Four

23.6K 588 53
                                    

Humagalapak ako sa tawa na para bang siya ang may natatanging may alam ng pinakanakakatawang joke sa mundo at sa outerspace. He gave me an addled look, clearly unsure what made me laugh so hard in his face.

Tears started to form on the corner of my eyes before I managed to stop and calm myself. I know he's a man of thousand things but I never thought he would be this imaginative.

"May saltik ka bang lalake ka? Sa dinami-dami ng pupwede mong itanong sa'kin, 'yan pa talaga ang naisipan mo?" Sambit ko sabay pameywang, umuubo-ubo pa dahil sa mga pahabol na tawa.

"Why? For all I know, I have all the right for an answer." He replied with all seriousness, with his brows tightly knitted together forming a 'V' on his forehead. I just want to smack the arrogance out of his stupid face.

Jusko ano! Sa kina-damuho niya sa tingin niya magpapabuntis ako sa kanya? Na siya ang tatay ng anak ko? Umasa siya hanggang sa maging puti lahat ng buhok niya!

"Hoy, lalake ka makinig ka sa'kin. Nag-aral ka ba ng math? Seven years old pa lang ang anak ko, at 'yong nangyari sa atin, nine years ago pa. Ano 'yon? Dalawang taon ako nagbuntis? Ano ako elepante? May pagka-shunga ka rin, eno?"

He furrowed his eyebrows more, clearly thinking what to say next. "I didn't know he was only seven." He whispered. His tone deescalated from arrogance to unsassertive in a matter of two seconds, which is utterly disturbing.

"Well, ngayon alam mo na. Goodbye!" Mabilis kong sagot bago ko siya nilagpas at tumuloy sa dapat kong tatahakin na daan.

Hindi pa ako nakakalayo nang nakarinig ako ng malakas na tawag ng pangalan ko. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na magpatuloy lang ako sa paglalakad at 'wag nang lumingon, pero syempre, minsan para lang din tayong bata. Kung alin ang hindi dapat, 'yon ang ginagawa.

"Ano?!" I hissed at him.

He stopped right in front of me. "I want to meet the kid." He demanded.

And that right there turned my monster mama mode on. Pumeywang ako sa harapan niya saka siya tinaasan ng kilay. "Anong karapatan mo? Hindi mo siya anak, hindi kayo magkaano-ano. Kaya pwede ba, kung ano mang kahibangan 'yang tumatakbo sa isip mo, 'wag mo akong idamay at lalong-lalo na ang anak ko." Halos hingalin ako sa sinabi ko pero kahit maputol dila ko, hinding-hindi ko hahayaan na may gumambala sa tahimik na buhay ni Clyde, kaluluwa ko man ang kapalit.

But he looked really determined. "I can get a court order for this."

"Wow, nanakot? Oh, tapos? Isampal ko pa sa'yo birth certificate ng anak ko eh." Saka ko siya tinalikuran, pero hindi nagpatinag sinundan pa rin ako kaya napatigil ako muli sa paglalakad at hinarap siya. "Utangaloob lang Gio, ha. Kapag may nakakita sa atin na galing sa trabaho at napag-chismisan ako, ibabaon kita ng buhay kasama."

"DNA Test. I want a DNA Test done." He again tried.

Ladies & gentlemen, I have lost the remaining patience I have for this man.

Kinunutan ko siya ng noo, wala akong pake kung magka-muscles man ang mga kilay ko. Saka ko siya dinuro sa dibdib, "Ano bang trip mong tao ka, ha? Nag-condom ka, 'diba? Teka, ano nga bang brand n'on? Ah! Frenzy na color orange na binili mo sa malapit na 7/11 sa apartment mo noon. So, ano naman next na sasabihin mo? Baka faulty 'yong ginamit natin? Ulol ka! 'Diba chineck mo pa kung may butas 'yon bago mo sinuot? Kaya, 'wag ako Giovanni, ha. At lalong-lalo na, 'wag ang anak ko!" Bigkas ko ng buong diin sabay layas sa harapan niya.

Mabilis naman akong nakasakay ng jeep, hindi niya na rin ako nasundan. Mukhang natauhan ata ang gago sa mga sinabi ko. Napapamura talaga ako ng hayop na 'yon eh. Kapag nadulas talaga ang dila ko sa harap ng anak ko, ipapalamon ko sa kanya mga gamit na bimpo ni Clyde, bwisit siya.

Nakaupo sa swing si Taba nang naabutan ko siya sa school. Wala na siyang kasamang bata sa playground, bigla akong na-guilty. Bakit ko pa kasi pinagaksiyahan ng panahon ang lalakeng 'yon.

"Taba, nandito na si mama." Tawag ko sa kanya.

His chubby face lit with excitement before he ran to me in full speed, knocking me three steps backward with the impact.

"Naynay!" His voice was full of joy, and I'll be damned if that didn't dissolve all the pent up anger I have for the infuriating man I left outside my office building.

Lumuhod ako sa harap niya sabay hawi sa buhok at punas sa butil ng pawis na naipon sa hairline niya, "Pasensya na baby ha, may tinapos lang kasi si naynay sa office."

But he didn't even show any sign of disappointment, instead I was rewarded by a full, heart melting grin. What did I do to deserve this boy?

"Okay lang naynay! 'Diba po sabi niyo mag-wo-work po kayo ng mabuti para may hatid-sundo na rin po ako tulad ng mga classmates ko."

I gulped before nodding my head. I've been working real hard for him. God knows I'm doing the best that I can. But of course, every parent knows that we can't give anything to our children.

Matagal ko ng gustong mag-hire ng yaya para hindi laging ganito ang set-up namin, para pupwede ko na rin siyang ipasabay sa school bus. Naalala ko non, kung kani-kanino ko siya pinapa-ampon kapag may night shift ako. Buti na lang, mabait at considerate si Miss Lilly at 'yong TL ko kaya pinagbigyan nila ako sa request kong 'wag mabigyan ng night shift.

"Oo naman! Lahat gagawin ni naynay para sa nag-iisa niyang baby." Mahinang tugon ko bago ko siya inakap ng mahigpit na siya namang ibinalik niya.

Mabilis namang nakatulog si Clyde kinagabihan pagkatapos naming gawin ang assignments niya. Maswerte nga lang talaga ako dahil matalino ang ibinigay na anak sa akin ng Diyos.

Inaayos ko ang laman ng backpack niya ng bigla kong napuno ang nakatiklop na bond paper na nakaipit sa isa sa mga notebooks niya. It has his wriggly penmanship outside with the label, "My Christmas Wish" using a red crayon.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan habang hawak ko ang kapirasong papel. Hindi ko rin alam kung bakit siguradong-sigurado ako na ang nakasulat sa loob non ay kabilang sa mga bagay-bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya.

Nilingon ko ang nakasarang pinto ng kwarto namin, matagal na nag-iisip kung dapat ko bang basahin ang nilalaman ng papel na hawak ko.

I closed my eyes for a brief moment before unfolding it slowly. What I first saw was his attempt on drawing a person. 'Yong dalawang matatangkad na stickman pinag-gitnaan ang isang mas maliit na stickman. May bahay at isang puno sa background saka isang sasakyan. Bumaba ang tingin ko at nabasa ang label ng bawat stickman na 'yon.

"Shit." Mahina kong mura.

'Naynay', 'Clyde', 'Taytay'

Napapikit ako ng bahagya, "Timing talaga, shit talaga." Bulong kong muli. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na basahin ang sumusunod na salita sa pinakababang parte ng bond paper na 'yon.

"Sana po sa Christmas may taytay na po ako. Nag-pre-pray po ako lagi kay Jesus na kapag pinuntahan na kami ni Santa Claus, ay taytay na lang ang ibigay niya sa akin. Pati na rin po bahay para kay naynay at 'yong laruan po na kotse sa toys r us para sa akin ulit. - Clyde."

Gusto kong i-crample 'yong papel at sugurin ang Art Teacher ni Clyde. Anong rason? Wala akong maisip na legal na rason. Basta gusto kong isisi sa kanya kahit wala naman talaga siyang kinalaman dito.

Pero sa gitna ng hindi ko maipaliwanag na inis sa teacher ni Clyde at 'yong na takot na baka lumalaki na siya at unti-unti niyang naiisip na hindi na ako sapat para sa kanya, na magsisimula na siyang magtanong kung sino at nasaan ang tatay niya.

Stonehearts 6: AlexandriteWhere stories live. Discover now