaano kasaya ang dalawang mag-ama ko. Pinipisil-pisil niya ang pisngi ni Seann at sabay silang nagtatawanan. Hindi ko muna sila inisturbo dahil gusto ko sila magkaroon ng oras sa isa't isa, yong sila muna. Nakita kong tumingin si Zach sa'kin. Alam ko ang ibig sabihin nito at dinamay pa nga si Seann.

May kung anong ibinulong siya sa kanya at saglit pa ay nagtatakbo na ito palapit sa'kin.

"Come with daddy, mommy", at wala na akong nagawa nang hilahin niya ang kamay ko palapit sa daddy niya.

The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon