Eleven

17.8K 477 16
                                    

I was quiet throughout our drive back to our apartment. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong ako ni Gio sa direksyon. Nakaupo lang ako at nag-iisip kung ano nga ba ang mga tamang salita para hindi ko masaktan ang dadamin ng anak ko.

Jusko! Life is sure playing a goddamn trick on me! Bakit ba habang pinagtutulakan ko papalayo si Gio ay parang mas lalo akong napapalapit sa kaniya? Kaming dalawa ng anak ko sa kanya?

"Babayaran ko na lang 'yong car seat sa bahay." Mahinang sambit ko.

Napalingon ng sandali sa akin si Gio saka umiling. "Huwag na, Mommy. That's on me."

Naramdaman ko ang biglang pagmula ng pisngi ko kasabay ng biglang kabog ng puso ko. I crossed my arms over my chest and projected the meanest look I have.

"Will you quit calling me that!" I hissed under my breath.

His low chuckle filled the car, "Okay. Mas gusto mo ba misis na lang tawag ko sa'yo?" He rather said.

Mas lalo akong nanghina sa sinabi niya. I knew he saw my reaction because the low chuckle became a booming one and it filled his car.

"Ano pong pinagtatawanan niyo, Taytay?" My curious little one asked at the back.

Nilingon ko siya at inunahang sumagot si Gio. Baka kung ano pa ang sabihin niya sa anak ko. "Wala naman, anak. Minsan tumatawa lang talaga mag-isa si Gio."

"Taytay Gio, Naynay. 'Wag mo pong kakalimutan." He reminded me with a smile. Gusto kong mag-face palm.

Naloko na. Hindi na niya talaga makakalimutan ang sinabi sa kanya ni Gio kaninang nasa Jollibee kami.

Ilang dasal pa muna ang naibulong ko sa hangin bago namin natunton ang apartment complex kung saan kami nakatira ni Clyde. Napansin ko ang paglingon ni Gio sa paligid bago siya sumunod sa amin ng anak ko papasok.

"Sa second floor kami." Banggit ko.

Kung ano man ang iniisip niya ay halatang na-badtrip siya dahil nawala ang ngiti niya sa mukha. And you know him, he's a man with a permanent smile stuck on his face.

I keyed in and unlock my door and the two of them followed me inside.

Agad namang hinatak ni Clyde si Gio papunta sa maliit naming sala. Ibinaba niya ang bag niya saka binuksan iyon.

"Taytay, papakita ko 'yong mga perfect scores ko sayo." Pagmamayabang nito.

Umupo naman sa sahig si Gio saka pinaupo si Clyde sa hita niya. Busy naman ang anak ko na magkalkal sa bag niya saka niya inilabas ang isa sa mga workbooks niya.

My heart swelled and ached at what I'm seeing. It's the most bittersweet thing I could ever witness. Parang gusto ko silang samahan sa pwesto nila pero pinapaalala ko sa sarili ko na kung ano man ang nangyayari ngayon ay hindi permanente.

Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang pakay ni Gio. After all this years, bakit ngayon lang?

Iniwanan ko sila saka ko binalikan ang labada ko na iniwan ko kanina. Saka isa-isang bumalik sa akin ang alaala na nang gabing iyon, siyam na taon na ang nakalipas.

"Alam mo dapat nag-e-enjoy ka rin, Lex! Hindi puro school at trabaho lang." Tugon ni Mitch, classmate ko sa isang subject. Tumigil ako sa pagpunas ng table niya at napatitig.

"Eh kasi naman, ako may inaalalang tuition sa susunod na sem. Ikaw, may magulang kaya 'di mo kailangan mag-aalala." I said with an eye roll. Why rich kids like her attending a State College is somehow a puzzle to me.

Stonehearts 6: AlexandriteWhere stories live. Discover now