Chapter 1

55.5K 842 168
                                    

Nandito nanaman ako sa madilim na kwarto na 'to. Mag papasukan na sa susunod na linggo at hindi pa rin nag papadala si papa ng allowance ko. Baka hindi pa sya sumasahod. Wala na ring pagkain sa kusina.

"Nagugutom na ako" bulong ko sa sarili ko.

Araw-araw wala akong ibang ginawa kundi mag mukmok at umiyak sa kwarto. Palaging nasa isip ko kung paano namatay si mama. Noong gabing nag bago ang lahat. Yung aksidente, nakita ng dalawang mata ko kung paano sya na hihirapan, kung paano sya namatay.

Tumayo ako at nag lakad pa puntang kusina. Binuksan ko isa isa ang mga cabinet. Pero walang pagkain. Hay grabe. Ma babaliw na yata ako sa gutom. Umakyat uli ako pa puntang kwarto at saka na higa. Tinitingnan ang lumang kisame namin.

"Sana mag padala na si papa." Sabi ko sa sarili ko. At saka nag paka wala ng buntong hininga.

Wala manlang nangyaring maganda sakin ngayong araw.

Tumayo ako sa pagkaka higa at tsaka nag tungo sa banyo. Nakita ko ang sarili ko sa salamin. Ang buhok kong mala alon at kulay itim na hanggang bewang. Mga mata mata kong kulay brown ang mahahaba kong pilik mata ang ilong kong may katangusan. Maganda ako. Hindi ko yon maitatanggi hindi ko nga lang na aayusan sarili ko dahil kahit nga pang bili ng damit wala ako. May maayos pa naman akong damit yung iba binili ni mama dati nung buhay pa sya. Magaganda ang mga yon at mukhang mamahalin pero hindi ko pa naisusuot.

Naligo ako inaasahang maiibsan lahat ng nararamdaman ko pero hindi. Sa twing na aalala ko lahat bigla na lang akong na iiyak.

Lumabas ako sa banyo ng naka tuwalaya at saka nag tungo sa cabinet ko. Kumuha ako ng pajama at isang kulay puting t-shirt. Gabi na rin pero di pa ako kumakain ngayong araw iniinuman ko na lang ng tubig yung gutom ko at least kahit papaano nawawala gutom ko.

Na higa ako sa kama at tiningnan ang kisame, I felt my stomach tightened in hunger. I tutulog ko na lang to. Baka bukas mag text si papa at sabihing nag padala na sya.

Na survive ko ngayong araw ng hindi kumakain, ang galing ko tlga baka sa susunod na pag tulog ko hindi na ako sikatan ng araw dahil laging walang laman ang tiyan ko bago matulog. O kaya baka naman bigla na lang akong mag collapse dahil sa sobrang gutom.

Na mimiss ko na si papa. Almost 6 months na nung huli kaming nag kita. Palaging text at tawag lang kaming dalawa. Sya palagi ang tumatawag dahil nag titipid nga ako sa pera.

Palaging nasa isip ko ay si mama o kaya si papa. Kamusta na kaya si papa? Nakaka kain kaya sya ng maayos? Mabuti kaya ang kalusugan nya? Hindi ko pa alam kung kailan ulit kami mag kikita ni papa o kung kailan sya uuwi, matanda na rin si papa at kailangan nya rin ng pahinga. Kung kaya ko lang sana na buhayin sya mag isa gagawin ko. Pero bata pa ako hindi pa nga ako nakaka tapos ng high school. Sana hindi na lang namatay si mama. Edi sana buo kami ngayon at masaya. Hindi kailangan mag trabaho ni papa sa malayo para lang mabuhay ako.

Naramdaman kong bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Kasabay ng pag pikit ng mga mata ko ay ang pag agos ng luha galing sa mga mata ko na kanina ko pa pala pinipigilan.

Miss Catherine (GirlxGirl) (TeacherxStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon