Seventeen

16.8K 431 21
                                    

"Gio, 'wag na lang tayong tumuloy." nangingnig na sambit ko sabay hawak sa braso niya.

Hindi pa kami gaanong nakakalayo sa apartment kaya hindi pa naman huli ang lahat. Huminto siya para sa red light saka niya ako nilingon. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likuran nito.

"Wifey, si mom and dad lang 'yon. Wala kang dapat ikatakot."

He doesn't realize that that is the reason why I am afraid. Why did he decide that we should me meeting his parents?

"B-bakit kasi agad-agad? Wala pa nga tayong nauumpisahan."

He shook his head with a smile on his lips before he hit the gas, "Wifey, in love there's no standard route. We can take any road we want. And besides, marami na tayong taon na nasayang. At ayoko nang madagdagan pa 'yon."

What he said turned me mute. Love? Did I hear it right? Mukha namang seryoso siya sa mga sinasabi niya. Napalingon ako kay Clyde sa likuran. Busy siyang maglaro ng mga hot wheels niya at halatang wala siyang pakialam sa pinag-uusapan namin.

I stared at my son's face for awhile. He's never been this happy when it's only the two of us. I know he's contented with only me and my friends being is family. Pero ngayong may Taytay Gio na siyang tinatawag, iba ang galak niya.

I envy how carefree he is on accepting our situation. Sana mahawa naman ako sa anak ko.

Umupo ulit ako ng maayos at tumitig diretso sa daan, "Okay. We're doing this." bulong ko.

Muling inabot ni Gio ang kamay ko habang hindi inaalis ang mata sa daan. He pressed a kiss at the back of my hand, "Indeed we are, wifey."

I let myself relax while he keeps his hand on mine. Binibitawan niya lang 'yon kapag kailangan niyang kumambyo pero agad namang niyang hinahawak ang kamay ko pabalik.

Pakiramdam kong malapit na kami nang lumiko siya papasok sa isang eklusibong subdibisyon. Tumaas nanaman ako kaba ko na halos nararamdaman ko na ang pintig ng puso ko sa lalamunan ko.

"A-alam ba nilang may anak ako, Gio?"

Tango lang ang sinagot niya. Hindi ko maiwasang pansinin ang hindi niya mapigilang ngisi.

"I'm so excited that you're meeting them!" he gushed out before making a slow turn to the right.

Bumungad sa amin ang pinakamalaking bahay sa lahat ng nadaanan namin. Nasa pinakadulo ito at mukhang pang-apat na malalaking bahay ang loteng kinatatayuan nito.

"Gio, parang ayaw ko na ata ulit." tawag ko sa kanya ng pumitada siya bago pinatay ang makina ng sasakyan niya.

Natatawa niya akong hinarap. Inipit niya ang buhok ko sa tenga ko saka kinurot ang ilong ko, "You don't have to be afraid, okay? I got you." he reassured me before turning to Clyde at the backseat.

"We're here, Taba!"

"Nasaan po tayo, Taytay?"

"Sa bahay ng Lala at Abuelo mo. You're meeting them today." he said with a grin matching my son's.

As if on cue, the double doors of their mansion opened and a gorgeous woman stepped out. Mukhang may tinawag muna siya mula sa loob ng bahay nila saka siya naglakad papunta sa pinag-parkan namin.

Wala ng ibang sinabi ni Gio. He unhooked his seatbelt and immediately went down. Inuna niya akong inalalayan bumaba sa sasakyan niya saka niya kinuha at binuhat ang anak ko.

The lady stopped a few meters from where we are. Ako naman napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang tumingin sa mukha ng mommy ni Gio.

Gio placed his hand on the small of my back before he ushered me closer to his mom. I slowly raised my stare and I was shocked to see his mom beaming at me.

Stonehearts 6: AlexandriteWhere stories live. Discover now