Nine

17.8K 457 12
                                    

Akala ko hihimatayin ako sa tanong ni Clyde. Tatay? Jusko, Tatay raw! Tuition nga niya sa susunod na taon problema ko na, gusto niya pa bang idagdag ko sa listahan ng mga problema ang paghahanap ko ng Tatay niya.

Napahawak ako sa sentido ko at napahilot doon ng pasimple. Paano ko ba sasabihin na hindi ganoon kadali maghanap ng tatay niya?

Lumuhod ako sa harap ng anak ko saka hinawi ang buhok niya sa gilid, "Taba, hindi kasi ganoon kadali 'yon." I said, voicing out what's on my mind.

He pouted his full lips at me, "Bakit po?"

I want to secretly punch myself for always telling him that it isn't wrong to ask questions.

"Eh kasi, anak. Eh, ano. Basta hindi siya pupwede." Tuloy-tuloy ko na sambit.

"Bakit po hindi siya pwede?" Muling tanong ni Clyde sa akin. Gusto kong mag-face palm. Kasi bwisit siya sa buhay ko? Kasi baka may asawa na siya? Or girfriend? Or worse baka pamilyado na siya?

Marami pa akong naisip na sagot pero ni isa roon hindi ko pwedeng sabihin sa anak ko.

Maya maya, naaninag ko si Gio na lumapit saka siya nag-squat sa tabi ni Clyde. Ipinatong niya ang kaliwang kamay niya sa kaliwang balikat ng anak ko.

"Oo nga naman, Naynay Lex. Bakit hindi ako pwede?" He said in a taunting tone.

He has that trickster sparkle in his eyes while he was grinning at me from ear to ear. It took me all the strength I have not to roll my eyes at him. God, I want to wipe that pretty, panty-melting smile off of his face!

"Gusto mo bang mag-Jollibee, Taba?" Pagbabago ko sa usapan. Mukhang effective naman dahil nasilayan ko na ang ngiti ni Clyde sa tuwing nababanggit ko ang salitang 'Jollibee' at 'fried chicken'

Madali siyang tumango pero agad namang nabalot ng pagtataka ang munti niyang mukha, "Pero wala po akong nagawang very good ngayon sa school, Naynay."

I smiled at him before planting a kiss on his forehead. Lagi ko kasing sinasabi sa kanya na ang Jollibee ay para lang sa mga pagkakataon na nagiging very good siya sa teacher niya.

"That's okay, anak ko. Exempted ang ngayon." Sagot ko sa kanya.

"Yehey!" Sigaw naman niya sabay talon. Akala ko nga nakalimutan na niya na katabi niya pa si Gio pero nabigo ang plano ko nang bigla niyang lingunin ang bwisit na 'yon.

"Taytay, mag-Jo-Jollibee raw tayo ngayon!" Tuwang-tuwang anunsyo niya.

Gusto ko sanang kontrahin ang sinabi niya pero nang nakita ko ang tuwa na gumuhit hindi lang sa bibig kundi pati sa mata ng anak ko, parang hindi ko ata kayang durugin ang kasiyahan niya.

"Oo nga, eh." Gio immediately supplied, matching the smile Clyde had plastered on his cute face.

Gio stood straight and offered me his hand, since I am still kneeling on the concrete. "Tara na, Naynay? Saan ba ang pinakamalapit na Jollibee rito?"

Hindi ko kinuha ang kamay niya, basta na lang ako tumayo at sumagot. "Tatlong kanto mula rito." I dryly replied.

"Jollibee! Jollibee!" I heard Clyde chanting in joy. Gio took a good look from him before offering his hand to my little boy.

"Halika na, hindi malayo ang sasakyan ko rito." Sambit ni Gio. Nanlaki naman ang mata ng anak ko sa tuwa.

"May sasakyan ka po?" Manghang-mangha na tanong niya na sinagot naman agad ni Gio ng tango. "Naynay! May sasakyan daw si Taytay, oh!" Tugon niya sa akin na para bang hindi ko narinig ang sinabi ng damuho na may hawak ng kamay niya.

Stonehearts 6: AlexandriteWhere stories live. Discover now