Six

19.5K 507 28
                                    

           

"Mommy Lex, narinig mo na ba ang balita?" Tugon ni Deej sabay dungaw sa ibabaw ng cubicle ko. Kasalukuyan siyang nagkakape habang sabay-sabay kaming naghihintay ng dating ni Miss Lilly.

Napairap ako ng pabiro bago ko siya sinagot, "Wala ka naman talagang respetong batang ka! Chismis ba muna bago ang pag-alok mo sakin ng kape?"

Napatawa siya ng bahagya sabay abot ng isa pang tasa ng kape na alam kong sabay niyang tinimpla. Humigop ang ng kaunti ng biglang sumulpot si Cyn sa tabi ko.

"Sa tingin mo ba Mommy Lex may katotohanan iyong chismax ni Rona?" Her voice brimming of curiosity.

"Bakit naman si Mommy Lex ang tinatanong mo niyan, Cyn?" Cath asked after she rolled her eyes at Cynthia. Jusko! Eto nanaman tayo sa dalawang 'to, ke-aga-aga.

"Duh? Mother's intuition?" Cyn, replied matter-o-factly.

"Hay nako, nag-away nanaman ang mga panget." Basag ni Aldrin sa nag-iinit na usapan ng dalawa.

Napatawa na lang ako sa kasalukuyang nangyayari. Hindi na nila naalala kung ano ba talaga ang topic namin kanina dahil nagtatalo na silang apat kung sino ba ang maganda at kung sino ba ang hindi. Tahimik ko silang pinakikinggan dahil ayaw ko na ring maisip na kung totoo man ang chismis ang kinalat ni Rona via text ay sana, hindi impluwensya ni Gio ang may kagagawan noon.

Maya maya na, ay nakarinig na kami ng hampas ng heels sa sahig pati ang tunog ng nagsasalpukang susi. Lahat ay napatingin sa pinto bago nagsibalikan sa kani-kanilang mga mesa.

"Good, morning, Ladies & Gents!" Masiyang bati ni Miss Lilly sa aming lahat. Alas-otso pasado pa lang ng umaga ngunit mukhang mas maagang nagsimula ang umaga niya.

Bumuntot sa kaniya si Sir Ferris, at of course.....Si Gio.

"We have a very important announcement to tell you guys." Panimula ni Miss Lilly sabay sulyap sa mga kasamahan niyang dumating sa floor namin.

Nagsimula ang mahihinang bulungan na parang bubuyog habang binibitin pa kami ni Miss Lilly sa anunsyo. Nagkatinginan pa kami ni Cyn. Ngumiti siya sabay bulong ng "totoo nga" sa akin. Napailing na lang ako bago ko ibinalik ang atensyon ko kay Miss Lilly.

Hindi ko alam kung paano pero nahawi bigla ang titig ko sa matipunong lalake sa tabi niya. Nakabulsa ang magkabilang kamay niya sa itim niyang slux habang nakangisi at nakatitig sa akin ng diretso. Para bang nagsasabi na may ginawa nanaman siyang hindi ko nagustuhan.

Lahat naman ng ginawa niya hindi ko nagustuhan. Tugon ko sa sarili ko.

Lahat nga ba? Eh paano 'yong isang gabing pinagsaluha niyo sa kama? Hindi mo ba nagustuhan? Tugon naman ng kabilang parte ng isip ko.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil may parte pa pala na nakakapag-isip ng ganoon patungkol kay Gio. Jusko! Eto ata ang epekto ng matagal ng hindi nakakatikim ng biyaya ng Diyos!

"Actually, we've been brewing this project for months. Ngayon lang namin naisagawa bilang busy rin noon ang isa sa major funder ng project na ito." Miss Lilly continued. "This is an exciting move for us kasi alam ko halos lahat sa inyo ay capable of doing more. Thanks for the help of Sir Ferris and Sir Gio, na very hands on sa project na ito."

Saka niya nilingon si Sir Ferris na parang iba ang aura ngayong umaga. His usual blank face almost gave away an expression; excitement.

"This project is very close to my heart." He started. "Alam ko naman sa lahat ng floor dito sa building ko, itong floor na ito ang mabilis makasagap ng balita."

Hindi namin alam kung joke ba iyon o ano. Pero isa lang ang sigurado ko, walang tumawa samin sa takot namin kay Sir Ferris.

"When Aya was diagnosed of Leukemia, I thought my whole world was shattered. I had the urged to just hug her and take all her pain away but not knowing how to do it. Those were the darkest days of my life, seeing her come in and out of the operating room, her series of chemotherapy, and many more. I was there with her but I always thought I wasn't doing enough for her."

The room fell silent as we listen to Sir Ferris. Ngayon lang kasi siya nagbitiw ng more than two sentences sa harap namin. Ngayon lang din namin siyang narinig magsalita na alam namin galing sa puso, at lalong-lalo na, ngayon lang din namin siya narinig na hindi galit.

"Lucky for us, our persistent prayers got answered. She was cleared of her disease late last year. But of course we're still careful, every now and then we get herself check just to make sure na hindi mag-reoccur ang sakit niya."

I saw everyone nodding their heads. The reaction on our floor was mixed. 'Yong iba mukhang na-i-inlove na ata kay Sir Ferris, may iba namang naluluha na, pero ako hindi ko ma-concentrate kung ano ba talaga ang nararamdaman ko dahil unti-unti na akong natutunaw sa titig ni Gio sa akin na hanggang ngayon hindi niya pa rin inaalis.

"So this project was inspired of Aya's experience. With the help of my not-so-friends-" Pagpapatuloy ni Sir Ferris, ngayon bumabalik na ang dating siya. Nawawala na ulit ang expression niya sa mukha. It became stoic in matter of seconds, because obviously he's not talking about Aya anymore.

"-we are to built a cancer facility for the poor and marginalized people. Actually naumpisahan na ito and we are 25% done with it. Levi, my co-owner, thought that we should also build a network to track people from the remote areas so we could also extend our help to them. Sa mga taong hindi kayang gumastos ng pamasahe upang magpatingin sa doktor."

"And we had handpicked people from this department to spearhead that network." Biglang sapaw ni Gio. "Upon thorough examining your CVs and resumes we had come to a decision kung sino nga ba ang mapapabilang sa grupong ito." He said with a sly smile on his face.

SHIT. SHIT. TRIPLE SHIT!!

Parangg gusto kong sumigaw ng napabaling muli ang titig niya sa akin na sandali niyang i-finocus sa iba.

"Care to do the honors Miss Lilly, kung sino ba ang isasama natin?" Gio uttered. Alam niyang nabibitin na ako kaya pinapapatuloy niya pa ang paninikis sa akin.

"Sure thing, Sir Gio. So this Find People, Help People Network, is to be headed by our one and only, Lexy." Masayang tugon ni Miss Lilly.

Lahat sila napatingin sa akin at bago pa ako maka-react, pakiramdam ko hinimatay na ako.

Stonehearts 6: AlexandriteOù les histoires vivent. Découvrez maintenant