Chapter 31

737 51 9
                                    


Mag-isang nakaupo sa isang dako ng restawrant habang hinihintay ang tawag ng kanyang kaibigan.

Ganyan ang sitwasyon niya nang mga oras na ito. Umaasa kahit alam na wala ng pag-asa.

Nasaan na kaya sya? Nami-miss kaya sya nito? Naaalala?

Naitigil niya ang pagtatanong sa sarili nang lumapit ang isang babae sa kanya at umupo ito sa harap niya.

"Nice to see you again,Zach",matamis na sabi nito.

Wala sa sariling iniangat niya ang mukha at tinapunan ito ng tingin. Si Natalia.

"You're alone? Can I join you?",tanong nito sa kanya pero seryoso ang mukha niya.Walang ngiti-ngiti.

Luminga sya sa paligid para hanapin ang asawa nito pero wala. Mag-isa lang si Natalia.

"Kailan ka pa bumalik?",tanong niya.
Bumuntong-hininga si Natalia,ipinatong ang dalawang siko sa mesa at nginitian ang binata.

"Two days na akong nandito. Hindi ko expected na magkikita agad tayo at dito pa?"

"Where is your husband?"

"Well,nagpaiwan sya sa France. He's too busy and I think he cant have time for me".

"Bakit mo sinasabi sa'kin yan? Di ba dapat sa kanya ka nagsasabi at hindi sa'kin?"

"It's arrange marriage,Zach. At wala akong magagawa kundi tanggapin. Im not happy with him",malungkot nitong paglalahad.

Nanatiling tahimik si Zach. Isang babae lang ang mahal niya dahil mula nang iniwan sya at ipagpalit ni Natalia sa iba,kinalimutan na rin niyang nakilala niya ito.

"Can we be still friends? Mas masaya ako noong mga araw na kasama kita. Kung natutupad lang sana ang bawat hiling,hihilingin kong maging tayo ulit".

Humagalpak sya ng tawa pagkarinig sa sinabi nito. Naalala niya ang lahat ng pagmamakaawang ginawa niya,ang mga oras na inaksaya niya para lang balikan sya ni Natalia,pero ngayon wala na.
Dahil iisang babae lang ang minamahal niya at mamahalin.

Tiningnan niya ito sa mata at mapait na tumawa.

"Serious guys still exist. Iilan na lang kami. At huwag na huwag mong idadahilan sa'kin na arrange marriage ang lahat ng naganap sa inyo. He can love you more the way I did. Before I forgot,I was thankful that you were part of my life. That's it Natalia",ani niya. Tumayo na sya mula sa pagkakaupo.

"Nagbago ka na nga. Totoo nga ang sabi nila,hindi na ikaw ang Zach na kilala ko".

"I didnt change,this is the real me na hindi mo kilala",pagkasabi nito ay tuluyan na syang umalis.

Naiwan naman si Natalia na mag-isa.

           
                   

              

                       --------

"Anong ginagawa mo?"

"Ah.Ito ba ate? Nagdodrowing ako. Gusto mong makita? Ito oh",iniabot ng batang nagngangalang Fred ang isang papel sa kanya. Dito ay nakaguhit ang isang pamilya. May nanay,tatay at isang batang lalaki.

"Ito sina nanay,tatay,at ito naman ako",isa-isa nitong tinuro ang mga taong iginuhit niya.

"May nanay at tatay ka?"

"Wala,ate. Wala akong nanay at tatay pero gusto ko magkaroon. May kuya ako. Alam mo kung sino?"namimilog ang mga mata nitong binanggit ang salitang 'kuya'.

Umiling-iling sya.

"Si kuya Keith. Lagi yung nandito. Lagi syang bumibisita sa'min para bigyan kami ng mga laruan, binabasahan pa niya kami ng mga kuwento. Hindi ko kase alam ang pangalan niya at nalaman ko lang noong kinausap ka niya. Sa kanya ko natutunan yung 'Ang guwapo ko talaga'",pagmamayabang ni Fred sa kanya.

Napangiti si Kathryn. Mukhang mabait din pala ang lalaking yun na may pagkabaliw lang.

"At alam mo ate,sobrang bait ni kuya. 'Kuya' ang tawag namin sa kanya dahil hindi niya sinasabi ang pangalan niya samin. Sabi pa niya noon,sya raw si 'kuyang guwapo' kaya ako ginagaya ko na rin sya",dugtong pa nito.

Napatangu-tango na lamang sya.GGSS pala ang isang yun.

"Isa pa ate,marunong maggitara si kuya at sabi pa niya,gusto raw niya ang paggigitara. Magaling din syang kumanta",madaldal na dugtong nito.

Bukambibig ng batang ito ang lalaking yun.

"Talaga?",tanong niya. Hindi sya makapaniwalang hinahangaan ni Fred ang binatang iyon.

"Oo ate. Alam mo bang tatlong beses sa isang linggo pumunta rito si kuya? Bigla na lang sya sumusulpot dito. At tinuruan din niya akong maglaro ng pikó. Marami syang alam na laro,ate. Alam mo ba,yung laro na i-so-shoot yung bola sa maliit na basket na nasa itaas nung poste?Sabi niya marunong din sya nun".

Napangiwi sya pero napangiti rin.

Napatigil sa pagkukuwento si Fred. Nakarinig sila ng halakhak  ng isang lalaki mula sa labas. At parang may mga kasabay itong tumatawa,mga bata.

"Si kuya yun! Yieey!!!"tuwang-tuwang lumabas sa kuwarto si Fred. Sinenyasan pa sya nitong sumunod na ginawa naman niya.

Pagkalabas ay nakita niyang naglalaro ng habulan ang mga bata kabilang na ang binatang si Keith. Nagpapaikot-ikot sila at nagtataya-tayaan.

"Wahahahahahaha",parang baliw itong tumatawa pero natigil din nang makita sya.

"Hi ms.Angel",kumaway pa ito.

Napatingin lang sya sa mga mata nito. Dahil hanggang leeg sya nito,nakatingala lang sya sa mukha nito.
He has gray eyes na ngayon lang sya nakakita ng ganoong klase ng mata, kulay-abo.

"Ano ba yan? Ang guwapo ko talaga at pati anghel na-fa-fall sa'kin",pinaypayan nito ang sarili na nagpainis sa kanya kaya naglakad na sya palayo.

"Sali ka sa'min. Let's play taya-tayaan",tatawa-tawa nitong tinuro ang mga batang masayang naghahabulan.

"You dont know taya-tayaan? How about habul-habulan?"pa-ingles pa nitong tanong sa kanya pero nanatili syang tahimik.

Maya-maya pa,kinalabit sya nito at biglang tumakbo palayo.

"Tayà ka na!", parang batang inilagay nito ang dalawang hinlalaki sa  gilid ng noo at ipinapagalaw ang iba pang daliri.

Sabay pang-iinis ng 'Taya ka na!ble!ble!'.

Nakita niyang nilalapitan sya ng mga bata para inisin dahil sya na raw ang taya at biglang tatakbo.

Napangiti sya nang sandaling yun dahil pinapatawa sya ng mga bata kaya tumakbo sya para habulin sila isa-isa.

Nakapagtago sa isang mahabang upuan si Keith pero nahabol sya ni Kathryn.

Napagtanto na lang niyang tawa na pala sya ng tawa lalo na si Keith.

Habang tumatakbo ay parang nakalimutan niya ang lahat ng kanyang napagdaanan at unti-unti itong napapalitan ng saya.

Masaya palang makasalamuha ng ibang tao lalo na yung mga taong sanay na yatang magpasaya ng iba.

"Ang bilis mo naman palang tumakbo",nagulat na lang sya nang may umakbay na isang kamay sa balikat niya.

Nang tingnan niya ay bigla nitong tinanggal sa pagkakaakbay ang kamay at ngumisi nang nakakaloko.

Lumapit na naman si Fred at nakipag-apir kay Keith.

"Bagay kayo kuya. Ayiee",ngingiti-ngiting kantyaw ni Fred.

Ginulo ni Keith ang buhok ni Fred.

"Alam mo,mana ka talaga sa'kin 'no?Marunong pumili",pabulong niyang sabi.

Napatingin silang pareho kay Kathryn na walang emosyon ang mukha.

"Angel".

"Kathryn. Kathryn ang pangalan ko,hindi Angel",ani niya.

Ngumisi naman si Keith pagkarinig ng sagot niya.
She's beautiful as an angel at dapat na pangalan niya ay Angel as in anghel.

The President's Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon