Chapter 35

738 53 7
                                    


Hinawakan niya ang kurtina ng bintana at sinilip ang madilim na kalangitan. Ang mga nagniningning na bituin at ang maliwanag na bilog na buwan.Patuloy na nanunumbalik sa kanya ang sakit ng mga sinabi sa kanya ni Zach. Bakit hindi man lang ito nagtagal para mas makausap sya.

"Ate? Anong ginagawa mo dito? Di ba gabi na? Bakit ka pa nakasilip sa bintana?"

Napalingon sya sa batang si Fred. Lumapit din ito sa bintana at sinilip ang kalangitan.

"Ay! may stars! Ang ganda!"

Napangiti sya sa puna nito sa kalangitan. Hindi lang pala sya ang nagagandahan sa mga bituin.

"Ate? Kapag ba may nag-ampon sa'yo,iiwan mo na kami dito?",sunod na tanong nito.

Napaisip sya saglit. Sino naman kaya ang mag-aampon sa kanya sa lagay niya.

"Hindi. Ayoko. Pamilya ko na kayo. Ayoko nang umalis pa. Lagi na lang akong may naiiwan".

"Pero ate 'pag umalis ka dito,sana magkita ulit tayo ah?"

"Bakit naman ako aalis?"

"Wala lang ate. Sige,bye bye na. Tulog na ako",nagmamadaling tumakbo palabas ang bata sa kuwarto.

Muli syang tumingin sa langit. Parang may mangyayaring hindi maganda.




****

"Ano'ng balita sa anak ko?"

Inilapag ng lalaking naka-dyaket na kulay-blue ang isang maliit na litrato. Kinuha rin niya ang cellphone at naroroon ang iba pang mga litrato.

Tiningnan iyon nang maigi ng president. Ang lalaking nasa harap niya ngayon ay ang kanyang private investigator. Matagal na itong bumitaw sa kanyang trabaho at tungkuling hanapin ang anak ng presidente pero ngayon ay muli syang bumalik para balitaan si Leonardo tungkol sa pagkawala ng anak niya. May nakalap syang isang balita at hinala. Dahil matagal naman syang gumawa ng nakaatang sa kanya, ngayon ay muli syang bumabalik para tulungan si Leonardo.

"Hindi ninyo pa po ba nababalitaan ang balitang kumakalat ngayon,mr.President?"

"Anong balita?",kunot-noong tanong niya habang binabasa at binubusisi nang mabuti ang mga larawan.

"May nakausap akong isang publisher sa mga newspapers na involve sa paglabas sa tv,sa Hamelword Inc. Isa sya sa mga kaibigan ko. Kinuhanan ko na ng mga larawan ang nakuha ko. May nakapag-report daw na may isang dalagita ang sinasabing ang nawawala ninyong anak. Mahirap hanapin ang taong nag-report dahil he kept his identity private. Pero sa pagkakaalam ko,isa syang pulis. Mr.President,ano sa tingin ninyo ang dapat ninyong gawin? Ipahanap sya o balewalain lang ito?"

"Hindi ko ito dapat ipagsawalang-bahala. Kailangan kong malaman kung nasaan ang dalagitang 'yan. Hanapin mo sya at i-inform mo ako kapag may location na. I need to know if she's really my daughter",sagot ni Leonardo.

"At ang mga bodyguard ko ang uutusan ko para tulungan kang makuha sya. I will set a DNA test sa ospital kapag nakuha mo na sya. Understood?"

"Pero,mr.President,paano kung hindi pala sya ang anak ninyo?"

"It doesn't matter. Umaasa akong sya na "yun. All you need to do is to update me.Is it clear,Diego?"

"Yes,mr. President. Makakaasa kayo."

'Clarisse Leigh,sana ikaw na yan,anak'.




---------

"I can't forgive him. Ang lalaking yun."

"Grabe naman,Keith. Kinuwelyuhan ka lang,ganun agad?"

Sinimulan niyang paikot-ikutin ang spaghetti na nasa harapan niya. Nasa loob sila ng cafeteria sa campus at magkakasamang kumakain.

"He messed with a wrong person,mga bro. Kahit pa mas matanda sya sa'kin,'di ko mapapalampas ang ginawa niya,kung nag-sorry sya baka oo pa".

Napailing na lang ang mga kasama niya.

"Kamusta na pala yung ms.Angel mo sa ampunan?"

"Hindi pa ako nakakabisita eh. Too much busy. Nami-miss ko na nga sya".

"Ang tanong;miss ka ba?"

"LOL. Of course! Ako pa ba? Sa mukhang 'to? Hindi niya ako ma-mi-miss?",ani niya na tinuturo pa ang mukha niya.

"I'm so handsome and you know it,isn't?",dugtong pa nito.

"Haha. Oo na lang".

"Alam ninyo mga,'pre,realtalk to ha?",tanong pa ni Keith.

Sumeryoso naman ang mga mukha ng mga kaibigan niya.

"Anoooo?",sabay-sabay nilang tanong.

"I'm so handsome".

Tumahimik ang paligid at ang kasunod nito ay ang sunud-sunod na tango ng kanyang mga kaibigan.

"Ohhhh.. Okay",sabay-sabay nilang sagot. Umismid naman si Keith pagkarinig nito. Tsk.GGSS.




-----------

"Uyy!",napabalikwas sa pagkakaupo sa sofa si Pinky nang may mabasa sa kanyang cellphone.

Palibhasa ay feeling donya kapag hindi nanonood ang kanilang amo,kung anu-ano ang pinanggagawa.

Lumapit si Coleen sa kanya at nakataas ang kilay nitong tanong "Bakit?".

"Di ba si Kathryn 'to? Oh my God!"

"Patingin nga. May wtf wtf ka pang nalalaman ah?",hinablot ni Coleen ang cellphone sa kanya.

"Ha?!!!Seryoso? Eh mukhang baliw ang nagsabi niyan eh? Si Kathryn?Anak ng presidente?At bunso pa raw ah? Tsk. Mga baliw. Eh mas bagay pa yata akong maging anak ng presidente kaysa sa kanya eh. Mas maganda kaya ako",himutok ni Coleen.

Tinakpan ni Pinky ang bunganga ni Coleen at binulungan.

"Huwag ka ngang maingay. Baka dumating bigla si sir o si ma'am Lea,lagot talaga tayo".

"Lakompake 'no. Patingin nga ulit",tiningnan niya ulit ang cellphone.

"Nag-aadik lang siguro yung nag-report niyan. Hali ka na nga,magtrabaho na tayo",dugtong pa ni Coleen.

"Teka,naisip mo ba kapag totoo ito? Baka gantihan niya tayo?"

"Hindi nga kase totoo 'yan. Imposible kaya? Pwede pa siguro ako,pero sya?Pweee! Huwag na! Eh wala sa hitsura ng malanding Kathryn na yan na maging anak ng presidente",napalakas ang boses niya dahilan para may makarinig.

Pababa ito ng hagdan.

"Am I right of what I just heard? You called Kathryn as flirt?"

Natatakot na napalingon ang dalawang tsismosa. Hindi nila malaman kung ano ang isasagot.

"S---sir,h-hindi po. N--nagkamali lang s---siguro kayo ng narin---"

"Shut up! You called her flirt?!"

Nagulat ang dalawa. Nagkatinginan at hinihiling na sana ay lamunin na lang sila ng lupa pailalim.

Kitang-kita sa mga mata nito ang 'di maipaliwanag na galit. Ano bang masama sa sinabi nila at kung meron man,bakit sya ang affected?

The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon