Ten

17.4K 449 4
                                    

"Maghanap na kayo ng upuan, ako na ang o-order." Utos ni Gio pagkapasok namin sa Jollibee.

Buti na lang hindi pa matao gawa ng hindi pa naman lunch time. Nakahanap kami ng four-seater table na 'di kalayuan sa counter.

"Ano sa iyo, Taba?" May matamis na ngiti si Gio nang tinanong niya si Clyde. I have to look away because for some reason, it's unbearable for me to look at how he looks at my son.

"Two-piece chicken tapos isang ala-carte na spaghetti sa kanya." Sagot ko para kay Clyde na busy luminga-linga sa paligid sa sobrang tuwa at excitement.

"Okay. Eh sa'yo?"

Umiling ako. "Hindi ako gutom." Maikiling sagot ko. Sumimangot naman agad si Gio dahil sa sinabi ko.

"C'mon, Naynay. Don't be such a party pooper. First eat out natin 'to as a family." Panloloko niya.

The crazy part of all this is that somehow I wish what he said is true. That we really are a family. That he really wants me and Gio to be his. But I know this man, one night is enough for me to judge him.

I looked at him with my brows pulled together. "Hindi tayo pamilya." I said through clenched teeth before peeping at Clyde, making sure he didn't hear what I just said.

Hindi man lang naapektuhan si Gio sa sinabi ko. Inakbayan niya pa nga si Clyde saka nagtanong habang ang titig niya hindi inaalis sa akin. "Taba, ano mo nga ako?"

"Taytay ko po!" Clyde said with a beaming smile.

Gio grinned at me in truimph before planting a kiss on top of my son's head. "Lagi mong ipapaalala kay Naynay 'yan. Kasi minsan parang nalilimutan niya."

"Okay po." Walang anu-ano naman na sagot ni Clyde. Saka siya nagpaalam na mag-o-order muna ng makakain.

Gusto kong sakalin si Gio, sipain, sapakin. Basta gusto ko siyang saktan. Pero sa tuwing tinititigan ko si Clyde, parang nabibiyak ang puso kong isipin na ito 'yong isa sa mga bagay na hindi ko maibibigay sa kanya. For him to have a Father figure in his life.

I balled my fists on my lap while I give my son a tight smile as he blabbered about how great this day is. I want to cry. Parang ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala naibibigay lahat sa anak ko.

Ilang minuto lang ay bumalik na si Gio bitbit ang isang tray habang may sumusunod sa kanya na crew. Gio being Gio, he went over the top and even bought Clyde a toy from the Kiddie Meal.

"Wow! Thank you, Taytay!" Clyde exclaimed with sheer joy as he examined the toy in his hands.

"Anak, food first 'diba?" Paalala ko sa kanya. Ibinaba niya naman agad ang laruan sa tabi ng plato niya saka inabot ang kutsara at kubyertos.

Nagulat ako ng inabutan ako ni Gio ng Spaghetti at Yum burger. Hindi naman na ako nakatanggi dahil katapat ko ang anak, for sure kapag umayaw ako gagayahin niyo 'yon in the near future kapag ayaw niyang kumain.

Gio did all the assistive work when we're eating. Hindi naman sa hinahayaan ko siya ngunit dahil puro siya ang tinatawag ni Clyde para sa lahat.

"Taytay patanggal 'yong buto."

"Taytay pahimay 'yong karne."

"Taytay mainit pa 'yong kanin."

Halos marindi na nga ako kaka-Taytay ng anak ko.

Natapos ang late breakfast/early lunch namin na puro sila lang ang nag-uusap. Walang ibang tinanong si Clyde sa kanya kundi puro tungkol sa 'twenty at seven' cars ni Gio sa kanila.

"Open na siguro ang mall. Tara?" Yaya sa amin ni Gio. Sumunod naman ng tayo si Clyde sa kanya saka humawak sa kamay niya.

I paused and just gaped at them. Naalala ko kasi bigla ang artwork ni Clyde nang nakaraan. I quickly shake my head to clear my thoughts before I nodded my head, clearly not in the right state of mind.

A few turns and traffic lights after, we found ourselves parking at the mall's car park. Tahimik lang ako sumusunod sa dalawa habang naglalakad kami papasok ng mall.

Nakalimutan ko na kung bakit kami nagpunta dito. Gusto kong magtanong pero ayaw kong istorbohin si Clyde na kanina pa dumadaldal sa kanya. Akala ko nga maiirita na si Gio sa kanya, but from the look on his face I think he doesn't mind at all. Mukha ngang na-e-enjoy niya pa ang mga kwento ng anak ko.

Pumasok kami sa isang store at agad naman siyang nagtawag ng saleslady.

"Yes, Sir?" The lady asked, fluttering her lashes at him. Hindi ko napigilang umirap sa kawalan. Landi ng impaktang 'to!

Napailing na lang ako at nagbusy-busyhan na tumitingin sa mga produkto roon.

"We're looking for a car seat for my son." Gio's baritone voice filled the room. Napalingon ako sa kanya, sa kanila. My heart suddenly started to thump hard against my chest. Did he just say 'my son'? O nabingi lang ako?

"Marami kami rito, Sir! Sa tamang lugar ka nagpunta." Sabay ngiti ng maharot nitong babaeng higad na 'to. Gusto ko tuloy siyang batuhin nitong boteng hawak ko.

Hindi ko ba alam kung bakit ako naiinis na ewan.

"Sir, ito 'yong bago namin ngayon dito sa Graco. Since, medyo malaki na po si baby boy, set-up na lang po natin siya agad as booster seat. So mayroon po siyang 6-position recline at 10-position headrest para komportable si baby boy. May two cup holders din na po siyang kasama para hindi problema sa kanya kung saan ilalagay ang pagkain niya habang nasa biyahe. Washable rin po ang seat covers kaya wala rin po kayong magiging problema kapag nadumihan kung sakali."

Nasa kabilang dulo ako ng store pero rinig na rinig ko ang pagbebenta sa kanya ng babae. Panay pa nga ang ngiti nito at pa-cute na hindi naman napapansin ni Gio dahil busy siyang makinig sa demo na ginagawa niya.

"Kunin niyo na, Sir." Muling udyok ng babae.

"Teka, tatanungin ko lang ang misis ko." Tugon ni Gio saka lumingon sa akin. "Mommy, tignan mo 'tong carseat. Okay ba ito para kay Taba? What do you think?"

I mirrored the expression the saleslady has on her face. Okay, hindi na ako nagdududa na tinawag niya ngang 'my son' si Clyde kanina. But did he just call me 'misis' and 'mommy'?

"Um..." Then I cleared my throat.

At first, I want to call him out on why did he just call me that. But the irrational part of me won and decided to just go with the flow. So that I can rub to the saleslady's face that Gio's off limits. Though, he isn't mine. Though, I have no right. I just want to savour this once in a million moment.

"I-try mo muna kay Clyde. If he's comfortable, then we take it." I finally form some words out.

A smile crept from Gio's lips before he turned to the saleslady. Nawala ang ngiting iyon at bumalik ang blangko ekspresyon ng mukha niya.

"Susubukan muna namin."

Wala namang anu-anong tumango ang babae saka tinulungan si Clyde umupo sa car seat. Lumapit ako para siguraduhing hindi madidisgrasya ang anak ko habang pinapakita sa amin ng babae kung ano ang mga dapat kalikutin at ano ang hindi.

Ilang sandali pa lang ay nagdesisyon na si Gio na bilhin ito.

"Taba, kay Naynay ka muna. Magbabayad lang ako." Paalam sa amin ni Gio saka sinundan ang babae sa counter.

Clyde can't hide his happiness while we wait for Gio to finish. Paulit-ulit niyang sinasabi na excited na siyang gamitin ang upuan na binibili ng 'Taytay Gio' niya, wala naman akong ibang nagawa kundi tumango at sabihing 'oo nga, anak eh.'

Jusko, paano ko ba sasabihin kay Clyde pagkauwi na hindi pupwedeng si Gio ang Taytay niya. I don't want to burst the happy bubble he's in. Hindi kakayanin ng puso ko.

Stonehearts 6: AlexandriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon